🏀Thirty Four🏀

348 21 2
                                    

SHED's POV

Hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil sa biglang pananahimik ni Jandrey.

Mag mula kanina hanggang matapos ang laro ay hindi na nya ako inimik pa. Pakiramdam ko tuloy may nasabi akong mali.

Gaya ng dati ay normal na sa team ang mag asaran pero hindi ang pananahimik ni Jandrey. Kaya't iniiwasan ng lahat na biruin sya.

Ganun na lamang ang bigat ng pakiramdam ko ng maski pag hiwalay ko sa kanila ng sasakyan ay hindi nya ko inimik.

Pagsakay ko ng kotse ay agad ko itong pinaandar matapos makitang malayo na sila.

Hanggang makarating sa isang Fine dine restaurant ay ganun pa din ang pakiramdam ko.

Napakabigat ng pakiramdam ko na animo'y may nakabara sa dibdib ko na kung ano. Pero na natiling walang bahid nang kahit na anong emosyon ang mukha ko.

I am now wearing a white mini dress, peach pointed high heels and a peach pouch.

Dumaan ako kanina sa isang boutique para makapagpalit ng damit.

Hays. Kahit anong ganda ng suot ko hindi nun matatago ang bigat na epekto sakin ni Jandrey.

"Dyle.." Nakangiting pagbigkas ng aking ina nang mapansin ang paglapit ko kanina.

Ngumiti ako dito. At nakipag beso, agad kong nalibot ang mga mata ko sa table na kinaroroonan ko.

Pabilog ang mesa at tanging si Mommy , parents ni Keniv at sya ang nandun.

Mukhang alam ko na ang patutunguhan nito. And I am not ready for this.

Ngumiti ako at bumeso sa ibang mga nandon maliban sa lalaking yun. Maski ang pagbanggit sa pangalan nya sa isip ko ay hindi ko magawa dahil sa tinding galit.

Taka pa itong makikipagbeso sakin pero iniwasan ko.

"Have a seat Dyle, It was nice to see you again after a long time." Nangiting sabi ni tita.

"Thank you tita, it's been a pleasure to see both you again. Hi, Tito namiss ko po yung mini game natin." Magiliw na sabi ko na na nagpalit palit ang tingin kay Tita at Tito pagka't may iniiwasan akong pares ng mga matang nakatingin sakin. Ang tinutukoy kong laro namin ay yung basketball, isa sya sa nag spoiled sakin sa larong yun. Malaki din ang respeto ko sa kanila kaya hindi kailanman sumagi sa isip ko na saktan sila. Batid kong pag nalaman nila yun, madidismaya sila. At yun ang hindi ko kayang gawin.

Naging mahaba ang kuwentuhan namin ng hapunang iyon kaya't hindi nakaligtas na mapunta ang usapan sa topic na iniiwasan kong mabuksan.

"Kamusta naman kayo ng aking anak hija? Hindi ba sya nagbibigay ng sakit ng ulo sayo?" Nakangiti at pabirong tanong ni Tito Henry. Kaya't padako ang tingin ko sa kanya. Namilog ang mga mata nito at nanginginig ang mga kamay sa pagkakahawak sa kubyertos marahil dahil takot syang malaman nila ang tunay na lagay ng relasyon namin.

Princess Of The BasketballCourt?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon