Chapter XXI

176 8 4
                                    

“So class. Tutal naman sinimulan na ni Mr. Avergonzado ang pag iintroduce, ituloy tuloy na natin. Tell us your name, age, etc. It’s up to you what you would like to tell about yourself. Let’s start from the first row.” Yan ang pinaka ayokong part sa first day, self introduction. Ang corny lang. Kilala na naman namin ang isa’t isa. Fourth Year na eh, mga inamag na kami sa skul na’to. So hindi na kailangan ng ganito, kaartehan lang ni Ma'am eh. Wala lang yan ma- lesson kaya ganyan. -____-

“Hello guys. Kilala niyo na naman ako, right? Harvey Morales, 16. Friendly, makulit, sweet, stick to one pagdating sa babae at siyempre, pogi! Haha. At yung mga yun *points at us(Dustin, Xander and I)* ang mga barkada ko. Yun lang. *wink* Kala mo Dustin di ako papatalo sayo. Haha.” Baliw talaga yang si Harvey. Parang bata lang eh, ang cute! Kagigil eh! Haha. >v<

“Ang cute mo talaga Harvey!”

"Don't worry, panalo ka na sakin!"

“I love you na!”

“I love you too. Haha.” O di ba, baliw lang? Lahat pinapatulan niyan ni Harvey pero in a joke way hindi totohahanan. Mahilig yan sa mga babae, pero pag nagka-gf, isa- isa lang. Loyal yan no. ;)

Sunud- sunod na nag introduce yung mga kaklase ko. Hindi ko na sila pinakinggan. Nagreready na ako ng speech ko eh. Haha. Joke. Ang ingay kasi nung dalawa kong kaklase sa harap, si Abi at Ritzel, kaya di ko marinig yung nasa unahan. Di ko sila close pero I've come to know them by watching and listening to them when I'm bored. Nakakacurious kasi pinag- uusapan nila kasi magkaklase, magkaservice at magkapitbahay na nga yang dalawang yan, di parin matapos ang kwento nila. O di ba, kapagtaka? :D Anyway, si Xander na pala yung susunod na magseself introduction then sunod ako. Medyo kinakabahan na ako kahit magi introduce lang. Stage-fright eh. ><

“Morning. Chryxander Ramirez, 16 years old. Ranked number 1 since grade 6.” Kelangang ipagmalaki na siya top 1? Siya na! Psh. Kainis, bakit ba lagi akong natataasan niyan? (=___=#)

“Kahit ang serious mo, ang pogi mo parin!”

“Rank 1 ka rin sa puso ko since birth!”

Mga babae talaga ngayon. Hayst. Buti nalang di ako babae. Joke. Di na pinansin ni Xander yung mga pinagsasabi ng mga kaklase kong babae at bumalik na siya sa upuan.

“Kaibigan, kawawa naman tayo. Tatlong Adonis ba naman ang kakumpetensya natin dito sa klasrum. Wala tayong laban.” Parinig ng kaklase kong si Steven sa bestfriend niyang si Jason sabay pout. Eto na naman ang Drama King ng klasrum. XD

“Oo nga men. Single na naman tayo this year. Sagutin mo na kasi ako Quin” Haha. First day na first day may ligawan scene agad. Ano to, PBB teens? XD

“Shattap GAYson!” ang sungit din nitong Quin na’to eh, girl version ata ni Xander. XD Ilang months na siyang nililigawan ni Jason pero basted parin. Well, pakialam ko naman di ba? Di naman sila main characters dito, mga echos lang. XD

Pinatahimik na ni Ma'am Vindy yung buong klase kaya di na nakasagot si Jason kay Quin. “Uy rank number 2 ikaw na.” sabay tulak sakin ni Xander. Kainis ‘to. Mang- aasar pa? Nakuha ko tuloy yung atensyon ng mga kaklase ko pagtayo ko. Kakilabot naman mga tingin nila sakin parang gusto nila akong kainin ng buhay. OA na kung OA. Stage fright eh. Bago pa ako magsalita, binelatan pa ako ni Xander. Pero thanks to him medyo nawala yung kaba ko ah. :D

“Good morning. I’m Francesca Gutierrez, 15 years old.” Bumalik na ako sa upuan ko at nagsimula na ulit mag- ingay mga kaklase ko. Oh di ba, halatang prepared sinabi ko. :D Sumunod na yung iba sa pag iintroduce and afterwards diniscuss na uli ni Ma’am Vindy yung rules and regulations at inannouce na next week pa raw yung start ng lessons namin. Yes! Walang lessons = vacation! Extended bakasyon namin ngayon. Haha. Kahit isa akong nerd, estudyante rin ako na tamad mag- aral. :D

*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!*

Break time na! Yoooohooo! One of my favorite subject. Haha. XD

Nag-aayos na ako ng gamit nun nang biglang kinalabit ako ni Xander sa balikat. Hindi ko nalang siya pinansin. Bahala siya, sure naman akong magpapalibre yan ng Chukie eh. Asa pa siya, di niya ako nanay para pakainin siya no. >:P

“Oi panget. Sungit mo ah.” Namumuro na ‘to ah. Sinabihan na nga akong panget tapos sungit pa? San ka pa? Whoo. BV naman oh. Buti nalang hininaan niya boses niya kundi mapapahiya ako nito sa buong klase. Baka isipin na naman nila ang panget ko na nga, ang sungit ko pa. =_____=

“GIIIIRL!” Sa boses at pagtawag ng ‘girl’ palang niya, alam na alam ko nang si Sophie yan. Loka loka talaga yan. Kelangan isigaw?

“Ssssh. Ang ingay mo Sophie.” Lumapit ako sa kanya at sinenyasan siya na tumahimik.

“Eto naman. Namiss lang kita no!”

“Weh? Di nga? Kung alam ko lang nakalimutan mo na ako dahil solong solo mo na yang si James mo.”

“Girl wag ka nang selos. Miss naman talaga kita eh. Sayang nga di tayo magkaklase!” Nagpouty lips pa ang loka. Pero infairness ang cute niya ah. Kung ako gumawa niyan, kata-CUTE. Tawa nalang kayo mga readers para bumenta. XP

“Wushu. Ang sabihin mo, sayang di mo kaklase si Dustin.”

“Girl naman eh!” Reklamo niya at bigla akong niyakap.

“Haha. Ano di makaangal? XD”

“Eh sa totoo naman talaga! Behlat! :P” Bumitaw na siya sa yakap at sinimulang ilibot yung mata niya sa loob ng classroom namin. Ang londeee talaga ng baklang ‘to. >:D

“Hoy teh tumigil ka diyan. You already got James kaya ibigay mo na sakin yang si Dustin.”

“Psh. Kayo ba ni Dustin girl? Taas mangarap! Haha.”

“Hindi kami. Pero you’ll never know. Magugulat ka nalang bigla that the world will turn upside down.”

“Like this?” Nagulat nalang ako nang bigla akong pasanin ni Shnookums sa balikat ng parang isang sakong bigas.

“Mr. Ramirez! Put me down!” Reklamo ko habang pinaghahampas yung likod ni Xander. Sila Sophie at yung iba kong kaklase nagtatawanan lang. Di man lang ako tulungan. Tapos alam niyo na kung anong nangyayari sa mga girls, ayun nagkakaroon na ng black aura sa background nila. Sarap tawanan kaso awang awa ako sa sarili ko eh. Nakakahilo kaya! Feel ko pulang pula na ako sa lagay na'to. (@~@)

“Akala ko ba gusto mo magturn upside down yang mundo mo ha?”

“Sira! Kung ikaw lang gagawa nun, wag nalang! Ibaba mo na ako Chryxander!” Tumigil siya sa paglalakad at nilapag na ako sa sahig. Grabe kinareer na niya yung pagiging sako ko no? Talagang nilapag lang sa sahig at iniwan bigla. Dun ko nalang napansin na nakuha namin lahat ng atensyon ng lahat ng tao, isama niyo na yung janitor namin! Nakakahiya! Gumawa na agad ako ng eksena, first day palang ng klase. >< Perom ano bang probema nun ni Xander? Bigla na lang walk out?

_____________________________________________________________________

[A/N:] Baka bukas na po yung picture ng Chapter 21. So sleepy na eh. Time check: 3:42am. So good night guys! LOVE YOU all! Please LIKE, VOTE & COMMENT! And STAY TUNEEEEEEEED! ;)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon