Okay so hello guys. *kaway kaway*
Kagabi ko lang naisip itong kwento na 'to. May pinaghugutan eh. <///3 Salamat dun sa mga ATE ko na tumulong sakin i-push 'to. Hahaha.
So ayon, binata na ang Yoona natin, kailangan nating tanggapin yun kahit masakit. ;-; Bilyon-bilyong puso ng mga SONES ang nadurog dahil sa news about her dating Seunggi. Sa mga Yoona-biased dyan, Yoonaddicts, Yoona's fanboys, eto para sa inyo ang isang 'to. Isipin nyo na lang na ang lead male dito ay kayo, okay? Haha. Hindi ako against sa kanila ni Seunggi, it's just that...naisipan ko lang isulat to para sa mga fanboys niya na nadurog ang puso. <//////3 Suport pa rin naman natin si Yoona ha kahit anong mangyari diba? (^______^)
Special mention si ANGELO DINGLASAN, Fany biased. Siya daw ang pinakaunang nagluksa sa Pilipinas (Ayon sa kanya) nung nabalitaan ang tungkol sa issue na ito. (Oh ayan na pakasaya ka. Hahaha.)
*--------------------------------*------------------------------------*----------------------------*
CHAPTER ONE.
"For KBS 2013 Drama Awards, the Best Actress category goes to... So Nyeo Shi Dae's IM YOONA."
Wearing a pretty simple dress showing off her shoulders, Yoona made her way on stage to receive her award. Nanalo siya ng Pagkatawag pa lang ng pangalan niya, nagpalakpakan na agad ang mga tagahanga ng actress para ipakita ang suporta sa kanilang idolo.
"Thanks to SONEs and all the people who loved me for allowing me to get this award. Also I would like to thank all the staffs that worked so hard. I hope you guys can stay tuned on my acting as well as our girls in the following year! Thank you everyone!"
Isa si Yoona sa mga natatanging actress sa South Korea. Miyembro din siya ng South Korean girl group na So Nyeo Shi Dae(SNSD) o mas kilala sa Ingles bilang Girls' Generation. Sikat ang grupo nila hindi lang sa Asya kundi pati sa buong mundo. Mababakas sa muka ni Yoona ang labis na kasiyahan dahil sa natanggap na award. Matagal na niyang pangarap ang maging isang sikat na actress, at ngayon, unti-unti na niya itong natutupad. Pagkatapos ng event, agad siyang dumiretso sa kanyang dressing room. Doon, nadatnan niya ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Harvey.
"Omo! Harvey-ah!" Sinalubong niya kaagad ito ng mahigpit na yakap. Harvey is an ulzzang, best face kumbaga. He's her best friend even before she debuted as one of SNSD members. Magkababata sila at sabay lumaki dahil magkaibigan ang kanilang mga magulang. Almost 4 years na silang magkasintahan pero dahil sa contract na pinirmahan ni Yoona sa SMent, inilihim nila ang kanilang relasyon sa public.
"Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko hintayin mo na lang ako sa dorm?" Pabulong na tanong ni Yoona sa boyfriend. Tanging ang 8 pang members ng SNSD at manager nila ang nakakaalam ng relasyon ng dalawa. Mabuti na nga lang at mabait ang manager nila kaya pinahintulutan nito ang kanilang relasyon.
"I can't help it. Gusto kitang sunduin eh. Isa pa, gusto ko din na ako unang mag-congratulate sa'yo." Tugon ni Harvey sa kanya habang magkayakap silang dalawa.
"Pwede namang text eh."
"Mas maganda kapag harapan diba? Ni hindi nga kita niligawan sa text--"
"Shush. Dito pa kayo nag-uusap ng ganyan." Putol ng manager ng SNSD sa kanilang usapan. "Mabuti pa Yoona, umuwi ka na. Pumunta na kayo sa dorm at doon na kayo mag-usap. Sumabay ka na sa amin Harvey, ako na magda-drive. Mahirap na at baka may makakitang paparazzi sa inyo."
"Sige po hyung."
Nagpalit muna ng damit si Yoona bago sila sumakay ni Harvey sa kotse ng manager nila. Excited na excited si Yoona sa pag-uwi. Ni hindi niya mabitawan ang hawak niyang trophy. Nakasandal ang ulo niya sa balikat ni Harvey habang ang binata naman ay hindi maalis ang mata sa pagkakatitig sa kanya.
BINABASA MO ANG
KPOP Fanfictions [Compilation of Short Stories]
Hayran KurguFEEL FREE TO READ DIFFERENT KPOP PAIRINGS, MY FELLOW SHIPPERS. <33 Me loves you. ;DD