[16] Sorry

1.3K 40 0
                                    

[Chapter 16: Sorry]

Kasalukuyan kong inaayos yung lahat ng Hand-outs na ginamit namin buong midterm. Kakailanganin pa kasi to sa Finals kaya tinatabi ko.

Pagkagising ko kanina, si Trigger agad pumasok sa isip ko, kahit na tingin ko napatawad ko na siya, di pa rin maialis sa isip ko yung ginawa niya. Baka nga binigyan niya ng malisya yung pagtingin tingin ko sa kanya. Nagoobserve lang naman ako.

Tumayo na ako para dalhin sa isang box yung mga handouts. Kanina pa ako gising at eto lang ang ginagawa ko sa buhay. Buti na lang walang pasok ngayon, buti na lang may isang linggo kaming Term break, dahil hindi ko pa alam kung paano ko haharapin si Trigger.

Bumalik ako sa pagkakahiga at kinuha ang phone ko. Di ko na sila nareplyan kagabi, dahil di ko rin naman alam yung isasagot ko, tsaka umabot atang isang oras na nakatingin lang ako sa text ni Trigger.

Nakakapanibago yung mga kaibigan ko, usually mag-aaya na yon sa labas lalo na si Kei na hindi mapirmi sa bahay nila dahil walang kausap.

Ibinaba ko ang phone ko ng may kumatok ng dalawang beses. Isa lang naman ang maaaring mambulabog sakin ngayon, si Mama.

"Anak" tumayo agad ako para pagbuksan ng pinto si Mama, wala din siyang pasok ngayon kaya Inaya ko siya kanina na magmovie marathon. Maybe papanoorin namin ulit yung Harry Potter and the Sorcerer's Stone hanggang Deathly Hallows 2. Or Divergent to Allegiant.

Pagbukas ko ng pinto, ngiting ngiting si Mama ang naabutan ko. Napakunot ako ng noo dahil wala akong ideya kung bakit masayang masaya siya. Ngayon na ba kani manunuod o may iba kaming pupuntahan?

"Sabi mo walang gwapo sa OHU." sabi niya sabay kurot pa sa tagiliran ko. Lalo tuloy kumunot ang noo ko dahil wala akong naiintindihan sa gustong iparating ni Mama. Ang weweird ng mga tao talaga. Ano ngayon kung may gwapo sa Orpheus?

"May naghahanap sa'yo sa baba." Sakin? Wala akong maisip na maghahanap sakin, kung sila Kei naman yon malamang sinugod na ako dito sa kwarto ko. Baka naman may konekta to sa sinasabi ni Mama na may gwapa sa Orpheus? Pero sinong gwapo ang pupuntahan ako dito sa bahay?

"Boto ako sa kanya." Sabi pa ni Mama bago naunang bumaba sa akin. Kinabahan tuloy ako.

Bumalik ako sa kwarto ko para tignan ang itsura sa salamin, naninigurado lang, gwapo yata talaga e. Inayos ko yung damit ko pati na rin yung short. Mukha namang okay.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa baba.

Habang naglalakad ako pababa ng hagdan nakita ko na kung sino yung sinasabi ni Mama, may hawak siyang bulaklak at nakatingin din sa akin. Gwapo nga. Bumagal ang bawat paghakbang ko. Bakit siya nandito?

"Upo ka." sabi ko ng makalapit ako sa kanya. Naupo naman siya at naupo din ako sa one-seater sofa.

"Anong ginagawa mo dito?" matigas kong sabi. Ayaw kong isipin niya na sa isang sorry niya lang ay okay na ako. Na sa isang text niya lang napatawad ko na siya. Ayokong isipin niya kahit yun naman ang totoo.

Bumuntong hininga muna siya bago umusog ng upo papalapit sa akin. Inabot niya ang bulaklak. Tinignan ko lang iyon. Pagbalik ng mata ko sa mga mata niya, kinuha ko yung bulaklak, para kasing nagmamakaawa yung mata niya na abutin ko yung mga bulaklak. Nilapag ko lang din sa Center Table sa harap namin.

"Sorry." he said while looking straight to my eyes. I feel the sincerity in his voice and eyes as well. Kung ganyan siya, sino ako para di siya patawarin?

"okay" was all I managed to say. I don't know what to say. And okay was the only word in my mind.

"Okay what?" he asked. Is there any meaning of okay?

The Wild ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon