[5] Konsensya

2.7K 39 2
                                    

[Chapter 5: Konsensya]

"Talaga ba? Sinabi niya yon?" Sinawsaw ko ang Chicharon sa suka at sinubo. Nasa garden kami nila ate Ara ngayon. Tinawagan niya ako ng Alas Sais ng umaga para lang ikwento to. Napailing na lang ako, grabe siya ha.

"Oo nga." Medyo tinulak ni Ate Ara yung suka palapit sakin. Itinaas ko ang isang paa ko sa upuan. Grabe. Ang Oa niya naman. Sira agad buhay? Wala naman siguro kaming record sa pulis nung nakulong kami nung napagtripan kami. Nakadrugs ata yung mga yon. Tuloy-tuloy pa rin ako sa pagkain sa Chicharon at di na pinansin si Ate Ara.

Mas Importante pa tong Chicharon kesa sa buhay niya. Psh. Oo Gwapo siya, Oo Masherep siya. Pero hindi deserve ng kahit sinong babae ang isang jerk na gaya niya.

"Oh ang isang katulad mo ay di na dapat pang pakawalan. Alam mo bang pag naging tayo di na kita bibitawan, aalagan at di pababayaan. Pagkat ikaw sakin ay Prinsesa...♪"

"Prinsipe pala...♪"

"Thank you Araneta!!!"

Sabay kaming natawa ni Ate Ara ng marinig namin mula sa kwarto niya ang nagcoconcert na si Kuya Cris. Aba't may pa'Thank You Araneta' pa. Huling ginawa niya yan, may nagreklamo. Pano ba naman Alas Dos ng Madaling Araw nagcoconcert siya, at ang malupet pa don nakamic siya. Nagising tuloy lahat ng tao sa Subdivision namin.

"Pero alam mo cous, baka may importante siyang lakad non. Hindi niya lang napuntahan kasi nga nasa Police Station kayo." Napalingon ako kay Ate Ara nang isingit na naman niya ang tungkol kay Trigger. Itinaas niya na rin yung Paa niya sa upuan niya at napangiwi siya. "What do you think cous?"

Napaisip din ako, pano nga kaya. But then I realized. "Hindi rin. Kasi nga sabi ng pulis lumabas na rin naman daw siya nung gabi pa." Napangiwi na naman siya.

Tumayo si Ate Cous at naglakad sa harapan ko ng pabalik balik. At siya talaga ang namomobrelama sakin ngayon? "E bakit ngarod ang lalim ng pinaghuhugutan niya?"

"Oa lang. May pa'she ruined my life' at 'my life is miserable now' pa siyang nalalaman. Psh. Oa." Bumalik sa pagkakaupo si Ate Ara at muling nag-isip. Nag-iinarte lang yon, para saan?

"Tsaka Ate Ara. Kasalanan niya din yon. Magbenta ba naman siya ng Party Drugs." Nanglaki ang mata ni Ate Ara sa sinabi ko at bumalik rin naman sa Normal.

"Pano mo naman nasabi yan Cous?" Hinampas niya ang kamay ko na kukuha sana ng Chicharon.

"Narinig ko no. Heaven pa nga ata tawag nila don." her lips formed an 'o' upon hearing what I said.

Napasapo si Ate Ara sa Noo niya. At may binulong din siya tsaka siya tumingin sakin at ngumiti. "Heaven?"

Tumango ako. Tumaas ang isa kong kilay may alam ba siya? Alam niya yung Heaven? "Cous. Ang Tanga Tanga mo."

Ugh! Sabi na nga ba e may alam siya. Don't tell me nabentahan din siya nung Trigger na yon. "Heaven yun yung bagong launch na beer ng Family nila."

Nanlaki ang mata ko. Huminga muna ako ng ilang beses at bumuga ng hangin."Talaga ba?" I asked as if I'm not affected.

MABILIS kong sinara ang pintuan ko at naupo.

"AHHHHHHHHH!" Tili ko. Sht. Beer? Hindi Drugs? God!

Umupo ako sa harap ng desktop ko at nag facebook.

Sinearch ko rin ang Name niya. Sht. Anong ginawa ko? Dapat kasi nagtanong muna ako. Ayan napapala ng Assume ng Assume. Assumera.

Aish! Ano ba to? Bakit puro post na naman ng kung sino sinong babae yung nasa Wall niya?

Mahihirapan ata akong hanapin o may mahahanap ba ako? Boys are not like girls when it comes sa pagpopost post na yan.

Trigger Valderama
May 25, 2016 6:18 am

She chose her dream over me. Great. Just great. 👏

Trigger Valderama
May 24, 2016 10:38 pm

She's gone. 🌵

May pinagdadaanan nga siya. Balak niya pa atang tambayan.

Anong ginawa mo Cy? Nanira ka ng relasyon. But on the second thought. Ako nga ba ang nanira? He said on her second post. She chose her dream over me. Ibig sabihin, Wala akong kasalanan. Yung girlfriend niyang mahadera ang may kasalanan.

So hinga Cy. Wala kang Kasalanan.

Tinakip ko sa mukha ko ang dalawang palad ko. Ugh! Malay mo meron.

Grabe. Di pa ko sure kung may kasalanan ako o wala, kinakain na ako ng konsensya ko.

Kung wala naman bakit niya sasabihing sinira ko ang buhay niya? Na naging miserable ang buhay niya dahil sa akin?

Baka naman wala siyang masisi. Kaya ako na lang yung sinisisi niya?

Bakit ko ba kasi siya iniisip?

Pinatay ko muna yung Desktop tsaka ako tumayo at kinuha ang Twalya ko.

8:29 am na. Ang Aga aga. Chicharon na naman ang laman ng Tiyan ko.

NAKAUPO lang ako at tahimik. Nakokonsensya talaga ako sa nangyari kay Trigger. Medyo sinisilip silip naman ako ng mga kaibigan ko. Bumuntong hininga ako at tinignan sila. Nakatingin sila sa akin na with their What's-happening-to-you-look. I just shook my head. Ano nga bang nangyayari sakin?

"Pass your form 6." Pinalo niya yung lamesa kaya lahat kami nagmadaling kuhanin yung photocopy ng Form 6 namin.

"Stop." Napaangat ako ng tingin. Akala ko kami yung pinapatigil. Yung apat pala na kapapasok pa lang sa classroom at sigang nagdirediretso. Napahinto rin naman sila ng marinig yung prof namin.

Napatingin ako sa isang lalaki. Kinakain na naman ako ng konsensya ko. Napayuko na lang ako. Kaklase ko na naman sila. Seryoso, hanggang kailan to? Nanadya ba yung pagkakataon?

"I am Trigger Val-" mabilis naman pinutol ng prof namin ang sasabihin niya, "I don't care Mr. Valderama."

Sht. Hindi ko alam kung sa masungit bang prof namin ako kinakabahan o dahil kaklase ko na naman siya.

Lahat kami nakatutok sa gagawin ni Trigger. Ngumisi lang siya at nagtutuloy sa last row kasama ang mga barkada niya. Nakita ko naman ang pag-irap ni Saf.

Pagkapass ng Form 6 at ng eksena ng prof namin at ni Trigger ay tinitigan lang kami isa-isa ng prof namin at lumabas na.

Woah! Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil two days na at di pa rin ako nakikilala ni Trigger. I am sure lagot ako or worst patay ako. Dalawang subj ko na siya kaklase. Ibig sabihin apat na beses kami sa isang linggo na magkikita.

Kung pano siya nagpakilala sa prof namin kahapon. Kung paano niya pinaalis yung nakaupo sa last row, kung pano niya ako tinalikuran kahapon sa cafeteria at kung paano niya tignan yung prof at ngisihan kanina, Nakakatakot.

Parang galit siya sa mundo, pero siya yung nanatiling bida o hari. Na kahit sino kaya niyang kalabanin, kahit prof pa. Pano naman akong may kasalanan sa kaniya?

Napabuntong hininga na lang ako. Simula ng malaman ko na ako ang may mali sa aming dalawa. Ilang beses na akong napapabuntong hininga. Ganito ba talaga kapag kinakain ka na ng konsensya?

Hindi ko alam kung papasok pa ako sa Next Class ko kasi kinakabahan ako baka kaklase ko na naman siya. Pero Imposible yon, sabi ni Kei dati Same Course sila. Edi ibig sabihin silang dalawa ang madalas magiging magkakaklase at hindi kami. Sana nga...

Natatakot kasi ako kung ano ang pwede niyang gawin sakin. Sobrang sikat ng Apelyidong Valderama sobra silang makapangyarihan.

Ugh! Ano ba kasing ginawa ko? Bakit pumasok sa isip ko yun?

-
July 25(Monday) 6:17 pm

The Wild ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon