Chapter IV

355 20 14
                                    

[A/N:]

Katulad ng pinromise ko, I'll dedicate this chapter to her :)

Kung sinong gusto magpa dedicate, just tell me. But first, like, vote,comment and add this to your reading list muna :D

Silent readers, magsilabasan kayo dyan kung gusto niyo pang ituloy ko 'to XD

_____________________________________________________________________________

3 years ago, may isang lalaking unang nagpatibok ng puso ko. Kahit hindi kami magkakilala, alam kong mabait siya base dun sa mga nakikita kong mga ginagawa niya. Kaso kahit mag kaibigan sila ni Xander never akong nag request na magpakilala sa kanya, baka mapangitan lang siya sa pagmumukha ko at layuan pag nagkita kami. Kaya mas prefer ko na lang na maging stalker niya, atleast kapag ganun makita ko pa lang siya masaya na ako, buo pa ang araw ko. \(^v^)/

Dati pa nga, as I remembered sa tuwing pumupunta siya sa bahay nila Xander para mag practice ng basketball or para gumawa ng project >picture of Xander and Dustin on the right side< nagtatago ako sa banyo nila para makita o kahit masulyapan ko man lang siya. Isang beses pa nga muntikan na ‘kong mahuli ni Dustin sa CR buti na lang tinulungan akong makatakas ni Xander. Kundi patay ako ng di oras nun :D

Tapos yung isa naman, sa SM nung kasama niya yung mga kapwa niya varsity players naging parang obsessed fan niya ako paano ba naman kasi kahit saan sila pumunta sinusundan ko sila pero syempre except na lang sa tuwing pupunta sila sa boy’s comfort room, muntik pa nga niya akong makita kasi pababa ako ng escalator di ko alam nandun lang pala sila sa tapat nun. Buti na lang nakatalikod siya at yung mga kasama niya yung nakaharap. Lupet ko no? Pwede na akong maging secret agent at dahil panget ako, I’m a certified “Stalker” >:D

Back to reality, bakit nakasulat ang pangalan niya dito sa section namin? Bumalik na kaya siya galing States? Kailan pa? Wala na akong balita sa kanya simula nung umalis siya. Di ko man lang siya nakita kahit sa huling pagkakataon, paano ba naman kasi ang epic fail ni Xander. -___-

*flashback*

“Ui! Alam mo na ba yung balita?” magkasabay kaming kumakain ni Xander ngayon sa cafeteria. May utang pa daw kasi ako sa kanya kaya ngayon nilibre ko siya.

“Anong balita naman yan?” ano nanaman kaya ang ichichika nito? Ang pagkakaalam ko, ako ang chismosa dito pero bakit ngayon parang wala akong alam sa pinagsasasabi nito?

“Ah, wala” ang gulo nito, pag siya nagtatanong sumasagot naman ako pero pag ako na yung nagtatanong hindi niya ako sinasagot. Bahala na nga siya, baka hindi naman ganun ka-importante yung balitang sinasabi niya. =____=

Maka-alis na nga. Baka ma-late pa ako sa next class ko.

“Sige shnookums, mauna na ako. May klase pa ako eh.”

“Ok.”

Habang tumatakbo ako sa hallway dahil baka ma-late ako, di ko napansin may nabunggo pala ako at nagsilaglagan yung mga librong hawak hawak ko. (>~<)

“Ay sorry” sabay pa kaming nagsalita at yumuko para kunin ang mga librong nasa sahig.

Pero pag angat ko ng ulo ko. (_ _) -> (-_-) -> (o_o) -> (-_-) -> (OoO)

Nagulat ako sa nakita ko (O.O)

Feeling ko tumigil yung oras, di ko na pinapansin yung mga taong dumadaan. Sa kanya lang nakapako yung tingin ko. Yung feeling na gusto mo nang mag freeze at hindi umalis sa kinatatayuan mo sa sobrang ganda ng view?

Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon