🏀TWENTY🏀ONE🏀 -Kiss

1.2K 51 4
                                    


Twenty One...

Shed's POV

Agad akong umuwi matapos ng practice. Buti na lang may kotse at driver si Fury kaya di nya na ko nakulit. Nilinaw ko na kanya na hanggang friendship lang ang magiging relationship namin. Bukal naman sa loob nya ang pagpayag. Yun nga lang may oras at pagkakataon na kapag kasama ko sya gusto kong bumalik na lang sa pagiging Shedyle at maging honest sa kanya.

Mabuti syang tao at masaya kasama. Gusto ko syang maging kaibigan. Matalik na kaibigan.

Laking gulat ko ng makita ko si Sev sa sofa sa loob ng kwarto ko.

"Stop that shit ,shed" mahina pero bakas ang galit na sabi nya na nakatingin ng masama sa dereksyon ko.

"kuya I can't I love what I'm doing right now" determinado kong sabi na nilabanan ang tingin nya.

"If dad will know this I'll swear he will got mad " matigas na sabi nya na may halong pagbabanta.

"Kuya please don't let him and mom know" pakikiusap ko.

"And why would I do that?" sarkastiko pero galit na turan nya.

Napalunok pa muna ko bago nakapag-isip ng akmang sasabihin. "Cause I know deep inside, may parte pa rin sayong naiintidahan kung bakit ko toh ginagawa. You know me kuya, all my life wala kong ginawa kundi sundin sila mommy to prove that I'm deserving to be a Caswel kaya nakalimutan ko na na tao nga rin pala ko. At yung buong pagkatao ko kuya ngayon ko pa lang nakikilala. Can I be selfish for a moment, sawa na kasi akong gumawa ng bagay na ikasasaya ng iba. Masama na ba kong kapatid at di mabuting anak kung pipiliin ko maging masaya kahit ngayon lang? Can I choose to be happy just for now? Pagtapos naman nito, babalik na yung Shedyle Sentier-Caswel kung yun yung gusto mo, gusto nyo. I can be a puppet again. " tinitigan nya ko na parang hindi makapaniwala.

"Kuya pls.. Ngayon lang ako naging masaya ng ganito every time i catch the ball and run it until I earn points by shooting it into the basket I feel alive... I feel completely happy.. So please let me play basketball until I graduated" umiiyak na ako sa pakikiusap ko sa kanya .

narinig ko syang bumuntong hininga at panandaliang nag-isip maya maya'y dahan dahan syang tumango agad akong napangiti at napayakap sa kanya.

"Pero di ko kayang ipangakong hindi nila to malalaman. Sooner or later sasampal din sayo ang katotohanan na hindi ka lalaki at malalaman nila yun. I want you to be happy dyle pero hindi ibig sabihin nun tama 'tong ginagawa mo, kasi sa kagustuhan mong sumaya niloloko mo na yung mga taong nakapaligid sayo." Kinalas nya ang yakap ko at pinakatitigan akong mabuti.

"Kuya..." natitigilang sabi ko.

"I'm not saying this para konsensyahin ka, gusto ko lang maisip mo yung consequences nang ginawa mong desisyon. Kuya mo 'ko at obligasyon kong itama ang maling nagawa mo. Pero paano ko maitatama ang isang 'to kung alam kong sa 'mali' ka sasaya?"

"I'm sorry." tanging na usal ko.

"Masyado nang malalim at nag-uugat na ang maling ginawa mo pero sana wag mo nang hayaang mamunga. Kasi pag nagkataon kung gaano ka kasaya ngayon ganun din kalalim ang sakit na maidudulot sayo. "

"What do you mean,?"

"I know you dyle alam kong hindi na lang basketball ang pinanghahawakan mo ngayon. Napalapit ka na rin sa team na kinabibilangan mo. Sa tingin mo ba? Sa oras na talikuran mona sila walang kakapit para bumalik ka?. Naging parte ka na ng buhay nila. At kapag mas lumalim pa yung parteng yun makakasakit ka sa gagawin mong pagtalikod, magagawa mo kayang humakbang palayo kung ang pagtalikod pa lang binubuhay na ang konsensya mo. You choose to be happy without thinking that you are being unfair." nag-aalalang turan nya sa tonong nagpapaintindi.

Princess Of The BasketballCourt?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon