🏀FOUR🏀 -Jandrey

2.6K 90 3
                                    

Jandrey's POV

"May improvement na ba?" Wika ng kararating lang na si james

Simula kasi ng upload ko yung video ni Mr hoodie ang daming umako sa identity nya siguro dahil bukod sa magiging varsity na sila ng Starmoon university na #1 elite school here in the Philippines ay libre pa silang makapag-aaral dahil sa alok na scholarship at allowance every month worth P20,000 pero kahit pa sabihin na nating ang daming nagtatry-out wala parin ni isa sa kanila ang nakitaan ko ng passion tulad ng nakita ko kay Mr hoodie sa larangan ng basketball...

"Olats pa rin. Binabawi ko na ang sinabi kong nice plan to dahil ilang beses ko ng narinig sa ibat -ibang tao na sila si Mr. Hoodie but yet I end up with nothing " walang emotion na sabi ko sa kanya

Kainis kasi, narealize ko tuloy na maraming taong willing magpanggap just to pursue an opportunity. Tsk bullshit!

"Chill dude.. kung ganun nga tapusin na lang natin tong araw na to tutal last day na rin naman ng try out eh.. at isa pa alam ko kung gaano ka kadisedido na makilala ang totoong Mr hoodie" then he smirk.

Try-out I suddenly whisper in air

"Whatever.." cold na sabi ko

Napatingin na lang ako sa mga form na may fill-up na, may tatlong players na din na pumasa sa try-out kaya may saysay din naman pala 'to, after all.

"Nga pala where's coach??" tanong nya habang nililibot ang paningin sa kabuoan ng basketball court

"Coach!!!" agaw nya sa atensyon ni coach Lee agad namang napalingon si coach sa kinaroroonan namin.

Nag death glare sya Kay James bago patakbong lumapit "you're the one who plan this stupid try out right" madilim ang mukha ni coach ng itanong nya yun kay James

Nanlaki yung mga mata ni James at pinagpawisan sya bigla gusto kong matawa sa reaksyon nya pinipigilaan ko lang dahil baka sa akin mabaling yung galit ni coach... mahirap na!!

"Ah..mmmm..ano k-ka--si c-coach" nauutal na si gago, hindi sya makahanap ng tamang salita para makalusot sa pakana nyang try-out na'to.

"pffft" di ko na kayang pigilan ang pagtawa ko shezzzz nakita kong nakaglare sa'kin si James.

I just gave him a smirk. Habang nag pipigil ng tawa... Halata naman naasar sya.

"I am Shed Fier, I want to try out." napatingin kami sa guy na nagsalita 'di sya ganun katangkaran at wala sa itsura nya na naglalaro sya ng basketball kaya anung try out ang pinagsasabi nya?

Chaka paki ba namin sa pangalan nya?

"If that so, just fall in line maraming katulad mo ang nasa sulok na nag-aantay ng pagkakataon na mahawakan at malaro ang bola to prove themselves ..hindi lang ikaw" seryosong sabi ni coach Pero parang walang narinig ang lalakeng 'di namin alam kung saan nagmula.

O.A sa marami, Lima lang naman yung nasa bench lahat pa sila nag fifill-up pa. Hindi ko na lang yan sinabi kasi baka pag-push-up-pin pa ko ng wala sa lugar.

"I don't care about them, mas may paki ako sa oras ko, my time is limited ..." may tapang na nakipagtitigan sya kay Coach.. namumula na si coach sa sobrang inis alam ko ngayon lang sya nakaencounter ng isang taong kahit titigan nya ng masama ay walang epekto ilang minuto pa silang nagtitigan... "...Coach" namilog ang mga mata ko nang ngumiti ito, ang paraan nya ng pagbigkas sa salitang yun ay puno ng respeto na syang pinagtataka ko kung pano nya nasambit gayong iisang salita lamang yun.

Bumuntong hininga si coach, and released a defeated sigh.

"Fine.. Make us awe," mahinahon na sabi nya then a smile form in his face tumingin siya kay James at sakin nakangiti sya pero may napansin ako sa mga mata nya 'di ko sure kung tama ako pero lungkot ang nakita ko sa pagtama ko sa tingin namin.

"By the way, my name again is Shed Fier. You've all known as Mr. Hoodie." Sabi nya nakinakunot ng noo namin pareho-pareho.

Tumakbo sya palapit kay Kascer kinausap nya 'to, Si Kascer kasi yung taga bigay ng bola sa mga nagta-try out, napalingon si Kascer kay Coach agad naman sumenyas si Coach na bigyan na ito ng bola kaya't agad din syang bigyan ng bola nito.

Pumunta sya sa gitna ng court as in literal na gitna huminto sya dun malayo pa yun sa three points area anong balak nyang gawin?

Wag mong sabihing....

O.O

Agad kong natuon ang buo kong atensyon sa kanya. Bahagya pa kong napapakurap.

Tinitigan nya ang bolang hawak nya then a true smile comes out from his face yung ngiting abot hanggang mata nawala yung lungkot na nakita ko kanina

He start dribbling the ball,

Fuck! That kind of dribbling,

Kung titignan wala naman talagang iba sa pag dribble nya, pero yung ganung klaseng pag dribble kasi, ay nasa napanood ko sa video nang paulit ulit... Nakatatak na nga sa isip ko.

Makailang ulit akong napalunok ng sariling laway dahil dun.

Dalawang beses nyang pinatalbog ang bola ng mabagal in his right hand, then his knees parted and bended. Pinatalbog nya ang bola ng tatlong pang magkasunod sa pagitan ng hita nya and make a cross over, shit!

Then he perfectly jump and release the ball from his hands, his body form an arc, pigil ang hiningang sinundan namin ng tingin ang bolang NASA ere na shoot sa basketball ring,

Wow....

Patakbo syang lumapit sa'min. Nakipagtitigan sya kay Coach bago ngumisi.

"Choose one of your trusted player and I will defeat him." mayabang na sabi nya.

"Yabang," dinig kong bulong ni James na masama ang tingin sa kanya.

Mayabang nga, pero ewan ko ba kung bakit may kakaibang pakiramdam na dulot sakin yung presensya nya.

Makahulugan akong tinignan ni Coach. Tumayo ako to face him. "Teach him a lesson," sabi ni coach at tinapik sa balikat.

"No, need Coach. I think I found him," i just said habang nakangiting nakatingin dun sa lalaki, nakuha naman nila ang ibig kong sabihin, diba? .... nawawala na ata ako sa sarili ko.

Ni, hindi ko magawang lingunin ang mga naging reaksyon ng mga kasama ko ngayon dahil sa presensya nya.


He's the real, Mr. Hoodie.

***AN
Thanks for Reading--

Your vote and comment is highly appreciated***

Edited.

Princess Of The BasketballCourt?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon