Your Call (Ending)

852 29 35
                                    

Ending

NAKAUPO ako sa bangkang nakadaong, madilim ang lugar kung nasaan ako. Wala akong nakikitang ni isang tao sa dalampasigang iyon. Kasabay ng mahinang ulan ay ang pagtulo din ng aking mga luha. Animo may hinihintay akong importanteng tao sa buhay ko nang mga sandaling iyon. Hinihintay na kailanman ay alam kong hindi na babalik. Kailan man ay hindi ko na makikita pa.

                "Andy!" narinig kong tawag sa akin ng aking ina. Nilingon ko siya. "Kakain na tayo!"

                Lumunok ako nang sa ganoon ay hindi gumaralgal ang boses ko. "Oho! Susunod na 'ko!" Umalis na si Nanay. Muli kong binalik ang atensiyon sa kawalan. Napakasakit isipin na naunahan ako ni Jonas sa kabila ng pagtatangka kong pagpapakamatay. "Gago kaaa!" sigaw ko.  Napalunok ako. "Bakit ganyan ka?! Ang daya mo! Ang daya-daya mo! Gago ka! Akala ko ba kaibigan tayo, bestfriend, utol..."

                Tumayo ako, saka pinahid ang mga luha ko. Nanghihina ang mga tuhod ko. Napaluhod ako, saka itinukod ang mga kamay sa buhangin. Basa ang buhangin kaya hindi gaanong bumaon ang mga kamay ko. Tatlong araw na mula nang mailibing si Jonas at tatlong araw na rin akong ganoon.

                "Akala ko, sabay lang natin haharapin ang araw, akala ko hahayaan lang natin ang araw na maging gabay natin? Pero ba't ka nagpatangay sa kanya? Alam mo namang hindi ka na ibabalik no'n sa akin, eh. Sana nasabi ko man lang sa 'yo na mahal kita. Buwisit na pagmamahal 'to, nakamamatay!" Pinagsusuntok ko ang sariling dibdib. Akala ko masaya... akala ko maganda... hindi na pala babalik.

WAKAS

Your Call (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon