🏀Twenty Five🏀 -editing

571 25 4
                                    


Jandrey's Pov

"Fuck!" Tiim ang bagang na usal ko. Pang ilang tira ko na yun na sumablay. Na ikuyom ko ang palad ko.

"Fast break!" Dinig kong sigaw ni Jixcel na itinaas pa yung kaliwang kamay habang patuloy na dumidrible ang kanang kamay.

Kasalukuyan na nandito ako sa gym at may practice game kami my team were Cross, James civfrey at Alvie against sa grupo nila Jixcel na sina Criss, Winver, Kascer at Kelweir.

Napabuntong hinga akong tumakbo pabalik sa court namin for defense.

Anak ng! ... Hindi pa man ako nakakaporma nang mashoot ni Kascer ang bola for 3 points.

"Nice one dre!" Dinig kong puri ni Jixcel kay Kascer. Napakamot naman ng batok si Kascer. At tumakbo na para sa defense.

Sa pangalawang pagkakataon naikuyom ko ang palad ko.

Nag patuloy ang laro 56-60 lamang sila Jixcel. Sa puntong yun natapos ang laro na talo ang team ko.

At nakadagdag yun sa init ng ulo ko. Padabog kong binato ang bola at pumunta sa bench nagsinudan silang lahat.

Tumayo si couch sa harap namin lahat nasa iisang hilera lang kami ng bench.

"Team! Focus. Malapit na ang interhigh competion." Tumingin sakin si Coach Lee. Napalunok ako ng makailang ulit dahil dun. Agad nyang binawi ang tingin nya at pinukol kay Jixcel "Impressive." Napakagat ako sa ibabang labi ko para maitago ang pagkainis.

Simula nung matuklasan ko ang tungkol kay Shed. Hindi na ko makapag focus sa pag lalaro at napipikon na ko sa sarili ko dahil dun.

Parang may dapat akong gawin na hindi ko malaman kung ano.

"Bawi na lang tayo next time Captain" Dinig kong sabi ni Cross. Tinabig ko ang kamay nyang tumapik sa balikat ko. Alam kong nabigla sya sa inasal ko.

"Uy! Ang galing ng team work natin kanina Jixcel" Dinig kong puri sa kanya ni Winver

"Team work? Eh wala ka namang ambag eh hahaha" Nag katyawan na ang iilan sa kanila.

Walang ambag? Yabang!

Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo nakakaasar lang kasi para syang nagpaparinig na eh nang tuluyan ko na syang malapitan ay hinila ko ang kaliwang braso nya at pwersahan ko syang hinarap sakin nakakuyom ang magkaparehong palad ko ng magtama ang paningin namin.

Nabigla naman sya sa ginawa ko. I gave him a weak smile. "Bakit bro? May problema ba?" Takang tanong nito sakin. Inangat ko ang kanang kamao ko , napumormang susuntukin sya bahagya syang napaatras dahil dun pero huli na, nasuntok ko sya sa kaliwang dibdib nya.... ng mahina.

" 'grats bro." Ani ko bago umalis at nag paunang lumabas sa gym.

Napakamot ako ng batok ano ba tong ginagawa ko? Napabuntong hininga ako nang maalalang...

Tang'na, nakalimutan ko magbihis!

Bagsak ang balikat kong pinagpatuloy ang pag lalakad. Tinamad na kong bumalik wala na kong mukhang maihaharap sa kanila. At alam kong pag nakahanap sila nang pagkakataon kakatyawan nila ko dahil sa inaasta kong to.

"Pwede ba tayo mag usap?" Halos lumabas yung puso ko sa pagkabigla.

Anak ng...

"Wala tayong dapat pag usapan." Cold na sabi ko nang makilala ko yung taong nasa harap ko.

"Yung kahapon..." Putol na pagpapaliwanag nya ng mabilis akong naglakad at hinanap yung kotse ko, buset! Asan na ba yung kotse ko.

"..Jandrey ano ba!" Iritableng halos pasigaw na tawag nya sakin.

Princess Of The BasketballCourt?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon