Chapter XIX

141 6 3
                                    

[A/N:] Gusto ko sa kanya idedicate 'to kasi dinedicate niya sakin yung Chapter 8 ng Sweet Revenge. Basahin niyo yun guys. HAHA. Nagpromote pa eh. ;) Kaya ko din dinedicate to sayo para quits tayo. Haha. Joke. Natuwa lang ako nung nakita ko yun kahapon. Sorry kahapon ko lang nalaman na dinedicate mo sakin yung Chapter 8 ng 'SR'. Hehe. Basta, thank you! :*

@PrettyKath: Yiee. Welcome & Thank you teh! Isa ka sa reasons kung bakit agad agad akong napapa-update ng chapter. XD

____________________________________________________________

** RECAP OF CHAPTER 18: **

Nangingilid na ang luha ko nang makita ko si Ms. Dumbohala na akmang sasampalin ako. Shootness. Wala akong magawa kundi pumikit, nabato na ako dito. Lumipas ang ilang segundo pero wala parin akong nararamdaman. Namanhid na ba ako sa mga pambubully?

Minulat ko ng onti yung mata ko at nakitang may lalaking pumapagitna sa amin ni Ms. Dambohala. Sino ‘to?

** END OF RECAP **

“Uhhmm. Miss, may I excuse my BESTFRIEND.”

Inakay ako patayo nung lalaki. Si Xander pala. Kala ko kung sino ‘tong knight in shining armor ko. -__-

Nag-give way naman yung mga babae samin. Grabe alam mo yung awkward? Eto yun eh. Isang panget na tulad ko gumawa na naman ng kamalasan at tinulungan pa ng heartthrob na bestfriend ko. Nanlilisik tuloy mga mata nung mga babae.

“Thank you Xander. Wag mo na akong akayin. Ok na naman ako eh.” 

“Sure ka? Sorry ah.” Napatitig nalang ako kay Shnookums. Hindi talaga bagay sa kanya ang pagiging 'goodboy'. Laptrip lang eh. XD

“HAHAHA. Ang baet mo ngayon ah. Nakaen mo? XD”

“Mabaet naman talaga ako eh, di lang sayo! :P” Bumalik na rin ang dating Xander. Mas okay pa yung kanina eh. -_____-

“Tsss. Kaya pala pati ‘Dambohala’ naakit sayo.”

“Atleast may naaakit sakin, eh sayo?” Boom! Basag ako dun ah? XP

Sa wakas at nakarating na rin kami sa hallway ng school. Grabe ang daming obstacles(girls) ang dinaanan namin. Aga- aga, haggard looking na ako. Panget na nga ako tapos pawis na pawis pa, qualified taong grasa na ako. XD Pero etong si Shnookums, kahit haggard looking na, ampogi parin. Nung nagpaulan ata ng blessings ng kapogian, gising na gising 'tong bestfriend ko. Hayst. Siya na! (=____=")

“Ang landi talaga ng nerd na yan!”

“Oo nga. Kung makadikit kay Chryxander eh. Kala mo kung sinong maganda”

Ayan ang ayoko pag kasama ko palagi si Shnookums eh. Nagmumukha akong malandi. Mabuti na ngang makatakas dito, ayokong pinag iisipan ako ng masama. :/

”Xander punta lang ako sandali sa locker ko. Mauna ka na.”

“Sige. Save nalang kita ng seat.”

“Ok thanks.” Dumeretso nako sa locker ko kahit wala naman akong gagawin dun. Ayoko lang talaga sa mga bulung bulungan. Ayusin ko na nga lang 'tong buhok ko, tutal nagkanda buhol buhol na dahil sa stampede kanina eh. Atsaka masabi lang na may ginawa ako dito sa locker. :D

Naglakad na ako papunta sa classroom namin. 7:20am na, 40mins nalang start na ng first class namin. Asan ba yang room 4-A? Umakyat ako sa 3rd floor, then yun nakita ko rin ang room namin sa dulong dulo katabi ng stairs. Pagpasok ko…

BAKIT WALA PANG TAO?!

Tama ba 'tong pinasukan kong room? Tinignan ko ulit yung nakapaskil na sign dun pintuan: 'Room 4-A'. Tama naman ah? Eh asan na si Xander? Sabi niya irereserve niya ako ng seat. Baka naggala gala na naman yun. Asan naman yung ibang mga kaklase ko? Ay ewan. Makahanap na nga lang ng seat. Dun ako pumwesto sa 3rd row near the window.

Pinatong ko na yung bag ko sa likod ng arm chair ko at umob-ob na sa desk. “Katamad… Bakit ang tagal pumasok ng mga classmates ko? Asan na ba si---“

“Good morning.” Wait.. Familiar yung boses.. Sino kaya yun?

Iniangat ko yung ulo ko at lumingon sa likod. Shemay! Nananaginip lang ba ako?

Si DUSTIN AVERGONZADO! Siya yung unang kumausap sakin! Siya unang bumati sakin ng good morning! Saya ko! Kakaisip ko lang sa kanya, bigla nalang lumitaw! May superpowers ba ako? Harhar. Jas kedeng. XD Sumasang ayon ngayon si destiny ah! \(^0^)/

“Ah-eh… G-good morning din.” Shemay, nauutal at naiispeechless ako sa kilig! (>////<)

“Ikaw pala yan. Cheska right?” I nodded. Naaalala niya pa ako! Uwaaaa! Nagbablush na ang lelang niyo! (>////<)

“Can I sit beside you? May nakaupo ba diyan?”

“Ah hindi hindi! Vacant yan. Sige ok lang.” Whoooh. Pwede na ba ako himatayin dito? Kanina pa nagpapalpitate ang heart ko! XD

“Thanks.”  Umupo na siya sa tabi ko at ako, ayun tulala at kinikilig parin.Shootness! Eto yung pinapangarap ko eh! Ang makatabi siya sa klase! (>v<)

A few seconds had past at ang tahimik lang namin. Hindi ko alam sasabihin ko eh. Hindi ako nakapag ready ng speech kagabi! Yan tuloy I’m wasting my chance na makausap siya ulit. >~<

“May dumi ba ako sa mukha? Kanina ko pa kasi napapansing nakatitig ka sakin eh?” Ow-may! Ow-may! Napansin niyang nakatitig ako sa kanya? Shems. Kahiya naman oh! Baka mahalata niyang pinagnanasaan ko siya. Haha. Joke lang. Di ako ganun ka desperada ah. Slight lang. XP

“Ah w-wala... Ang ganda lang ng view”

"Huh? Anong, ang ganda ng view?!" Shootness. Nasabi ko ba yun?! Lumilipad na naman utak ko sa kilig, yan tuloy kung ano anong lumalabas dito sa bibig ko. Bad mouth! >~<

"Wala wala. Yung araw.. Oo, tama tama... Yung sunrise, ang ganda!" Wooh. Palusot mo Cheska! 7:30am na kaya, kanina pa yung sunrise! XP

“Ahhh.. Oo nga. Anong oras na ba, bakit wala pa rin sila?” question niya out of the blue. Whew. Buti nakalusot ang aking palusot. Hoho. Pero parehas kami, kanina parin ako nagtataka kung bakit wala pa yung mga ka-klase namin. 30minutes na lang kasi start na ng class namin.

“Ewan ko rin eh. Di nagtetext ‘tong si Xander sakin. Ay oo nga pala!”

“Ano yun?”

“Sorry nakalimutan ko yung shirt. Pero okay na naman eh. Bukas ko nalang ibabalik” with matching sorry-style ng Korean pa yan, yung nagbabow. Pero hindi yung OA at hindi yung nakatayo pa. Gets niyo? Bahala na kayo mag- imagine, basta yun na yun. :D Pero nagulat nalang ako ng pinat niya yung ulo. Whoo. Kilig naman ako deep inside, nagpipilit lang para di halata. XD

“Ahh… It’s okay. Kala ko naman kung ano yun, yung shirt la---“

 *Riiiiiiing*

“Dustin, excuse lang ah…” Badtrip naman tong tumatawag na’to. Kung kelan nasa momentum na kami ni Dustin eh. -_____-

*Riiiiiiiiing*

*Riiiiiiiiing*

Teka lang ah. Atat teh? Atat? Lalabas lang ako sandali. Sino ba ‘to ha?

______________________________________________________

Short update lang muna! Harhar. Hirap putulin by chapter yung nasa drafts ko eh. ^^'' Sana po nagustuhan niyo ang SHORT update. Feel free to VOTE, LIKE & COMMENT! Libre lang yun, kaya wag ipagdamot. Hehe. Atsaka we need INSPIRATIONS para lalong mapabilis ang update! ;)

REMINDER: May picture na po lahat ng Chapters. Muahahaha. Sinipag din mag- edit ng pictures sila gurls. Thank you! Alabyu! :* :D

Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon