Chapter V

276 19 13
                                    

[A/N:] Sayo ko ulit dinededicate ang isa sa mga chapter ko dahil birthday mo bukas(February 29, 2012). Minsan ka lang magbirthday kaya pagbigyan na. XD

- - -

Sorry sa super late update! JS Prom kasi namin last week eh. Kaya sobrang busy. May hangover pa nga ako ngayon sa JS na yan eh. Sinayaw kasi ako ng crush ko! Wahaha. Kaya yun nagkaroon ako ng lakas ng loob mag-confess sa kanya. Taray ng lelang! :D Pero badterp yung sundo ko, aga- aga dumating kaya yun hindi ko na narinig yung sagot niya. Tapos kanina hindi pa kami nagkita kaya wala parin. O di ba parang ako yung nanliligaw? XD Anyway, sorry sa mahabang intro. Sobra ko lang talaga kayong na-miss! :))))

- - -

Sino nga kaya yung tumatawag kay Cheska?....

___________________________________________________________________________

Sophie calling…

Si Sophie lang pala, akala ko naman kung sino? Kinabahan ako dun ah? Akala ko kasi may stalker na ako  Ang feelingera ko rin no? Sa tingin niyo, sa panget kong ‘to magkakaroon pa ako na stalker. Himala na lang yun o kaya naman bulag siya, pero pwede rin namang parehas kaming pangit. Ang lakas din naman ng loob kong mag pantasyang may magkakagusto rin sa ‘kin, hayaan niyo na minsan lang naman maging makapal ang mukha ko :))

“Ui girl! Sama ka sa basketball game. May chika ko sayo!” kailan ba nawalan ng chika ‘tong si Sophie, alam mo naman yan mahilig sa chismis gaya ko. XD

“Sige. Tutal wala naman akong ga—“ ay, bastusan? Di man lang ako pinatapos mag salita? Bastusing bata talaga ‘to =______=

“Yaaayy! See you girl!” then in-end call na niya agad. Baliw din yung babaeng yun, kahit may boyfriend na pokolondeee parin! Mahilig parin maghanap ng poging boylets, kaya nga siya ang girl bestfriend ko e. Kasi we really have similarities. Pero kahit ganun yun, loyal pa rin siya kay James. Ikaw ba naman magka all-in-one na boyfriend? Pogi na matalino pa? Buti pa siya swerte sa love life, eh ako? Psh, NBSB pa rin hanggang ngayon. =_____=

Ay, oo nga pala. Hahabulin ko pa si Xander bago pa makadating si Manong Driver. 

“Shnookums! Waaaaaaiiiit!” muntik pa akong madapa kakamadali para lang maabutan ko si Xander.

Buti nalang hindi bingi ‘tong isang ‘to at napalingon agad. “Oh bakit na naman Cheska?”

“Pwede ba akong sumama sa basketball game niyo?” with matching puppy eyes at pout pa yan para pumayag agad.  Kahit alam kong hindi naman yun tatalab sa kanya, malamang isang panget na tulad ko ba naman ang mag puppy eyes at mag pout ang sagwa kayang tignan. Pero bahala na, sana pumayag ‘to *Crossfingers*  ( ಥ 3 ಥ)

“Hi-hindi pwede! Wag ka nang sumama dun, epal ka lang e!” ang bad naman nitong Xander na ‘to. Hindi tumalab yung paawa effect ko e.

“Dali na! Pinapasama ako ni Sophie dun e. Atsaka bakit mo ba ako ayaw pasamahin, e dati naman lagi mo akong pinapasama sa mga laro mo?” lagi nga niya akong sinasama pero yun ay sa tuwing wala siyang katulong na magdadala ng gamit niya. Ang sama talaga nito, porket bestfriend niya ‘ko gagawin na niya akong muchacha? Sapak gusto niya?  Pero syempre joke lang yun, mamaya tuluyan niya pa akong hindi pasamahin sa basketball game eh.

“Oo na! Sige na! Sakay na sa kotse, hinihintay na tayo ni Manong e.” tss, may pa ayaw ayaw pa siyang nalalaman papayag din pala. Pakipot pa eh >:))

“Weee. Thank you Shnookums!”ヽ(´▽')/ Pero syempre masaya na ako kasi pumayag siya 

On our way to the basketball game, sobrang tahimik sa loob ng kotse at ang maririnig mo lang ay yung radyo na pinapatugtog ni Manong Driver. Ang kanta pa nga nun “Wait For You by Elliott Yamin”

Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon