Chapter XVII

133 4 2
                                    

“Ui, girl! Magsosorry ba ako?”

“Malamang, sukahan mo ba naman yung tao hindi ka ba hihingi ng sorry?” Aish, sige na nga. Kinonsensya pa ako ni Sophie eh. Pakapalan na lang ‘to ng mukha. Pero infairness makapal naman talaga ang mukha ko LITERALLY . XD

Dahan dahan akong naglalakad papalapit sa kanya pero hindi niya ako napapansin. Ang lalim ata ng iniisip nito. Iniisip niya siguro ako… Kilig naman ako? XD Pero baka iniisip niya nga ako pero ang iniisip niya ay kung paano ako pupuruhan? Wag naman sana. T^T

“Uhmmm. Dustin?” Bigla siyang tumingin at nag smile?

“Bakit?”

“So-sorry kanina ha? Hindi ko naman sinasadya eh, bigla na lang kasing lumabas ng hindi nagsasabi” Shocks! Ang pogi niya sa malapitan ><

“Ah, yun ba? Ok lang. Don’t worry hindi ako galit sa ‘yo.” Ang bait niya talaga. Para siyang anghel na bumaba sa lupa.

“Talaga? Talaga?”

“Oo nga. Kulit mo :)”

“Ako na lang maglalaba ng damit mo na sinukahan ko” Kadiri kaya kung dalhin pa niya sa bahay nila yung damit niyang may suka ko.

“Ok lang. Wag na”

“Ako na talaga, nakakahiya kaya” Sana pumayag siya. Tsansing na din yun na amuy-amuyin ko yung shirt niya. BWAHAHAHAHAHA!

Yesssss! Lagot sa ‘kin yang shirt mo pagka uwi ko. Baka hindi ko na mabalik ng buhay XD

“Bakit ka nga pala nandito sa labas?” Para naman may mapag usapan kami. Ang awkward nung silence eh.

“Wala lang” Ang tipid naman ng sagot nito -______-

“Bakit ka nga pala bumalik dito?” Ang chismosa ko talaga XD

“May bina—“

“Cheska, uwi na tayo” Siopao naman oh! Malalaman ko na sana yung dahilan ni Dustin kung bakit siya bumalik sa Pilipinas eh. Kaso panira ng kilig moments ‘tong si Xander. Wrong timing nga naman T^T

“Sandali lang” Tapos tumayo na ako sa bench “Sige Dustin mauna na ako. Salamat sa lahat at sorry din”

Palayo na ako kaso biglang may humigit ng kamay ko at pagtingin ko sa humigit. OW EM JI! Nakalimutan ba ni Dustin magsabi ng I Love You? HAHA. Assuming teh! XD Pero may bigla siyang iniabot sa akin.

“Nakalimutan mo yung shirt ko, di ba sabi mo ikaw ang maglalaba nito?”

“Ay oo nga pala. Ibabalik ko na lang sa ‘yo pagkatapos kong labhan” Shoot! Muntik ko pang makalimutan. Buti na lang pinaalala niya :”>

“Wait lang! I-text mo na lang ako kung kailan mo ibibigay para alam ko”

“Sige. Pe-pero...”

“Akin na cellphone mo”

“’Eto o!” Binigay ko yung cellphone ko sa kanya at kinuha niya. Shemay! Akalain mo yun? Hindi ko na kailangang hingin sa iba yung number niya. At anong say mo, siya pa ang mismong nag type nun sa cellphone ko. KILIGNESS MUCH! >///<

“Naka-save na dyan yung number ko. ‘Sinukahan mo’ ang pangalan ko dyan XD Sige bye Xander men. Bye Cheska” Tapos bigla na lang siyang nag walk out. Uso na ngayon ang walk out ah? :D

Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon