🏀Twenty Six🏀

563 19 4
                                    

JANDREY'S POV

"Bro, ano nga pano manligaw?"

Pangungulit na tanong ni James

Hinayupak na 'to mukhang nadali na ng kung sino ah?

"Lumayo ka nga sakin pre, kadiri ka." Umaktong nandiring nakatingin sa kanya. Nasa classroom kami ngayon. Hindi naman sa panget yung balak nyang ligawan sadyang , iniiis ko lang sya.

"Maka-kadiri naman 'to! Eh, mas maganda pa yun sa ex mo uy!" Depensa nya na kinataas ng kilay ko.

Wala naman akong Ex ah?

Agad nya naman nabasa yung reaksyon ko. "Ay! NGSB ka nga pala HAHAHA"  pagkasabi nya nun tumawa sya ng napakalakas.

Hala, gago!

Napatayo sya ng ambahan ko sya ng suntok. Sinundan ko pa sya ng tingin nang patakbo syang bumalik sa upuan nya sa likod natumatawa pa din. Napaayos na lang ako ng upo. Binuklat ko yung notes ko para makareview ulit para sa quiz mamaya.

"May quiz ba ulit? Nag annouce sa GC?" Natatarantang tanong nya nang makaupo na sa tabi ko.

Shed,

Nakauniform sya ngayon kaya mas naging malinis sya tignan. Napatitig ako sa mukha nya, nakatayo yung buhok nya na may kahabaan mas lumilitaw tuloy yung feature ng face nya , tingin palang masasabi mo nang ang lambot nun. May kakapalan yung kilay nya at may kahabaan naman ang pilik mata , his nose was small but pointed .

Napalunok ako ng bumababa ang tingin ko sa mamasa masa nyang labi. It tastes good, I just knew. Hindi nakaligtas sa alaala ko yung pagdampi ng labi nya sa labi ko.

Parang gusto ko ulit mag lasing. Call him again, and then kiss him again.

'tanga-ina ang rupok ko' wala sa sariling bulyaw ko sa sarili ko.

Kung itatanong nyo kung okay na kami. Well, HINDI PA. Nagpapakarupok lang ako. tsk!~

Napailing na lang sa kabaliwang pumasok sa isip ko, "Fuck!" Naiusal ko at hinaplos ang noo kong pinalo nya ng notebook.

" 'wag mo ko manyakin, captain" nakangising sabi nito at binuklat ang notebook na pinanghampas nya sakin. "May quiz ba?" Pag-uulit nya.

I pout. Three days na din mula nung pumasok na ulit sya at nagtraining. Hindi ko alam kung anong paliwanag ang ginawa nya kay Coach Lee at sa mga prof namin para pagbigyan sya sa dalawang linggo pagkawala nya.

At hindi ko din alam kung bakit ko kinikeep yung kasinungalingan nya.

"Asa ka naman," depensa ko sa sarili ko.

Sabay distansya 'papakipot ako lol!~' gusto ko yan isigaw sa mukha nya pero wag na lang

"Tsk! Ewan, Kasali ka sa Gc diba? bakit hindi ka magback read mag isa? " matapang na sabi ko habang nakatingin sa mga mata nya

"sungit huh?" Nilabanan nya ang tingin ko and then he shrug muli nyang binalik ang tingin sa notebook nya.

"sabay tayo lunch" sabi nya habang nakatingin pa din sa notebook nya.

Hala, gago. Ayoko ngaaa. kahit gaano pa sya ka-cute.

"Ihhh! 'Yoko" nakasimangot na tanggi ko

papakipot ako eh. Tang'na landi.

bumuntong hininga sya bago muling nag salita
"Why? my treat." may kaba sa lintanya nyang yun na nakatingin pa rin sa notebook nya. Nagbabasa ata sya.

Princess Of The BasketballCourt?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon