EPILOGUE

584 31 8
                                    

MAKARAOS.

Isang salitang nagdala kay Emerzon sa kinalalagyan niya ngayon –isang Kamatayan na nagliliyab ang emosyon sa kahalikang sukubo. Bawat galaw ng kanilang labi ay nagdadala ng kuryente sa kanilang mga kalamnan at humihiyaw ng pagmamahal. Wala silang balak huminto ni Elrozy; Itutuloy ang pagiging isa sa paraang alam nila. Isang himas lang ay sumasabog ang inipong pagtitimpi na matikman ang isa't isa.

TIGAS.

Ang salitang naging daan upang mapansin siya ni Elrozy. Ito ang nagsilbing rason kaya't napunit ang ipinahiram na pajama ni Leiron. Kung hindi dahil doon ay hindi sila magtatagpo ng sukubong may abong mga mata –ang babaeng naglalakbay ang kamay ngayon sa loob ng kaniyang damit. Ang bawat nakatabon sa kanilang katawan ay lumipad lang sa kwartong iyon. Ang pagdampi ng malambot nitong kamay sa kaniyang balat ay nagdadala sa kaniya sa loob ng isang mundong sila lamang ang naroon.

HUBAD.

Ang salitang nagdala sa kanila sa katotohanan –tinanggal ang bumabalot na kasunduan at limot na ala-ala. Bawat natutuklasan ay nagpapalapit sa kanilang dalawa kahit pa dumaan ito sa pagkalito at sakitan; Sa huli ang taling nag-uuganay sa kanila ay hindi nagpatinag. Hanggang ngayon habang yakap ang isa't isa ay lumilitaw ang kakaibang koneksyon nilang dalawa. Ang marka sa kanilang kalamnan ay umiilaw –simbolo ng tadhanang tumagos sa buhay at kaluluwa. Namangha si Emerzon at Elrozy nang makita ito, umigting pa ang pagnanais na maging isa ang kanilang mga katawan.

INDAYOG.

Ang salitang naging kanlungan ng kanilang pagmamahalan. Sumasabay sila sa saliw ng kanilang emosyon at nagbigay gabay upang makilala ang isa't isa. Parang nota sa isang magandang musika ang kanilang kwento; mabagal man o mabilis ang paghabi sa alaala ay nagresulta sa isang himig na kanilang inaalay sa isa't isa. Ang daloy ng kanta ay katulad ng kanilang mga katawang may sariling tono ngayon. Hawak nila ang isa't isa habang ibinubuhos ang buong pagkatao nila sa isang sayaw –habol na hininga at ungol ang tunog na sinasabayan. Isang obra maestrang indak para sa dalawang taong nag-iibigan.

RUROK.

Ang salitang nagdala kay Emerzon at Elrozy sa walang hanggan nilang pagsasama. Umilaw ang kanilang paligid habang unti-unting nababalot ang walang saplot nilang katawan ng pulang usok. Nakangiti nilang niyakap ang kinahantungan –hindi kailan man pagsisisihan ang bawat desisyon na kanilang ginawa. Para kay Emerzon, ito man ang una't huli niyang karanasan ay ayos lamang, masaya siyang si Elrozy ang pinagalayan ng sarili at kaluluwa. Sa pag-abot nila ng sabay sa kaligayahang iyon ay ang pagalingawngaw sa buong Duzakh ang isang kampana na tatlong beses tumunog. Mabilis na dinampot ni Zoux ang maliit na aklat at espesyal na sisidlan kung saan nakapaloob ang kwento at matingkad na pulang mga usok –ang kaluluwa ng isang sukubo at isang taong tinatawag na kamatayan.

-wakas-

Tibok Galing IlalimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon