Chapter XV

157 5 3
                                    

[A/N:] Dahil na naman sa katamaran ng mga authors, napatagal na naman ang pag update. Sorry ulit for the late update guys. Alam niyo naman ang uso ngayon na sakit, KATAMS. :)) Anyway, bakit ang tahimik na ng comment box? Mga silent readers diyan oh. Magpakita kayo! :D

________________________________________________________________________

[Sophie’s POV]

Yiieee! Umaasenso na ako! Pati ako may POV na rin. Sorry naman, kinikilig lang XD

“Hay sa wakas! It’s a success!” Ang sakit talaga ng tyan ko kanina, buti na lang malapit lang yung banyo dito sa kusina

Kaso paglabas ko ng banyo...

Biglang nawala si Cheska?

Saan kaya nagpunta yung baklitang mukhang aswang at mangkukulam na babaeng yun?

Di kaya na-abduct na siya ng aliens?

Hmmm. Hindi rin, panget yun eh. Baka nga mas matitino pa ang mga fes ng mga aliens na yun kesa sa kanya.

Eh, nasaan na kaya yun?

Hindi kaya... bumalik na siya sa tunay niyang pinagmulan? O.O

Sa ilalim ng lupa?

Patay tayo niyan!

Este AKO pala

Lasing pa naman yun O.O

Baka rape-in niya yung mga ka-uri niyang lamang lupa?

“Ay, ano ba yan ang baho. Sino bang naglabas ng kung ano dito?“ Hala! Sino kaya yung pumasok sa CR? Nakakahiya =______________=

Pagtingin ko, “Hehe. Ako!” sabay taas ng kanang kamay at yumuko ng parang nahihiya. Kulang nalang ang watawat natin parang nagpapanatang makabayan na ako. :D

“Hahahahahahahahahahahaha! Akala ko pa naman si Coach yun, lolokohin ko sana eh” Badtrip ‘tong si James, palusot pa eh halatang halata naman (-.-)

“Wushu! Kunwari ka pa. OO NA! MABAHO NA! Bakit meron bang taeng hindi mabaho? Makikisinghot ka na nga lang magrereklamo ka pa. Buti nga libre at walang bayad ang singhot eh :p”

Nagulat ako sa ginawa niya then the next thing I know niyakap niya ako mula sa likod “Sabi ko nga. Eto naman niloloko ka lang. Tampururot ka na agad” Nakakainis ‘tong si James pinapakilig nanaman ako. Ako naman itong pokolondeee na kulang na lang malaglag ang panty sa kilig >///<

“Ikaw talaga, ang landi landi mo gaya ‘ko” Ha? Anong sabi ‘ko? O.O Nadulas ata -ako ah? Shocks! Patay tayo niyan!

“Anong sabi mo?” Bigla siyang bumitaw sa pagkakayakap niya at humarap sa ‘kin.

“Ha? Sabi ko ang sweet sweet mo talaga” Sana maniwala siya sa palusot ko >:DDD< *crossfingers*

“Ah. Akala ko sabi mo malandi ako gaya MO eh” Kailangan talagang i-emphasize yung word na ‘MO?’ Haha! Buti na lang may pagka-uto uto ‘to. Haist, Sophie! BAAAD GIRL >:)

Pumunta namin ni James sa sala para makihalubilo na sa partey partey at para hanapin ko narin yung panget kong bestfriend. Haha. Joke lang. Lab ko yung girl na yun no! :D

“Oh, anong nangyari dito? Bakit ang daming kalat?” Nagkalat yung chips sa lapag na ngayong winawalis ni coach

“Ah, eto ba? Pagkabukas kasi ni Cheska nung Nova nagsitapunan yung laman. Wala ngang natira eh, kaya inutusan ni Xander na bumili ng panibago.” Oh shoot!

Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon