[26] Lusot

1.4K 28 14
                                    

[Chapter 26: Lusot]

Cerine's POV

nang maisarado ni Kei ang pintuan ng kwarto ko ay mabilis na akong umakyat sa kwarto ni Mama, para sa isang pabor.

Mabilis naman binuksan ni Mama yung pinto pagtapos ng tatlong katok ko.

“Nakita kita sa labas, bakit ka pinuntahan ni Trigger. Miss na miss?” kilig na kilig na pang-aasar ni Mama. Buti na lang talaga dito gawi yung kwarto ni Mama, pano kung dito gawi yung kwarto ko, edi nakita na ni Kei si Trigger.

Pano ko ba aaminin kay Mama na hindi ako nililigawan ni Trigger? At may gusto si Kei at Ate Ara kay Trigger na maaring sumira sa friendship namin kapag nalaman nilang lagi kaming magkasama ni Trigger. Wala akong nakikitang mali don, pero pano kung sila meron?

“Grabe. Binalik niya lang po yung panyo ko, naiwan ko sa kotse niya.” pagpapaliwanag ko.

“naiwan, o iniwan?” sabi ni mama sa mapang-asar na tono at may nakakalokong ngiti.

“Naiwan po.” hindi ako tinigilan ng mapang-asar na ngiti ni mama. Mas nahihirapan akong aminin sa kanya ang totoo.

“Alam mo nak, gustong gusto ko si Trigger para sa'yo, hindi lang dahil gwapo at mayaman siya.” ngumiti si mama, at napangiti rin ako. Higit pa sa itsura ni Trigger ang magugustuhan mo. Syempre sa una maakit ka niya ng itsura niya, pero pagnakilala mo na siya, hindi na lang itsura niya ang makikita mo sa kanya. Na pangharap lang ang mukha niya, kumbaga pang-akit, aakitin ka na gustuhin mo pa siyang kilalanin ng mas malalim. And I think that's why I like him, dahil unti unti ko na siyang nakikilala. At habang mas nakikilala ko pa siya ay mas lalalim ang pagkahulog ko sa kanya. Gusto ko iyong pigilan para kay Ate Ara at lalong lalo na kay Kei pero mas malalim yata ang kagustuhan ko na gustuhin pa siya ng mas malalim. Kahit di ako sigurado kung maibabalik niya ang pagkagusto na yon.

“Ma, ano kasi, yung amin ni Trigger, secret lang yon.” nakapikit ako habang sinasabi ko ang mga salitang makakasakit kay mama.

“anong secret?” kumunot ang noo ni mama na nagbigay sakin ng kaba.

“tayo lang ang may alam” tayong dalawa lang ma, kahit si Trigger ay di niya alam. “hindi pwedeng malaman ni Ate Ara at ni Kei, dahil parehas silang may gusto kay Trigger.” finally nasabi ko rin. Sana ay ayos lang kay Mama.

“sino ba naman kasing hindi magkakagusto kay Trigger, kaya napakaswerte mo anak.” mukha namang naintindihan ni mama.

“Okay lang po ba, kung wag niyong sasabihin kahit kanino?”

“sige, hindi ko sasabihin. Kahit kanino.” lumawak ang ngiti ko, kahit kailan talaga maasahan ko si Mama.

“Love you ma.” niyakap ko si mama. Lumawak lalo ang ngiti ko nang makita kong nakangiti din si mama.

“Punta na po ako sa kwarto, kanina pa ako hinihintay ni Kei.”

“Goodnight anak.”

“Goodnight po.”

Pagpasok ko sa kwarto ay nakahiga si Kei. At nakatitig lang siya sa screen ng laptop. Lumingon din naman siya sa gawi ko.

“Dalian mo, nabibitin ang kilig ko.” eka niya. Kaya tumabi na din ako sa kanya at plinay ulit.

Hindi kagaya kanina, parang mas malalim ang kilig ko ngayon, damang dama ko e. Kasi ba naman, kahit kay Sky, si Trigger ang nakikita ko. Parang siya yung pinapanuod ko. At bilang dakilang assumera, kahit di ko nakikita yung sarili ko kay Sunshine, pinipilit ko.

Nang matapos ang pinapanuod namin, pumikit na agad ako. Napagod talaga ako. Napakapihikan naman kasi ni Sydd, halatang sobrang espesyal ng liligawan niya. Well, kung isa nga sa mga kaibigan ko yun, deserve na deserve nila yung napili ni Sydd. Sobrang ganda, kahit ako gusto ko non e.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Wild ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon