'Love, come back.'
An alluring voice was creeping in his mind. There was a familiar feeling inside him –it's like something was stirred underneath his brief. How could three words felt so sinful to arouse lust in every cell of his body? It repeated like a jumping disc with a very beautiful hymn. He couldn't stop the voice, not because he's insane but rather liked it.
'Where would I come back?'
'To me, Love. NOW!'
Agad napabitaw ni Emerzon sa pagkakahawak sa kamay ni Elrozy. Bakas ang gulat at pagkalito sa mga mata ni Kamatayan na ikinatuwa ng sukubo. Binigyan niya ng munting halik sa labi si Emerzon bago nag-iwan ng mapang-asar na ngiti at lumipad palayo sa Sentro. Napahagikgik siya ng bahagya nang maalala ang hitsura ng kaniyang nabiktima.
Napakaespesyal na sukubo ni Elrozy at alam niya iyon. Siya lamang ang may kakayahang manghipnotismo ng mga high profile entities bukod kay King Euphus. Ngunit hindi niya maikakaila ang naramdamang lakas ng awra ni Emerzon. Nang magtama ang kanilang mga mata ay hinihigop ang lakas niya nito. Naisip ni Elrozy na hindi lang alam ni Kamatayan ang kapangyarihang taglay kaya't nahipnotismo niya pa rin ito. Kung hindi ay sigurado ang sukubong siya ang malulunod sa mga mata nitong humahalukay ng kaluluwa.
Tila kinikiliti ang tyan niya kanina habang nakatitig sa biktima dahil ang angking ka-gwapuhan ni Emerzon ay talagang nakakabighani para sa kaniya. Nagbago ang paghanga niya nang malamang kailangan din ni Emerzon ang kaluluwa niya.
Ang hipnotismo ni Elrozy ay ang pagdadala sa isip sa isang imahinasyon na ninanais mangyari ng biktima. Doon makikita niya ang hiling ng isang kaluluwa. Dahil dito, napagtanto niya kung gaano katuso ang merchant na si Zoux dahil mukhang magpapaunahan sila ni Emerzon sa pagkuha ng kaluluwa ng isa't isa.
Parehas pala sila ng puntirya ni Kamatayan –patibayan na lamang sila sa larong buhay nila ang nakataya.
UMASA. NASAKTAN. NABIGO.
Ganoon ang pakiramdam ni Emerzon ngayon. Gusto niyang maglaslas dahil sa ginawa ni Elrozy. Pinagtripan siya ng puntiryang sukubo –nadale siya sa kapangyarihan nito.
Nawala lahat ng alinlangan ni Kamatayan nang makita ang dating kasintahan. Akala niya buhay na siya ulit. Kitang-kita niya pa ang mukha ang saya sa mukha ng babaeng minahal niya noon. Akala niya magkakaroon pa sila ng second chance at maipagmamalaki ang anes niya. Dagdag pa sa tuwa ni Emerzon nang sabihin ng ex niya na virgin pa rin ito. Umasa siya ng todo at akala niya may pag-asa na siyang maging masaya sa lupa.
Pero 'yun nga, akala niya lang lahat ng iyon.
Napikon si Emerzon sa ginawa ni Elrozy. Pakiramdam niya ay pinaglaruan ang feelings niya. Umigting tuloy ang pagnanasa niyang isakripisyo ang kaluluwa nito para makabalik siya ng buhay sa lupa.
"Pagsisisihan ng lintek na Elrozy ang pag-ti-trip niya sa akin. Nakakainis talaga!" Nasa loob sila ng tent ni Zoux. Inabutan siya ng umuusok na inumin.
"Grabe, kung nakita mo lang ang hitsura mo nang tumawa si Elrozy! Gustung-gusto mo siyang sakalin." Pinagtatawanan pa siya ni Zoux. Lalo tuloy lumalapad ang sarat nitong ilong. Naiinis pa rin si Emerzon pero na-di-distract siya sa mukha ni Zoux. Si Tads naman ay nag-e-emote ng 'she loves me, she loves me not' sa isang dosenang gumamela na 'di niya mawari kung bakit may dala itong ganoon at kung saan ito nanggaling.
"Magdiwang siya ngayon, mapapasaakin siya bukas!" Tumawa na parang nababaliw si Tads. Lakas trip din ng isang ito pero may light bulb sa utak ni Emerzon dahil doon. Nakaisip siya ng isang plano para makuha si Elrozy.