Your Call C7

530 21 3
                                    

Chapter Seven

MAGKATABI kaming nakatayo ni Mickey habang nag-aabang ng sasakyan. Hindi ko pa rin nakikita si Jonas. Pinaasa niya akong sabay kaming uuwi. Gustuhin ko mang magkunot-noo ng mga oras na iyon ay hindi ko magawa dahil kasama ko si Mickey. Sigurado kasing magtatanong ito. Bagay na hindi ko alam kung masasagot ko ba ng tama.

                "Kanina ka pa tahamik d'yan. Ano ba'ng iniisip mo?" tanong sa akin ni Mickey. Ang gusto nito ay tawagin akong 'baby' pero ayaw ko. Nakokornihan kasi ako sa mga ganoong tawagan.

                Nagbuntong-hininga ako. "Wala." Nakita ko ang tricycle na paparating. Medyo malapit lang kasi ang bahay nito kaya nagta-tricycle lang ito. "O, 'and'yan na ang sasakyan."

                Tumingin ito sa daan. "Sige," anito.

                "Sige. 'Bye."

                Akala ko ay aalis na si Mickey pero hinawakan niya ako sa braso at ginawaran ng halik sa mga labi. Nagulat ako sa ginawa niya. "Uhm."

                Ngumiti siya sa akin.

                "Andy!" Narinig kong tawag sa akin ni... Jonas!

                Napalunok ako. Dahil hindi pa rin ako nakakahuma ay hindi ko na naman naiwasan ang paghalik sa akin ni Mickey. Tumagal ang labi nito sa aking bibig, kahit pa'y ang bibig ko ay hindi tumutugon sa paghalik niya.

                Napabuga ako ng hangin pagkatapos. Nakangiti lang sa akin si Mickey saka nagpaalam na sa akin. Nakita ko agad si Jonas. "J-Jonas?"

                Madilim ang mukha nitong nakakatitig sa akin. "Uuwi na tayo!" mariing wika nito.

                "O-Oo." Hindi maalis ang panginginig ng aking mga tuhod nang lumalakad na kami. Malayo ang distansiya nito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Mukha itong nagagalit. Alam ko na kung ano ang hitsura nito kapag galit. Nasa likod ko siya, sumusunod sa akin. Sinulyapan ko siya. Nagtama ang aming mga mata. Hindi na ako nakabawi.

                "Anong tinitingin-tingin mo?" Nasa tinig nito ang pagkairita.

                Tinuon ko ang mga mata sa daan. "Bakit masama ba?" Defense mechanism ko iyon.

                Hindi lang siya sumagot.

                "Tuloy pa ba ang gimik mamayang gabi?" tanong ko.

                "Bakit naman hindi? Eh, marami tayong dapat na pag-usapan."

                Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Ano naman ang mga dapat naming pag-usapan? Ewan!

                Tulad ng kahapon ay hindi pa rin ito makatingin sa akin ng diretso. At kung nakukuha ko siyang sulyapan ay nahuhuli ko na lamang siyang nakatitig sa akin at bigla-biglang iiwas. Dahil magkaharap kami nito ay libre kong nasisilayan ang kanyng kabuuan. Hindi ko inaasahan ang paggalaw ng sasakyan dahilan para mapasubsob ako kay Jonas. Hindi tulad ng kahapon ay napadako ang kamay ko sa kanyang kaharapan, ngayon ay ang mga labi ko ang nakalapat sa baba, malapit sa labi. Konti lang ang pasahero. Agad akong nakabawi at lumayo sa kanya, dahilan para hindi kami makita ng ibang pasahero. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

                Hanggang sa paglalakad namin pauwi ay wala kaming imikan. Inaasahan ko na iyon. Hindi na rin ako nagsalita. Hindi ko alam kung gusto niya akong suntukin, gusto kong magpaliwanag, pero alam kong hindi iyon ang tamang oras para doon. Baka mamayang gabi ay maipalawanag ko sa kanya ang nangyari: ang paghalik sa akin ni Mickey at ang paghalik ko sa kanya kanina sa jeep na hindi ko sinasadya.

                "Bakit ang tagal mo?" iyon ang tanong sa akin ni Jonas pagdating ko sa dalampasigan. Huli ko na kasing nabasa ang text nito. Nakakatawa dahil kahit malapit lang ang mga bahay namin ay nagti-text pa rin kami.

                "Naghugas pa kasi ako ng mga pinggan pagkatapos kong kumain."

                "Ang sipag mo naman," natatawang sabi nito.

                "Dati pa naman, ah."

                Naka-puting sando lang si Jonas. Walang buwan sa mga oras na iyon, tanging lights lang mula sa mga bahay ang bumabanaag sa amin. Walang tao doon maliban sa aming dalawa.

                Katahimikan ang namagitan sa amin. Parang may dumaang anghel. Napapansin ko nitong mga nakalipas na araw ay may mga eksenang ang hindi ko minsan maipaliwanag. Na dati ay hindi naman nangyayari sa amin. Kapag kasi kami ang magkasama ay halos hindi kami matapos-tapos sa pag-uusap. Hanggang sa pag-uwi namin ay nagti-text pa rin kami hangga't sa dalawin na ng antok.

                "Kumusta sa pakiramdam?" tanong nito kapagkuwan.

                "Ha? O-Okay naman. Wala nga lang bituin. Walang ilaw. Ang dilim."

                "Hindi."

                "Eh, ang ano?" Tiningnan ko na siya.

                "Hinalikan ka kanina ni Mickey."

                Sukat sa sinabi ni Jonas ay biglang tumambol ang dibdib ko. Sasabihin na naman ba nitong sumira ako sa pangako? Marahil ganoon nga.

                "Ah..." tanging nasambit ko.

                Humugot ito ng malalim na hininga. "Gusto ko rin sana mahalikan..."

                "N-Nino?" nauutal kong tanong. Walang iba kundi si Niecy ang tinutukoy nito. Parang pinipiga ang puso ko dahil doon. Nasasaktan niya ako nang hindi niya nalalaman. Ang hopeless ko...

                "Ikaw..." mahinang sabi nito.

                "Nakita mo na kanina, 'di ba?"

                "Hindi," mariing sabi nito, kapagkuwan ay pinangubabawan niya ako at medaling ginawaran ng halik sa mga labi. Nararamdaman ko ang tigas sa aking mga hita. Napalunok ako nang sunud-sunod. Kung ang dibdib ko tumatambol kanina ngayon ay parang kumawala na ang puso ko sa sobrang kaba.

                Mabigat si Jonas pero kaya ko siya. Pagkatapos niya akong hagkan ay nanatili siya sa aking ibabaw. Nakatitig. Nagtatanong ang mga mata. Hindi ko na mabasa pa ang mga sinasabi ng mata nito dahil sa dilim.

                Pagkatapos ay umalis ito sa aking ibabaw. Nakamaang pa rin ako. Hindi ko iyon inaasahan. "B-Bakit?" mahinang tanong ko.

                "H-Hindi ko rin alam." Nakamasid lang ito sa malayo.

                Gusto kong umiyak dahil sa sinabi niya. Hinalikan niya ako, pero hindi nito alam an gang tunay na dahilan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi ko mawari, hindi ko matukoy kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa mga oras na iyon. Kung ngingiti dahil sa wakas ay hinalikan niya ako o magagalit at maiinis sa sarili ko dahil sa halik na iyon ay lalo pa nitong ginugulo ang sistema ko.

                "Pasensiya na," sabi ni Jonas.

                Sukat sa sinabi nito ay tumayo na ako. Hindi ko na kayang manatili doon, sumasakit ang lalamunan ko sa pagpigil sa aking mga luha. Nanginginig ang mga tuhod ko, nanghihina na halos hindi ko kayang ihakbang ang mga iyon. Lumakad na ako.

Your Call (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon