Chapter II

394 22 16
                                    

[A/N:] Yan Abigail, wag na tampo. Sa'yo ko dinededicate tong Chapter 2. Salamat nga pala sa inyo ni Eirah sa paggawa ng cover at pag-edit ng pictures. Thank you din sa mga readers na nag- comment, nag- vote at nag- like! Sana po magustuhan niyo tong update. At sana patuloy lang po kayo sa pagsubaybay! :))

_____________________________________________________________________________

Kinakabahan na talaga ako. Kaso malayo layo pa ang bahay namin dito kaya naglakas loob na ako, dahan dahan akong lumingon at nakita ang takot na takot na si Xander.

“Oh? Akala ko ba uuwi ka na?” nagtataka kong tanong sa kanya

“Eh kasi…... may aso sa kabilang kanto” HAHA! Takot nga pala ‘to sa aso kasi dati hinabol siya ng aso ni Dustin.

“HAHA! Kalalaki mong tao takot ka parin dun hanggang ngayon?” laptrip talaga tong si Shnookums! XD

"Alam mo yung na trauma? Palapa kita dyan sa aso eh!" takot pa rin talaga 'to. >v<

"Eto naman joke lang masyado kang hot eh, chill lang"

"Samahan mo 'ko?" ayan nanaman siya sa mga 'The Moves' niyang pa-cute para pumayag ako.

"Sa isang condition" syempre dapat may kapalit, ano siya sinuswerte? >:p

"Ano nanaman?"

Matagal pa akong nag isip kung ano ang hihingin ko. Pagkatapos ng ilang segundo "Bili mo 'ko ng favorite nating Shnookums"

"Ah yun lang naman pala eh" yes! lagot yang shnookums na yan bukas, lalantakan ko siya! Bwahahaha! *evil laugh*

"Yehey! Thanks Xander. Ang bait mo talaga :>" Matagal tagal na rin akong di nakakakain nun eh.

"Halika na" sambit ko habang naglalakad papunta sa daan kung nasaan yung bahay niya.

"Ui, ayan na siya" nanginginig pa yung boses niya habang nakakapit ng sobrang higpit sa kaliwang braso ko. Para siyang bata. Haha!

Pagdating namin sa bahay niya, pinaalala ko ulit yung condition ko "Yung shnookums ko bukas ha?"

"Oo na! Mag ingat ka sa pag uwi ha? Sorry sa abala" kung lagi ba naman siyang manlilibre sa tuwing magpapasama siya, edi sana nagpakalat na ako ng napakaraming aso dito sa subdivision namin.

Habang naglalakad pauwi, hindi pa rin mawala ang shnookums sa isip ko "Waahh! Excited na ako bukas *v*"

Pagdating ko sa bahay napansin ni Ate Fritzie na masaya ako "Oy! Ok ka lang? Mukha kang may tama sa utak eh, bigla na lang tumatawa mag isa”

“Ililibre kasi ako ni Xander ng Shnookums bukas” lampas tenga ang ngiti ko habang nag uusap kami.

Pag akyat ko sa kwarto nakita ko yung picture namin ni Xander “Eto yung first time kong makatikim ng Shnookums” [Nasa right side po yung hitsura ng Shnookums/Shnoo Yogurt. Don't mind my face nalang. XD]

Naalala ko nung 8th birthday ko, ito yung niregalo sa ‘kin ni Xander. Nainis pa nga ako eh kasi pagkain yung regalo niya pero nung natikman ko yun naging favorite ko na rin. Kaya yun ang naging tawagan naming ni Xander, dun lang naman kasi kami nagkakasundo.

Excited na talaga ako!

Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon