Chapter XII

150 7 1
                                    

Lingon sa kaliwa, lingon sa kanan, lingon sa baba, lingon sa taas…

Nakita ko si coach kasama yung girlfriend niya at yung ibang teammates ni Shnookums kasama mga babae nila tapos…

WALA SI DUSTIN! (TT^TT)

Shemay naman oh! Siya pa nama ang pinunta ko dito tapos siya pa yung wala?!

“Coach! Asan na si Dustin na magpapahanda?” Tanong ni James kay coach. Naging long range agad tenga ko nung narinig ko lang pangalan ni Dustin. Curious din ako kung asan siya eh. Sana naman late lang siya! (>A<)

“Ah si Dustin e—“

“Shnookums, wag kang iinom ng alak ah. Subukan mo lang, malalagot ka sakin pati kay tito. Kumaen ka nalang dun ng chips.” Kainis naman si Xander oh! Biglang singit hindi ko tuloy narinig sinabi ni coach. -_____-

“Psh. Opo KJ”

“Anong sabi mo?”

“Wala. Doon na ‘ko.” Kainis naman oh. Akala ko first time ko na ngayon makakatikim ng beer eh. BV naman ‘tong araw na’to. Andaming pang inis eh. Tapos wala pa yung bubuo ng araw ko. ><

Bigla akong nilapitan ni Sophie na ang lapad ng ngiti. Ano naman kaya problema o pinaplano nito? Wala si Dustin pero sobrang saya niya. Eh hindi nga rin yan pinayagan ni James uminom o kahit tumikim lang ng alak. Weird?

“Girl, kumuha ka na ng makakaen. Dun tayo sa kusina!”

Kumuha na ako ng mga chichirya at pumunta na kami sa kusina. Ewan ko ba parang may pinaplano ata ‘tong babaeng ‘to eh.

“Bakit parang may tinatago ka sakin Sophie?” Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. May kinukuha lang siya sa bag niya at maya maya nagabas siya ng dalawang bote ng beer. (O.O)

“SAAN M-mmhhhhmm” Tinakpan ni Sophie yung bibig ko at nagsign ng quiet sakin. Loka rin kasi ‘to eh. Kung ano anong mga trip. 

“Wag kang maingay girl. Baka mahuli tayo eh.” Bulong niya sakin. Loka loka talaga eh. Parehas kaming malalagot ni’to pag nahuli kami eh. XD

“Ano naisipan mo at pumuslit ka ng dalawang bote ha?” Dati naman kasi sumusunod yan kay James pag sinabihan na bawal uminom eh.

“Magcecelebrate tayo sa pagdating ni Dustin at sa pagtratransform niya! Wee. Kaya sshh ka lang ah? XD” Kahit alam kong bawal ‘tong gagawin namin, go nalang! Masarap gumawa ng bawal e, di ba? XD

Kumuha na kami ng dalawang shot glass sa may kusina ni coach at sinalinan yun ng alak.

“Para sa pagbabalik ni Dustin..” sabi ni Sophie ng mahina

“Cheers!”

“At para sa LALONG pagpogi ni Dustin…” dagdag ko.

“Cheers!” Sabay namin ininom yung isang shot ng beer.

“Yuck!” Masuka suka na kami ni Sophie sa lasa ng alak. Grabe ganito pala laso nito! Ampaet! Paano nakakatagal yung iba dito, eh ampanget panget ng lasa! ><

Maya maya bigla na akong nakaramdam ng hilo. Ewan ko ba, parang bigla akong nainitan at pinagpapawisan. Feel ko rin umiikot yung mundo. Pero umiikot naman talaga. Hindi, I mean, nahihilo at sumasakit ulo ko.

“Soph.. *Hik* Nahi—*Hik*—hilo ka *Hik* ba?”

“Oo *Hik* eh. Ikaw *Hik* din girl? Naii-- *Hik* --nitan ka din *Hik* ba?” Parehas na kaming nakaubob sa dining table ni coach. Parehas nga kami ng nararamdaman ni Sophie. Eto na ba yung sinasabi nilang lasing na? Eh nakakaisang shot palang naman kami ah?

“Wala ka bang alam na *Hik* remedy para mawala ‘tong hilo natin? *Hik*”

“Uhmmm. Wait lang *Hik*” Pa-gewang gewang siyang naglakad papunta sa cabinet na lalagyan ng kung ano anong ingredients. “Di ko maalala kung ano yun eh”

“Alalahanin mo! Pag tayo nahuli dito *Hik* hindi na tayo makakasama sa mga okasyon na tulad nito. *Hik* At lalong hindi na natin makakasama si *Hik* Dustin”

“Sandali lang! *Hik* Wag mo akong i-pressure”

“Basta *Hik* bilisan mo na *Hik* lang”

“Aaaaah! Alala ko *Hik* na!”

__________________________________________________________________________

3 chapters po ang i-uupdate namin ngayon. Sorry sa mga nabitin last chapter at matagal na naghintay ng update. Hectic lang talaga ang sched ng mga otors nito. Sorry po talaga sa mga readers at supporters ng istoryang 'to.

WAG NIYO PO KALIMUTANG MAG LIKE, VOTE AND COMMENT KUNG MAY POSITIVE AND NEGATIVE REACTIONS KAYO. WE'LL APPRECIATE IT. HINDI NAMAN PO KAMI NANGANGAIN, NANGANGAGAT LANG. BWAHAHAHAHAHA :DDDD

Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon