🏀Thirty Two🏀

473 20 3
                                    

Jandrey's POV

MATUNOG na bumuntong hininga si Shed nang marinig ang hiyawan sa paligid mukhang hindi sya sanay doon.

Napakamot ako sa sentido ng mapuna ang sariling kinikilos. Hindi ko magawang matuon ang atensyon ko sa nagaganap na laro sapagkat naaagaw ni Shed at ng simple nyang kilos ang buo kong atensyon. Haist.

Muling humiyaw ng pagkalakas-lakas ang audience na syang nakapagpagising sa ulirat ko. Bigla ay nailibot ko ang paningin ko, kampanteng dinidrible ni no.7 ang bola. It's Blue against Green. Fuck! I need to focused.

Huminga ako ng malalim at pinilit na ituon ang buong atensyon sa laro.

No. 7 was guarded by Kelweir, batid kong nahihirapan ito dahil sa mahigpit na pagbabantay ni Kelweir kaya't hindi na ko nagtaka ng ipasa nya ito sa kasamahan.

No. 4 was smirking while dribble the ball, kaya't napataas ang isang kilay ko na mas finocus sa kanya ang atensyon ngunit iyon ata ang mali ko dahil naging dahilan iyon para mabilis niya akong maisahan nang mag cross over sya ay agad akong hinarang ng kakampi nya (No. 3) na parang iyon talaga ang inaasahan nilang mangyari.

Nagawa ni No. 4 ang nais nya , ang mashoot ng libre ang bola. Fuck! Napasimangot ako dahil dun. Dahil hindi ko na nagawa pang kumawala sa depensa ni no. 3.

Naging mas mabilis ang laro at nahihirapan kami, the score isn't in favor with us.

No. 8 was in the 3 point line na agad pumorma para sa akmang pag shoot pero agad iyon na block ni James, na syang nakuha namang naging dahilan para mapunta sakin ang bola.

"Fastbreak!" Agad na sigaw ko. Kaya't naging mabilis ang pag galaw ng bawat isa , humanda para sa offence.

Pinasa ko ang bola ay Jixcel ng bola konh makitang free ito... Pero kasabay ng pagdampi sa palad nya ng bola ay sya ring pagsulpot ni No. 11 sa harap nya. Kaya't nahirapan syang gunawa nang hakbang para makalapit pa sa ring, muli nyang pinasa sakin ang bola.

Naging mas mabilis ang pag dribble ko sa bola at nagcross over ako pero sadyang dalawa ang nagbabantay sa gawi, pero mas mabilis ang reflexes ko batid kong na hihirapan silang magkakiramdaman, I made a fake, na nakakatuwang kinagat nilang dalawa. Move side ward kung saan ang anggulong yun ay libre then shoot!

Nagpatuloy ang laro na pabor na samin ang score board ngunit nang mag umpisa ang 3rd quarter ay naging mas mahigpit ang defensa ng opponent,

Shed, was now dribbling the ball na parang bahagi iyon ng katawan nya kahit pa ilang beses ko nang napanood ang pag dribble nya ay hindi ko pa rin maiwasan hindi humanga, sa tuwing tatakaing agawin iyon ng kalaban ay nagagawa nya iyong iiwas sa mas mabilis, mas pino at mas kahanga-hangang paraan na tanging sya lang ang nakakagawa. Hindi na'ko nagtaka nang makalusot sya sa nakabantay sa kanya because of the cross over na syang naging dahilan para mashoot nya ang bola.

Naging mas mahigpit man ang depensa ng kalabang kupunan ay hindi iyon naging hadlang para maipanalo namin ang unang larong iyon.

Halos mahulog ko ang bottled water na hawak ko nang makitang may humawak sa bewang ni Shed. Napapalibutan sya nang mga babaeng nagpapapicture sa kanya.

Pomelo!

Kunot ang noo ko nang tahakin ko ang kinaroroonan nya! "Shed!" Tawag ko sa kanya ng makalapit ako, agad ko namang nakuha ang atensyon nila.

"Oh my! Jandrey?" Gulat at hindi makapaniwalang usal ng babae, kung paano nya ko nakilala ay hindi ko na inalam pa.

Princess Of The BasketballCourt?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon