PROLOGUE

2.1K 66 46
                                    

Sabi nila magulo ang love…

Minsan daw kasi kung sino pa yung gusto mo, yun yung may ayaw sa ‘yo.

Minsan naman kung sino pa yung ayaw mo, yun yung may gusto sa ‘yo.

Minsan nasa harap mo na, hindi mo pa rin makita.

Minsan akala mo siya na, hindi pa pala.

Minsan naman nagpaparamdam na, hindi mo pa rin pinapansin.

Minsan alam mo na, pero nagbubulag-bulagan ka pa rin.

Minsan mahal mo na, pero hindi mo masabi.

Minsan hindi mo naman mahal, pero paasa ka pa rin.

Minsan akala mo wala ng nagmamahal sa ‘yo, masyado ka kasing nakatuon sa taong di ka naman gusto.

At minsan, gagawin mo ang lahat kahit pa maging masaya siya sa piling ng iba wag lang siyang masaktan.

Ganito ba talaga ka-kumplikado ng love? Na kahit ikaw na yung nasasaktan, patuloy ka pa rin nagmamahal nang walang kapalit. Na kaya mong tiisin lahat ng sakit sa tuwing nakikita mo siyang may mahal na iba.

Ang unfair no? Kung pwede lang sanang turuan ang puso. Kung pwede lang sana niyang suklian ang pagmamahal na binibigay mo sa kanya.

Pero siguro ang sarap ng feeling pag nalaman mong mahal ka rin ng taong mahal mo. Na alam mong sayong sayo lang siya. Na hindi na niya kailangang tumingin pa sa iba. Na alam mong lagi siyang nandyan para sa ‘yo at hinding hindi ka niya iiwan. Na lagi kang may karamay sa lahat ng bagay maliban sa mga kaibigan at pamilya mo. Na kahit sakluban ka ng langit at lupa, may isang tao pa ring laging sumusuporta sa lahat ng gagawin mo.

Sana perpekto na lang ang love. Yung walang naiiwan, walang nasasaktan. Walang give and take; yung bigay ka ng bigay ng lahat pero siya, kuha lang ng kuha, hindi man lang marunong mag- share. Walang buy 1 get 1; mahal na mahal ka nga niya, pero di lang ikaw. Walang hit and run; mahal ka niya tapos bigla ka na lang iiwan.

Sana ganyan na lang lahat ng love story. Yung katulad sa mga fairytales, “They lived happily ever after.” Yung may happy ending. Pero sabi nga nila, true love NEVER ends.

Ay! Bahala na si Batman, Superman o kung sino pang available na superhero diyan! Natural lang naman sa tao ang masaktan kapag nagmamahal. Eh ako kaya? ┐('~' )┌

Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon