Black hole.
A place where the gravitational force is so strong that even light cannot escape from it.
They have that gravity – a sweet, addicting strength that consume every little part of their soul. Alam ni Emerzon at Elrozy na kailangan nilang ihinto ang halik na iyon kung hindi ay maaari silang maglaho ngunit hindi nila mapigil ang isa't isa. Ang dampi ng kanilang labi ay nagdulot ng kakaibang paglimot sa kanilang katinuan. The chemistry lit fire in their veins, bursting every possible emotion like fireworks in their chest.
It was too late to end it now.
Subalit biglang kumalas at lumipad palayo si Elrozy na habol ang hininga. Nilunod siya ng malambot at matamis na labi ni Kamatayan ngunit kailangan niyang umahon –alam ng sukubo na isa itong patibong. Hindi niya hahayaan na isang napakasarap na halik lamang ang sisira sa kaniyang plano. Hindi siya maaaring mamatay ngayon. Hindi pa.
On other hand, Emerzon was so confused of what had happened. He touched his burning lips and still felt what the gray-eyed succubus did to him. It was like kissing someone for the first time and he wanted more. He doesn't want to stop but the succubus left him alone in his bed –hard and weak.
"Tads, tulak mo ko." Hindi makita ni Emerzon ang reaksyon ni Tads pero sumunod naman ito sa kaniya. Hindi kasi abot ni Zoux ang wheelchair na sinasakyan niya kaya kay Tads siya nakisuyo.
"Ano ba kasing nangyari sa'yo at nakaupo ka d'yan? Alam mo namang ililibot kita ngayon sa Sentro ng Duzakh." saad ni Zoux sa kaniya.
"Hindi ko kinaya. Binisita kasi ako kanina ng succubus na sinasabi mo, 'yung abo ang mata." Inaasahan niyang magugulat ang dalawa sa sinabi niya pero hindi man lang ito nagpakita ng ganoong reaksyon.
"Ah, so anong konek sa wheelchair?" walang emosyong tanong ni Tads.
"Ayun, nag-LP kami. Literal akong naubusan ng lakas. Grabe, kiss pa lang 'yun! Paano pa-" Naputol ang palatak ni Emerzon nang bumungad sa mata niya ang napakalaking puno na may mapusyaw na asul ang dahon. Maugat ang katawan ng puno na nahalintulad agad sa anes niya dahil sa dalawang malaking bato sa gilid nito.
Ang paligid ay matingkad na kahel at nagkalat na apoy na hugis bulaklak. Napakaraming berdeng tinik ang nasa lupa na tila damo ang awra. Mas malalaki ang halaman dito kaysa sa unang nasilayan pagdating niya. Matingkad din ang pulang liwanag sa itaas na nagbibigay ilaw sa paligid. Ang amoy ng lugar na iyon ay tila matapang na detergent bleach at punong-puno ng mga nilalang na nagulat din sa kaniyang pagdating. Agad-agad itong nagsiluhod at tumabi upang bigyan siya ng daan.
Manghang-mangha si Emerzon sa ganda ng lugar na iyon. Sinubukan niya pang hawakan ang isang bulalak na apoy ngunit wala siyang naramdaman at tumagos lamang ang kaniyang kamay rito.
"Welcome Kamatayan." Napansin siguro ni Zoux ang pagiging speechless niya.
"Imba!" Hindi makapaniwala si Emerzon may ganitong uri ng puno sa mundo.
"Isang parte lang ito sa impyerno. Ito ang bayan kung saan nakatira ang mga ganyang nilalang na tinatawag mong succubus at incubus. Sentro ang tawag nila dahil sa punong 'yun." Itinuro ni Zoux ang punong na tila nababalot ng mahika. "Dito rin nagaganap ang bentahan ng kaluluwa o palitan ng mga alipin," dagdag nito. Patuloy ang pagtulak sa kaniya ni Tads ngunit inihinto iyon ni Zoux ng makita ang isang pamilyar na dalaga kay Emerzon.
Pumikit at dumilat siya nang ilang ulit para makasiguradong hindi siya namamalik mata o nananaginip. Naroon ang babaeng kumuha ng lakas niya; nakatayo at tila namimili sa isang tindahan ng kaluluwa.