"Siya 'yung ex mo?" tanong niya kay Emerzon.
Nasa tapat sila ng isang babaeng may maiksing buhok at lalaking tingin niya'y banyaga sa bansang iyon.
"Oo. At 'yun ang nakauna sa kaniya." Inismidan siya ni Kamatayan bago ito tumalikod palayo.
"So, ano naman? Big deal ba talaga kung sino ang nakauna sa babae?" Sinundan niya ito. Hindi niya alam ang patutunguhan nila basta sumama lang siya para mangolekta ng kaluluwa.
"Naman! May paniniwala kaming mga tao na mahalaga ang virginity. Ibinibigay lang 'yung ng isang babae sa lalaking mahal na mahal nila." Biglang itong umangat sa lupa kaya naman ibinuka niya ang malaking pakpak at sumabay dito.
"Sa babae lang mahalaga ang virginity? E, paano naman sa lalaki? Dapat ba special din ang unang putok nila?" Sunod-sunod ang pagtatanong ni Elrozy.
Huminto naman si Emerzon sa isang rooftop.
"Iba ang mga lalaki. The more, the merrier kasi. Weak ang lalaking kulang sa experience." Umupo siya at tumabi rin ito. Inabutan siya ni Emerzon ng umuusok na inuumin. Ang mga nakakainom nito ay unti-unting nagbibigay ng tapang sa isang nilalang at nagtatanggal ng kanilang reserbasyon sa katawan. Mapait ang lasa nito at patamis nang patamis kalaunan ngunit ang epekto ay palala nang palala. Unti-unti ring magliliyab sa init ang pakiramdam habang dumarami ang naiinom. Ang sobrang pag-inom ng Juniper ay nagreresulta sa pagkawala ng katinuan.
"E, ano ang tawag sa babaeng the more, the merrier din ang peg? 'Yun bang masyadong mapagmahal?" Nakataas ang kilay ni Kamatayan nang tanggapin ang pang limang bote ng Juniper. Nararamdaman na nito ang init sa katawan na hindi mawari kung hatid ba ng sulyap ni Elrozy o ng juniper.
"Malandi. Maharot. Pa-kire."
"So ganoon pala ako? Malandi, maharot at pa-kire? Sobrang experienced ko kasing babae." Hindi mapigilan ni Elrozy ang maging sarcastic. Iniiisip niyang marahil ay kasalanan ito ng inumin dahil naaapektuhan siya sa mga sinasabi ni Emerzon.
"Succubus ka hindi tao. Required para sa inyo ang mabuhay ng makasalanan. Kaya 'wag mo kong iniirapan d'yan na para bang hinuhusgahan kita." Inilapit bigla ni Emerzon ang mukha kay Elrozy. "Tsaka, gusto ko kung ano ka. Wild." Paborito talagang gawain nito ang itaas-baba ang kilay. Bilang ganti ay ginawaran ni Elrozy ang labi nito ng munting halik. Pakiwari niya'y nadadarang siya sa emosyon at sa mapupulang labi ni Kamatayan.
"Walang gulatan, Elrozy," saad nito. Hindi maiwasan ng sukubong makaramdam ng kakaibang kulo sa tiyan kapag binabanggit nito ang pangalan niya. Iniisip ni Elrozy na baka nakakautot talaga magsalita si Emerzon.
Tumawa lang ang sukubo na sa pandinig ni Kamatayan ay isang halinghing.
"Nga pala, ayos 'yung paraan niyo para makita ang soul mate. Parehas na markang umiilaw kapag nag-se-sex. Ang angas!" pag-iiba ng usapan nito.
"Gan'un talaga. We're awesome creatures! Ano pa bang ie-expect mo?" nakataas pa ang kilay ni Elrozy para dama ng kausap na bongga ang lahi nila.
"Oo na." Umayon si Emerzon kasi alam niyang totoo ito. Nabibighani na nga ang Kamatayan sa sukubong nasa harapan niya. "Pero alam mo may version ng ganoon ang mga tao."
"Sige, ano?" Proud si Elrozy sa lahi nila ngunit napukaw ang atensyon niya sa sinabi ng kausap.
"Ayon sa kasabihan, ang mga magkapares, e mayroong pulang tali na nagdudugtong sa kanila. Invinsible siyempre para may thrill. Tapos 'yung sa napanood ko namang movie, 'yung tali ay sumisimbolo rin sa oras na nagdudugtong sa dalawang tao. P'wede daw 'yun magbuhol-buhol at humaba pero hindi matatanggal ang koneksyon sa isa't isa. Ang koneksyong iyon ay mahiwaga at kayang tumagos sa kahit saang uri ng mundo. Sabi nga sa amin, kung kayo, kayo talaga."