CHAPTER TWO
NAGHINTAY ako kay Jonas na tatawagin niya ako para sabay na kaming pumunta ng eskuwelahan. Gano'n naman talaga kami parati. Magkasabay na pumasok na magkasabay na umuwi. Alas-siyete treinta ang klase namin pero alas-otso na ay wala pa rin si Jonas. Ngayon lang nangyari 'to.
Dahil nga late na ako ay ako na ang tumungo kina Jonas. Hindi ko ininda ang kabang nararamdaman ko. Baka kasi may sakit si Jonas, tulad noong nakaraang buwan na hintay ako nang hintay sa kanya. "Magandang umaga, Auntie, si Jonas?" tanong ko pagdating ko sa harap ng bahay nila nang makita ko agad si Auntie Lolit.
"Kanina pa siya pumasok. Aba, akala ko sabay kayo..." nagtatakang wika nito.
Nangunot-noo ako. Si Jonas, naunang pumasok? Hindi ba't magkasabay kami palagi? Ngayon lang ito nangyari. Ah, siguro ay nakalimutan nito, pero imposible. Hindi ito basta-basta nakakalimot. "S-Sige ho. Kasi baka hindi siya nakapag-assignment kagabi." Nagpaalam na ako. Ang totoo ay wala naman kaming assignment.
Habang sakay ako ng sasakyan patungong eskuwelahan ay ang daming bumabagabag sa akin. Hindi dapat ako mag-isip ng mga ganoon. Pagdating ko ng classroom ay nakita ko agad si Jonas, katabi si Niecy. Tawa nang tawa si Niecy, at nangingiti naman si Jonas. Hindi na ito nakaupo katabi niya. Hinayaan na lang muna niya. Siguro ay si Niecy ang dahilan kung bakit siya nito hindi hinintay. Nagngingitngit siya sa galit.
Talagang tinuhanan nito. Nakinig na ako sa teacher namin. Ilang sandali ay naramdaman ko ang pagtapik ni Jonas sa akin. Kilala ko ang paraan nito nang pagtapik. "'Tol, bakit ngayon ka lang?"
Tiningnan ko siya. Walang ekspresiyon ang mukha. Ikaw, bakit hindi mo 'ko tinawag sa bahay? iyon ang gusto kong itanong dito. Pero pinigilan ko ang sarili. "Ah, may ginawa pa kasi akong assignment, eh," pagsisinungaling ko.
Nangunot-noo ito. "Wala naman tayong assignment, ah."
"Sa... ano, sa kapatid ko pala. Mukhang okay na kayo ni Niecy, ah," puna ko. Kahit masakit sa loob ay iyon ang itinanong ko.
Malapad na ngumit si Jonas. "Oo nga, eh. Malapit na yata akong sagutin. Kanina ko lang nalaman na crush niya din pala 'ko. Astig, 'no?" Nakipag-high five pa ito sa akin, na tinanggap ko naman. "Sandali, parang kagabi ko pang napapansing malungkot ka, eh. May problema ba?"
Sa sinabi nitong iyon ni Jonas ay lihim akong natuwa. May concern din pala ito sa akin. Sa ilang taong magkaibagan kami ay kilala na rin pala niya ako. Naggkibit-balikat ako. "Wala. Adik 'to. Wala namang dahilan para maging malungkot. Masaya nga ako, eh. Dahil sa wakas ay magkaka-girlfriend na pagkatapos nang hiwalayan ka ni Jessica."
Ngumiti ulit ito. Napakaganda ng ngiti nito. Lumitaw ang pantay-pantay na mga ngipin nito. Nagkamot ito sa ulo. "Tapos na 'yon. Ang importante ay ang ngayon, 'di ba? Ikaw, mag-girlfriend ka na. Para pareho na tayo."
Hindi ko mapigilang bumuga ng hangin. "Bukas," mabilig na sagot ko.
"Ang yabang mo. Ang guwapo mo, ah." Siniko pa niya 'ko.
"Pogi naman talaga, ah. Bukas, hayaan mo, meron na."
Tawa ito nang tawa. Dahilan para sitahin kami ng teacher namin. Nanahimik kami na may ngiti pa rin sa mga labi.
"O, sige do'n na muna ako, ha." Turo nito sa katabing upuan ni Niecy. "Next tima na tayong magtabi," sinundan pa nito iyon ng ngisi.
"S-Sige." Saka ako nakahinga ng maluwag. Hindi ko maitatangging sa bawat magkalapit kami ay kakaiba ang nararamdaman ko. Kinikilig ako, nagiging uneasy.
Recess time na. Hindi ko na inaasahan na magkakasabay rin kaming kumain. Tulad ng inaasahan ko ay nakita ko si Jonas na bumili ng snack para kay Niecy. Gusto kong magalit kay Niecy, pero hindi dapat. Sobra na akong nagseselos. Ngayon ko lang nakitang masaya si Jonas sa piling ng isang babae. Nakikita ko sa mga mata nito, sa mga galaw nito na masaya ito.
"Puwede bang tumabi?" narinig kong tanong ng isang babae. Nilingon ko ang nagsalita. Si Mickey, maganda rin ito. Kung ikukumpara ito kay Niecy ay pangalawa ito sa pinakamaganda sa aming klase. "Puno na kasi, eh." Hawak nito ang isang tray.
"S-Sige," sabi ko. Tumabi ito.
Ngumiti ito. "Kanina ko napapansin na kanina ka pa nakatingan banda do'n," nguso nito sa mesa nina Jonas at Niecy.
Bigla akong naging uneasy. Parang pagpapawisan din ako. "H-Ha?'
"Crush mo si Niecy, 'no?" tudyo nito sa akin.
"H-Ha? Eh, kanino mo naman nalaman 'yan?" Akala ko ay sasabihin nitong crush ko si Jonas. Kung ito ang sinabi nito ay baka nalaglag na ako sa upuan.
"'Wag ka nang mag-deny. Halos lahat lahat naman ng lalaki sa classroom ay crush si Niecy." Sumipsip ito sa coke nito. "Kanina pang hindi kumakain, ah."
Parang kanina pa niya ko pinagmamasdan, ah. "May boyfriend ka na ba?" sa halip na tanong ko.
"Ha?" Ito naman ang naging uneasy. Bigla itong nag-iwas ng mukha.
"Crush kita," sabi ko. Hindi sa conceited ako. Pero nararamdaman kong gusto ako ni Mickey. May hitsura naman ako, sabi ni Jonas. Kaya nga daw sila magkaibigan kasi pareho silang guwapo, naalala kong sabi nito noon.
"H-Ha?"
"Oo tayo na. Gusto mo ba 'ko?" Ginagap ko ang kanyang mga kamay na nakalapag sa mesa. Dahan-dahang binawi nito iyon, pero sandali lang, dahil ito na ang humawak sa mga palad ko.
"O-Oo, c-crush kita," pag-amin nito. Nararamdaman ko ang pagtambol ng dibdib nito.
Malapad akong ngumiti. Ang pangakong biro ko kay Jonas ay tototohanin ko. Siguro, kailangan ko na ring kalimutan si Jonas sa puso ko, lalo pa't alam kong hindi nito kayang suklian iyon. "Crush din kita, eh."
Sa pagkakataong iyon ay lumapad din ang ngiti ni Mickey. "Tayo na?"
Tumango ako.
"Hindi ako makapaniwalang crush mo din ako. A-Ang saya ko, Randy."
"Ako din." Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan nang pag-amin niyang iyon sa akin. Hindi ko siya totoong crush. At kung crush ko man siya hanggang doon lang talaga iyon. Si Jonas pa rin ang nasa puso ko. Ang bestfriend ko pa rin ang nasa puso't isipan ko. Na walang ibang ginawa kundi ang bale-walain ako.