A L Y S S A
Parating umuulit ang nangyaring aksidente sa panaginip ko . Naalala ko pa noon na hinawakan ni Alfred ang leeg ko . Dahil gusto kong kumawala sa sasakyan niya para makalayo na sa kanya . Kaya panay iyak ako ng iyak ng magising ako at nakita ko si Kiefer niyayakap ako . Si Tita Mozzy ang nagpupunas ng luha ko . Para akong binabangungot sa nangyaring aksidente . Pang ilang araw na kasi itong pinapaginipan ko . Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko .
==================================================================
K I E F E R
Andito kami sa ospital , kinonfine si Alyssa dito dahil parang binabangungot siya . Natatakot ako sa baby na nasa tyan niya dahil baka maka apekto . Ako lang ang mag isa rito dahil si Mama at Papa ang bahala dun sa anak naming kambal . Medyo nag aalala ako kasi hindi ko alam kung bakit nananaginip siya ng ganun ? Bumabalik na siya sa akin pero masakit pa rin na makita siyang ganito ang kalagayan niya . At lately lang namin nalaman na buntis siya .
(insert text message on iphone)
From : Mama
Anak , uwi ka muna dito . Hinahanap kasi si Alyssa ng kambal . . . . Ikaw na muna ang magpaliwanag sa kanila kasi gusto ko na manggaling sayo dahil ikaw naman ang daddy ng mga bata . Ingat ka Anak . . .