[20] Taranta

1K 24 1
                                    

[Chapter 20: Taranta]

1 second

2 seconds

3 seconds

4 seconds

5 seconds

6 seconds

Hanggang umabot na ng 20 hindi pa rin sinasagot ni Louise yung tanong namin na kaninong sulat yon. Nakatingin lang siya sa akin.

“Joke. Asa ka naman. Baka yung Tambay lang sa kanto niyo yung nagbigay niyan kaya ganyan sulat. ” Ngumiti siya ng pilit at nilapag yung sulat. Bigla tuloy akong lalong napaisip kung sino ang nagbigay non.  nalungkot bigla si Louise?

Sabi niya joke,  ngumiti din siya pero bakas sa mukha niya yung lungkot. Ang tagal na namin magkakasama kakilala na namin ang isa't isa, kaya alam ko na kung nalulungkot, nasasaktan at nagbibiro lang siya. At tingin ko yung dalawang una ang nararamdaman niya.

“Don't us.” kei said. See, napansin din nila. Hindi ko alam kung san nalungkot si Louise, kung sa nagbigay ba o kanina pa talaga siya ganyan, pero hindi e. Okay siya kanina.

NAG-ORDER ulit ako. Kakatext lang ng kaklase ko na wala kaming klase dahil nasa Japan daw yung prof namin. Sosyalin. Nakaalis na yung tatlo at ako na lang ang naiwan dito. May klase silang lahat.

Fries and Soft drinks lang para kahit papano di naman nakakahiyang tumambay dito dahil isang oras at kalahati pa ang bakante ko.

Napalingon ako sa entrance ng cafeteria nang may nagbukas.

Nailaglag ko yung fries ko na isusubo ko na sana ng makita ko kung sino yon. Wala din kaya siyang klase?

Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko na papalapit siya sa akin mula sa salamin na nasa harap ko. Sakin ba siya papunta? Makikishare kaya siya ng Table? Ang dami biglang tanong sa isip ko parang naeexcite na ako sa mangyayari. Kahit tuloy malalaki ang hakbang niya nagiging mabagal.

“Wala kang klase?” Parang may dumaan na malamig na kung ano sa likod ko nang makita na nakatayo na siya sa harap ko. Tinatanong niya ako. Close na ulit kami?

“Wala. Ikaw? ” sinusubukan kong maging easy lang. Pero kinakabahan talaga ako. Parang biglang nagbago yung tingin at dapat kong pakikitungo sa kanya. Kasama ko siya ng isang linggo,  pero bakit parang unang beses pa lang namin nagkita?

“Wala din. Wala kang kasama?” Tumango ako. Sasamahan niya ba ako?  Gusto kong tumingin sa paligid ko para tignan yung mga tao,  di pa rin kasi ako nakakaget-over sa mga pinagsasabi nila sa akin non dahil kay Trigger pero hindi ko ginawa. Kapag lumingon ako para tignan ang mga tao baka isipin niya na ayaw ko dahil may makakakita samin. Uunahin ko pa ba ang iniisip ng ibang tao kesa sa nararamdaman ko?

Oo, parang gusto ko siyang makasama, makausap. Hindi parang, Oo talaga. Isinantabi ko muna si Kei at Ate Ara. Maliit na bagay lang naman to,  na sana wag nilang bigyan ng malisya.

“Okay lang?” tumango ako. Tinatanong niya kung okay lang ba na makiupo siya. Oo naman. Okay na okay. Gustong gusto.

“Thanks.” nilapag niya yung bag niya, “I'll just order. What do you want?” he asked. Umiling ako tsaka ko tinaas yung fries ko. Pero sa isip isip ko,  gusto ko ng Burger, Fries, Milk Tea at Ikaw. Pero hindi ko iyon sinabi. May mahal pa si Trigger. Maganda, sexy, at mayaman pa. Anong laban ko don diba? E maganda lang naman ako...  Sabi ng nanay ko.

“You sure? My treat.” paninigurado niya. Nginitian ko ulit siya bilang tugon sa tanong niya.

“Okay. Wait.” Pagkatalikod niya. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko.

The Wild ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon