Chapter VII

281 15 25
                                    

[A/N:] Dinedicate ko 'to sa kanya dahil... Wala lang, trip ko lang. Parehas kaming baliw eh, tsaka isa siya sa mga solid supporters ng story 'kong 'to :D

 __________________________________________________________________________

[Xander’s POV]

“Aray!” Siomai Siopao, nadapa kami ni Cheska habang naglalakad papuntang clinic. Ang lampa kasi nito, dinadamay pa ako =____________= Anong problema ng mga tao dito? Bigla na lang tumahimik yung buong basketball court at napunta samin lahat ng atensyon. Chismosa much? Kairita lang eh.

“Ok ka lang?” Tatayo na sana ako sa pwesto ko kasi ang awkward talaga ng position namin ngayon, nasa baba ko kasi siya o kaya naman nasa taas niya ako (Ano daw? Ang gulo no? Basta awkward! Yun na yun :D), kaso bigla naman akong hinawakan ni Cheska sa braso.

“Xander…. T-teka…”

“Oh, bakit? Ano nangyari sa ’yo?”

“Ang sakit ng ulo at likod ko… Hindi ako makatayo...” ako ‘tong injured tapos siya yung hindi makatayo. Kahit kalian talaga ang lampa nito. Pero sa tingin ko mukhang seryoso at malakas talaga yung pagkaka-tumba ni Cheska.

“Eh kaya mo pa bang maglakad?” tanong ko sa kanya habang tinutulungan ko siyang tumayo.

“Oo... S-sige, dadalhin pa kita sa clinic” aalalayan na sana niya ulit ako papunta sa clinic nang bigla uli siyang tumumba, buti nalang nasalo ko

“Mukhang ikaw pa nga ata ang dadalhin ko sa clinic eh” Aish. Hello? Ako yung injured dito? =___=

“O-ok lang ako no.. Nahi—“

[Cheska’s POV]

Ang sakit sakit talaga ng ulo at likod ko. Ang bulag ko naman, hindi kasi natingin sa dinadaanan. Nadamay pa tuloy ‘tong si Xander sa kamalasan ko. Nung makatayo na kami, iaakay ko na sana siya ulit sa clinic nang bigla niya akong i-piggyback :”>

“Uy Xander! Bakit?! Ibaba mo nga ako!”

“Pa-gewang gewang ka na nga diyan sa paglalakad mo, tapos sasabihin mong ok ka lang?” Huhu! Badtrip naman kasi eh, ako pa tuloy yung tinutulungan niya ngayon. Ang bait bait talaga ni Xander, ang swerte ko sa bestfriend ko :>

“Ikaw ‘tong injured tapos ako ‘tong dadalhin mo sa clinic?” Oo nga no? Parang nabaliktad lang ang sitwasyon namin eh. =____=’’

“Yun nga eh. Ikaw ‘tong dapat mag-aalaga sakin, tapos ikaw pa ang nadisgrasya.” Sungit pa rin talaga oh, pero may karapatan naman siya. Ako nanaman kasi ang dahilan kung bakit siya nahihirapan ngayon (T^T)

“Kaya nga ibaba mo na ako eh. Para maalalayan na kita sa clinic”

“Paano mo ako maaalalayan kung ganyan ang kondisyon mo ha?” eh siya nga iika- ika nang maglakad tapos bubuhatin niya pa ako. 

“Ibaba mo na lang kasi ako. Ok na naman na ako eh. Atsaka…” nahihiya na ako. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Tapos alam mo yung feeling na sumisikip yung dibdib mo? Yun ang nafifeel ko ngayon eh. Siguro dahil lang ‘to sa pagkabagsak namin kanina. Kaya inub-ob ko nalang yung mukha ko sa likod niya. 

“Ssssh. Tumahimik ka na lang. Kahit nama—“

*PRRRT*

“—bubuha—“ 

Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon