🏀SEVENTEEN🏀 -Unpredictable Duo

1.3K 49 1
                                    


SHED'S POV

Napatayo ako ng walang kahirap hirap na naagaw ni No.1 ang bola kay winver mula nung mag-umpisa ang laban di pa nakakascore ang team namin. Napatingin ako kay coach na seryoso sa panonood. Bigla kong napatingin sa court ng biglang umingay ang paligid.

"Go!!!! babyloves!!!! Papa Ghinn!!"

"Wahhh! ang hot mo!!!"

"Ilampaso mo sila Ghinnn my baby!"

"Go!!! husband Ko!!!"

ibat ibang sigaw ng audience mukhang sikat yung No.1 na yun. Tsk. nasa kanya na naman ang bola. Sobrang bilis nyang gumalaw at nakakahangang parang ang gaan gaan ng kanyang katawan sa paraan nya ng pag-iwas sa mga nakaharang o haharang sa kanya. Pero dahil na rin sa reflexes ni Jixcel ay nagagawa nyang sabayan ang No.1 na yun. Parang nababasa ni Jixcel ang bawat kilos na gagawin ni No.1.

Napangisi ako ng magawang agawin ni Jixcel ang bola at pinasa kay Winver. Agad na dinrible ni Winver ang bola papunta sa Ring ng kalaban pero biglang may humarang sa kanya si No.8 . Di sya nagpatinag mas binilisan nya ang pagkilos at nagawa nya itong lusutan mabilis nyang pinasa ang bola kay Kascer na nag-aabang sa ilalim ng Ring. Nang makuha ni Kascer ang bola ay mabilis siyang nag'drunk'. Nang dahil dun ay nabuhayan ang mga taong nakaupo ngayon sa bench sa likod ko.

"Whoa!!!!! Go papa kascer!!" sigaw ni Civfrey na may paghampas sa hangin at nagpapadyak

"Go Baklang Kascer!" pangbubuyo ni Alvie nagdirty finger lang sa kanya si kascer na halatang narinig ang sigaw nito.

"Nahhh! nice teamwork!!" nagduet naman ang kambal sa pagsigaw nun.

Muling nagpatuloy ang laro pero gaya kanina. Nang mapunta ang bola kay No.1 ay agad na yun naagaw ni Jixcel at pinasa sa walang bantay na si James. At dahil nasa three point line sya agad nya iyon shinoot.

"Nahh! Jixcel on the side! Go!Go!Go!" Pagchecheer ni Alvie na sinabayan nung kambal.

"Whoa!!! James may dulot ka pa ba?! Whooo!" pang-aasar ni Civfrey nakita kong umiling lang si james.

Natapos ang first quarter. Na tie ang score ng bawat kupunan. Hinihingal na ang first five member ng team namin. Sobrang higpit kasi ng depensa ng kabilang kupunan. Kaya di nakakapagtakang pagod na agad sila.

"Continue playing as team." saad ni Coach bago ako nilingon "Do your warm up, ipapasok na kita Maya maya lang" sabi nya kaya bigla naman nabuhay lahat ng dugo ko sa katawan.

Nang mag-umpisa ang second quarter ay nag-umpisa na rin akong mag-warm up. Kahit nagwawarm up ay sinubaybayan ko pa rin ang laro.

Walang kahirap hirap na nakascore si James for Three points. Tsk anyare? nagpapakampante ata sila?...

Pagkatapos nun ay mabilis na lumingon si james sa gawi namin at mayabang na nagmiddle finger.

Mabilis na nagbago ang position, mula sa offensive naging defensive team ang BS [BLUE SNIPER].

Mabagal na dinidribble ni No.1 ang bola papunta kay Jixcel. Nang tuluyan na syang nakalapit ay bumilis ang pagdribble ng bola.

At sa isang iglap mabilis na pinasa ni No.1 kay No.4 ang bola then Three points. Muling umingay ang paligid.

Princess Of The BasketballCourt?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon