A L Y S S A
"Ikaw ang tanging sagot sa mga katanungan ng puso ko , Alyssa . " . . . . . . . . . . . . .
Ang aking parating panalangin , sana'y ika'y maging akin pa rin . Nais kong ikaw ay aking makapiling . Dahil ikaw ang habambuhay kong mamahalin . Sana , nawa'y dinggin , ang aking hiling . Sapagkat , pangarap ko'y ikaw at ikaw lang ang mamahalin . Ikaw lamang , wala ng iba .
Sa bawat gabing mga dumaraan , hindi ko maiwasan na maitanong sa aking sarili , "Kasalanan ba ?" . "Kasalanan ba ang mahalin ko'y , ikaw ?" . Dahil sa bawat ihip ng mga hangin , na patuloy pa ring humahamplos sa akin , tanging ang lungkot ang nananaig . Sa bawat huni ng mga ibong nadaraanan , tanging ang mga awit ng lumbay ay aking naririnig . Sa bawat pagpatak ng mga ulan , ang mga mata ko'y lumuluha na rin . Ngunit sa bawat pintig ng puso'y , pangngalan mo ang aking tanging naririnig .
Pilit ko mang ibaon sa kweba ang paglimot ang mga katanungan ng puso , sadyang mapaglaro ang tadhana at patuloy na akong hinuhulog sa bitag nito. Bakit hindi na lamang pagbigyan ang hiling ng puso kong ito ? Bakit ba hindi mo na lang ibigay ang sagot , kung saan kita mahahanap at makikita na dapat ay magmulang sabihin ng mga labi mo na hinihila ako na palapit sayo ?
Saan pa man ako naroroon , o ano man ang aking bigyang pansin , ikaw at ikaw lamang ang tanging sumasagi sa isipan kong napuno ng tanong "Kung nasaan ka na ba?" At sa isipan kong hindi mawari ang iyong himig . Sa bawat musikang bumubulong ng awiting pag - ibig , ang napaka ganda mong tinig ang yumayakp sa puso kong nanlalamig . Kahit kanino man ako lumingon , ang mga mata mong maningning , ang siyang tumutunaw sa akin . O 'kay sarap isiping ikaw ay akin , ngunit ito pala ay sa sandaling panahon na tayo ay nagkasama at nag - usap ng masaya . Na ako at ako lang ang iyong nasa isip ng mga sandaling iyon .
Ang mga panahon ay lumipas , ngunit ang mga ala - ala natin ay nananatili pa rin sa akin . Ngunit hindi ko lang magawang limutin ang iyong mga ngiting tumutunaw sa yelong bumabalot sa puso kong puno na ng iyong lambing . At ang iyong mga matang nangungusap at nagpapa - alala parati sa akin na may anghel na nagbabantay sa akin . Ang tinig mo naman ay 'kay lambing na siya namang nagbibigay ng himig sa bawat salitang iyong bibigkasin . At ang iyong haplos na nagpapatahan naman sa akin sa tuwing ako'y nalulunod sa dagat ng kalungkutan , pag hindi kita kasama . Sana'y pagbigyang ibalik ang dati ay atin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Ang dating ikaw at ako . Ang dating tayo , muli .
Alam ko na ikaw talaga ang itinadhana para sa akin , umasa ka na habambuhay kitang mamahalin . Hinding - hindi kita sasaktan , at hinding hindi rin kita paluluhain . Pero ngayon , ay tayo'y nagkalayo ng mapaglarong tadhana , ako'y handang handa pa ring masaktan . Handa akong lusungin ang malakas na agos na namamagitan sa atin , kahit kapalit pa nito'y pagkalunod sa pag - asang ikaw ay makakapiling pa rin .
"Ikaw ang tangi kong pangarap , sa buhay kong ito."
=================================
Simula ng marinig ko ito , aaminin kong hindi madali itong trabaho ko . Medyo napaluha ako sa mensaheng gustong iparating sa akin . Kaya ang swerte naman niya kung nasaan man siya ngayon . Isa siyang karapat dapat na mahalin . Pero dapat pala ay pag butihan ko , ayokong i let down si Von dahil siya mismo ang naghire sa akin para gawin itong "biography" na ito para kay Alyssa . Kung nasaan man siya , sana ay mabasa niya ang bawat pahina ng librong gagawin ko .
Hindi lang naman para kayla Von itong ginagawa ko , kundi para na rin sa pamilya ko . Sa mga anak kong sila Mackie at Marco , at syempre para na rin kay Alfred . Gusto ko kasi na maging proud sila sa akin kahit na itong trabaho lang ang nagawa ko muna ngayon. Medyo busy rin ako kay Alfred , dahil nagiging worst ang pagthetheraphy niya this past few weeks . Medyo nasasaktan ako , dahil gusto kong makalakad na siya pero alam kon na nahihirapan siya , pero hindi lang naman niya pinapakita . Kagaya rin niya ako , handa rin akong masaktan para kay Alfred . Handa akong masaktan kasama niya sa bawat pakikipaglaban niya sa theraphy niya para lang , gumaling siya at makakilos na siya na parang normal na tao . Umaasa pa rin kasi ako na makakalakad siya at magiging normal . Dahil 'yun at yun lang naman ang tangi kong hiling .