Your Call C10

620 23 2
                                    

Chapter Ten

 NARAMDAMAN ko ang init na tumilamsik sa aking butas. Hindi pinasok ni Jonas. Hingal na hingal ako at ganoon rin siya. Pareho kaming pawisan. Isinuot ko ang aking shorts, si Jonas naman ay nagsuot na rin ng kanya. Hindi pa rin natatanggal ang kaba ko. Lumabas ako at tumungo sa banyo. Sobrang sakit ng puson ko. Gusto ko ring magpalabas ng init. Sa CR ay nagpalabas ako ng init ko. Pagkatapos ay tinitigan ko ang sarili sa salamin. Gusto kong umiyak... sa tuwa at sa sakit na nararamdaman ko.

                Nababaliw na nga yata ako. Tumulo ang luha ko at mapait na ngumiti. Pagbalik ko sa kuwarto ay nandoon pa rin si Jonas. Ngumiti siya sa akin. Ngumiti na lang din ako.

                "Aalis ka na ba?" tanong ko. Gusto ko na muna siyang umalis, ayokong ipakita sa kanya na umiiyak ako.

                "Ang katawan ko lang pala ang gusto mo..."

                "O-Oo, bakit meron pa bang iba?"

                "Wala. Aalis na 'ko pagkatapos kong iligpit ang pinagkainan natin."

                "'W-Wag na... Ako na lang. Umalis ka na."

                Sa halip na sumagot ay tinitigan niya ako. Magsasalita pa sana ako kaso may animo bumikig sa lalamunan ko dahilan para hindi ko maituloy ang sasabihin ko.

                Kanina pa umalis si Jonas, hindi ko pa natatapos ang paghuhugas ng mga pinggan pero tumungo na ako sa kuwarto. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Parang marami akong luhang dapat na ilabas. Nang makahiga ay kinuha ko ang unan ko at itinakip ko iyon sa mukha ko. Doon ay sumigaw ako. Basang-basa ang unan ko ng luha ko nang napagod ako sa pag-iyak. Animo isang punyal ang tumatarak sa dibdib ko sa mga oras na iyon. Unti-unting binibiyak ang puso ko.

                Tumungo ako sa banyo, doon ay tinitigan ko ang mukha kong umiiyak. Napaka-desperado ko. Pinagsasampal ko ang sariling pisngi, hindi ko alintana ang pamamaga n'yon. Manhid na yata ako na halos wala na akong nararamdamang pisikal na sakit. Napadako ang tingin sa baba. Nakita ko ang isang bote ng muriatic acid. Mas mabuti pa nga sigurong wakasan ko na lamang ang buhay ko. Hindi ko kayang lumabas ng bahay at makita ang bestfriend ko. Hiyang-hiya ako sa sarili ko.

                Kinuha ko ang bote at tinitigan iyon. Binuksan ko iyon, saka muling tumingin sa salamin. Lumunok ako at naramdaman na lamang ang muling pag-agos ng luha sa mga pisngi. Unti-unti ay nilapit ko ang bote sa akin habang nakatitig lang sa repleksiyon ko sa salamin. "Mahal na mahal kita, Jonas. Hindi totoong katawan lang ang gusto ko sa 'yo. Lahat sa 'yo, buong ikaw, mahal ko," pagkausap ko kay Jonas na animo naroon ito sa harap ko.

                "Andy!"

                Narinig kong tawag sa 'kin ng aking ina, napapihit ako at kasabay n'yon ay ang pagkadulas ko at pagbagsak. Naramdaman ko ang pagtama ng ulo ko sa matigas na bagay. Saka ako nawalan ng ulirat...

KANINA pa akong nakaupo, nakaharap sa hinihigaan ni Andy. Wala pa rin itong malay. Hindi ko na alam kung ilang beses na rin ba akong tumatayo at uupo muli at magpapalakad-lakad. Hindi ko alam kung ano ang dapat na isipin. Kung sisisihin ba ang sarili. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Andy kung bakit nito iyon gagawin. Nang makarinig siya kanina ng sigaw galing kay auntie ay dumali-dali akong tumungo sa bahay nila. Nakita ko ang walang malay na si Andy habang karga ni Auntie, sabi nito ay uminom daw ito ng muriatic acid. Tinulungan niya ito sa pagbubuhat papuntang Ospital.

                Nang makarating kami doon ay nalaman naming hindi naman pala ito nakainom ng muriatic acid, nadulas daw ito at tumama ang ulo sa isang matigas na bagay dahilan para ito mawalan ito ng malay. Ayon na rin sa ina nito ay may natapon daw na acid sa katawan nito, mabuti na lamang at agad nito iyon naagapan. Nabuhusan nito ng tubig ang katawan ni Andy.

Your Call (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon