Chapter Six
"O, BA'T hindi ka pa nakabihis?" Unang tanong sa akin ni Jonas.
Merkyules kaya hindi ito naka-uniform. Napakaguwapo nito sa suot nitong red polo shirt. Humugot ako ng malalim na hininga, at pasimpleng sinimsim ang bango niya.
"Uy," untag niya sa akin. "Natulala ka na, ah. Nababakla ka na yata sa 'kin," biro nito. Sinundan nito iyon ng ngisi.
"Gago. Mas guwapo ako sa 'yo," biro kong sagot.
Tawa ako nang tawa. Kung ganoon ba ang eksena palagi sa bawat paggising ko ay okay na okay sa akin. Kailan ko kaya mararanasan ang araw-araw na ganoon?
"Nag-text ako sa 'yo, ah. 'Sabi ko magbihis ka na."
"Hindi ko pa nababasa, eh. O, maliligo na 'ko." Lalabas na sana ako ngunit umalis si Jonas, napatigil ako. "Umalis ka nga d'yan. Paano ako agad matatapos kung hahara-hara ka?"
Mataman lang siyang tumitig sa akin. Biglang sumeryoso ang mukha. Nag-angat ako ng kilay. "Sorry kahapon," nasabi niya.
"Ang aga-aga, ang drama neto." Tumawa ako. Akmang pipindutin ko ang matangos niyang ilong—na palagi kong ginagawa—pero nakaiwas siya. "Hindi ka na nagpapahawak sa ilong, ah."
"I changed," biro pa nito. Lumakad na ito patungo sa sofa saka umupo. Nakamasid lamang ako sa kanya. "O, maligo ka na. Para kang babae kung gumalaw, ah. Ang kupad mo."
"Gago." Natatawang tumungo na ako ng banyo. Habang naliligo ay laman pa rin ng isip ko si Jonas. Pinagmasdan ko ang bagay sa pagitan ng aking hita. Tumikas iyon. Hinawakan ko iyon. Mabilis kong pinakawala ang init sa aking katawan.
Naglalakad na kami ni Jonas papuntang sakayan. "Gimik tayo mamaya," pagbubukas nito ng usapan.
Napa-angat ako ng kilay. "Anong gimik?" Gumimik na ba kami ni Jonas? Sa pagkakaalala ko ay wala pa. O baka... napalunok na lamang ako. Baka, may date ito at si Niecy at gusto niya akong kasama. Siyempre, kasama ko rin si Mickey kung sakali. Double date, kumbaga.
"Sa dalampasigan mamaya. Sabi ni Mama may shooting stars daw mamaya, sabi sa balita."
Bumuga ako ng hangin. Napa-praning na yata talaga ako. Kung anu-ano na ang iniisip ko. "Gimik nap ala ang tawag do'n sa dalampasigan, ah." Tumawa ako.
Tumawa rin si Jonas. "Oo, thirty minutes ago lang napangalanan."
Naglalakad na tumatawa kaming dalawa. Nakaka-missed ang ganoong eksena. Alam ko sa mga susunod na araw ay hindi na ulit iyon mangyayari. Nagbuntong-hininga na lamang ako.
"Nitong mga nakaraang araw, palagi kong napapansin na panay ka sa pagbuntong-hininga. 'Di mo naman 'yon palaging ginagawa. May sakit ka ba?"
May tila bumikig sa lalamunan ko. Npahinto ako sa paglalakad. Tiningnan ko si Jonas. "Ano ka ba? Para nagbubuntong-hininga lang, eh. Kung anu-ano 'yang naiisip mo." Gusto kong isagot ay, "Hindi ko kasi alam ang dapat na iakto sa tuwing kasama kita. Gusto kasi kitang yakapin nang mahigpit at halikan. Pero alam ko hanggang sa pangarap at panaginip ko lang magagawa ang mga 'yon."
"Uy, halika ka. 'And'yan na ang jeep."
Napakurap ako. "Ha? May sinasabi ka?"
"'Sabi ko 'and'yan na ang jeep."
"Ah, oo." Sumakay na kami. Habang sakay ng jeep ay lihim ko siyang pinagmamasdan. Magkatabi kami. Pagsasawain ko na lang muna ang mga mata ko sa pagmamasid sa kanya at ang ilong ko na inaamoy siya dahil alam ko, pagdating sa eskuwelahan ay hindi ko na magagawa iyon. Paagdating doon ay para na akong nakakulong at bilang ang mga ginagawa.
Nagulat ako nang biglang pumreno ang jeep. Napasubsob ako sa dibdib ni Jonas at ang kaliwang kamay ay napunta sa kanyang harapan. Napalunok ako nang makabawi. Maraming pasahero ang umingay dahil tulad niya ay nabigla din ang mga ito.
Siya na ang kumuha ng kamay ko. Nakangiti siyang ibinabalik iyon. Hindi na ako nagsalita, hanggang sa makarating kami ng eskuwelahan. "Sabay ulit tayo mamaya, ha," paalala sa akin ni Jonas.
Tumango lamang ako. Agad na nakita ko si Mickey. Nakangiti siya sa akin. "Magandang umaga," bati niya.
"Magandang umaga rin." Ngumiti rin ako.
"Parang maganda ang gising mo, ah," puna nito.
"Hmn. Nakita na kasi kita." Pero ang totoo n'yon ay dahil... ah, ano ba itong mga nasa isip ko? Unti-unti ay nagkakaroon ako ng pisikal na atraksiyon kay Jonas. Unti-unti ay hindi lang puro puso ang nararamdaman ko para sa kanya. Gusto ko tuloy matulog ulit at panaginipan siya.
"Ang sweet mo talaga. Kaya mas lalo akong nai-in llove sa 'yo, eh."
Sa sinabing iyon ni Mickey ay natahimik ako. Paano kung magsawa na ako sa kanya? Paano kung bukas, makalawa ay hindi ko na siya pansinin? Siguradong masasaktan ito ng labis. Ayokong ma-in love siya sa akin ng ganito. Dapat pala ay noon pa lang naisip ko na ang mangyayari—na pagsisisihan ko sa bandang huli.
"Pasok na tayo," sa halip na sabi ko.
Doon kami naupo sa likod. Bagay na bago sa akin. Palagi kasi akong nasa unahan, kami ni Jonas. Nilibot ko ang mga mata ko, ngunit wala si Jonas, ganoon rin si Niecy. Saan ba nagpunta ang dalawa? Bigla akong nakaramdam nang paninikip ng dibdib. Tumayo ako.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Mickey sa akin kasabay nang paghawak sa braso ko.
Tinapik ko ang kamay niya. At tumungo sa labas. Nilibot ko ang mga mata ko sa labas nguni hindi ko sila makita. Hindi ko alam na sinundan pala ako ni Mickey. "Sino ang hinahanap?" nagtatakang tnaong niya.
"Basta," tanging sagot ko. "Pumasok ka na."
"Kinakabahan ako sa 'yo. Ano nga 'yon sabi?"
"Pumasok ka na nga!" mariing sabi ko.
Nakita ko ang paglunok ni Mickey. Nakita ko rin ang pagbabadya ng kanyang mga luha. Nakaramdam ako ng guilt sa nagawa ko.
"Si Jonas kasi... May nakalimutan akong kunin sa kanya." Lumapit ako kay Mickey.
"Si Jonas lang pala kung maka-react ka, parang mag-jowa kayo." Binirahan niya ako ng talikod. Saka umupo na ito sa dati naming upuan.
Napailing na lamang ako. Ganito ba talaga ang mga babae? Napaka-sensitive. Si Jonas hindi ganoon, nagtatanong muna ito ano at bakit. Si Jonas? Saan ba ito nagpunta kasama si Mickey?