Chapter III

375 24 13
                                    

"Hoy! Cheska anong oras na? Diba 6am kayo magkikita ni Xander?” sigaw ni Ate Fritzie na nasa labas ng kwarto ko.

“Oo, wait lang 5 minutes pa” inaantok pa ako eh, nag puyat kasi ako kagabi kahit alam kong may lakad ako ngayon.

Tinatamad pa akong bumangon pero nung nakita kong 5:59am na sa orasan, nagmadali akong pumasok sa banyo, naligo at nagbihis.

Pagbaba ko, nagulat ako sa nakita ko. Isang pangit na nilalang na nakakunot ang noo. “Grabe! Ang aga mo para bukas!”

“Sorry naman ha? Nanood pa kasi ako ng DVD kagabi, 1am na ako natulog” at ngayon antok na antok pa rin ako =__= Nawawala pa nga yung kaluluwa ko eh.

Kaluluwa, where art thou? Lumaki pa tuloy lalo yung eye bags ko (>~<)

“May pa 6am sharp ka pang nalalaman, di mo rin pala susundin” ang galing ko talaga. Makapag-react naman ‘to? Ngayon lang naman ako nalate >:)

“Sorry na nga. Lika na! Baka ma-late ka pa sa basketball game mo”

*GRUUUUU!*

“Haha! Kumain ka na ba?” gutom na pala ako. Di na ako nakakain kakamadali =____=

“Di pa eh

“Kumain ka na nga muna”  akala ko ba may basketball game pa ‘to?

“Hindi ba tayo male-late niyan?”

“Basta bilisan mo na lang” ano kayang nakain nito at hindi nagsungit?

“Eh ikaw? Kumain ka na?”

“Kumain ka na rin Xander. Marami naman akong niluto dyan” sabi ni Ate Fritzie

“Sige na nga. Miss ko na yung luto mo ate eh, alam mo namang number one fan mo ako sa mga dishes mo. Ang sarap kasi eh” kakain din pala, pakipot pa. :D

Pagkatapos naming kumain, dumiretso na agad kami sa school.

Pagdating namin, nakita namin sila Sophie at James. “Uy! Sophie, kanina pa kayo nandito?”

“Oo, akala ko nga maaga kayong pupunta eh” badtrip na Lee Min Ho kasing yan, di ako pinatulog sa sobrang kilig [A/N: Dinamay pa ang City Hunter eh. XD]

“Ayan sisihin mo o!” singit naman ‘tong si Xander Kailangan talagang ipangalandakang ako yung dahilan kung bakit kami na-late? Tsk =____=

“Oo na! Ako na may kasalanan!” ang unli nito

“O sige, alis na kami ni James. May dadaanan pa kami eh” sabi niya habang kumakaway at naglalakad papalayo

“Sige, ingat!” Ang cute talaga nilang couple, super sweet :”> Nakakainggit! :D

“Bilisan mo nang tignan yung bulletin board, malelate na ako” di rin siya nagmamadali no?

“Ito na po, Sir!” sabay saludo sa kanya

Habang nakatingin sa isang part ng bulletin board may isang pangalan na nakakuha ng atensyon ko.

“Dustin Avergonzado?” pabulong kong sinabi sa sarili ko

Wait lang.

Parang familiar yung name niya?

Parang narinig ko na kung saan.

Sa tindahan?

Sa karinderya?

Sa iskwater?

Kilala ko ‘to eh.

Kilala nga ba?

Mahalungkat nga ang utak, bago pa ako mabaliw kakaisip kung sino siya?

Processing……

1% loading..

10% loading..

30% loading..

50% loading..

80% loading..

100% loading..

Ah! Naaalala ko na.

____________________________________________________________________________

[A/N:]

Ano kaya naalala ni Cheska? Sino kaya si Dustin Avergonzado? Sino kaya siya sa buhay ni Cheska? Abangan...

- - -

Dahil madaming nabitin sa Chapter 2, napa-update tuloy ako agad. XD Buti nalang andaming free time kanina at gumana na naman ang aking brainy brains(Taray, natutunan ko lang yan sa friend ko. XD). Salamat po ulit sa mga nag-like/vote/comment at sa mga naglagay sa kanilang reading lists! I love you guys and girls! Sana po nagustuhan niyo ang ikatlong kabanata at patuloy niyong subaybayan ang mga susunod pa. (^v^)

Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon