[7]Banana Peel

2.6K 43 0
                                    

“Nakakainis.” Napasabunot pa si Kei sa buhok niya at nagpaikot ikot sa kama niya. Natawa lang ako at si Louise, napairap naman si Saf. We're talking through skype.

“Kayo kasi e. Tawa kayo ng tawa.” Sisi niya pa.

“Got to go. Bye... Cerine and Friends!” Sumulyap pa ulit sa amin si Cliff bago tuluyan ng umalis. Para naman napako si Kei sa kinatatayuan niya.

“Cliff.” She said absentmindedly. Louise snapped a finger in her face. Tila eto yung naging dahilan ng pagbalik niya sa Huwisyo.

“Si Cliff... siya si Cliff?” Ani niya pa. Hindi pa man kami nakakapagsalitang tatlo ay nagtatakbo siya.

Ilang ulit namin siyang tinawag pero hindi siya lumilingon. Patuloy pa rin ang pagtawag niya sa pangalan ni Cliff.

“sinisi pa kami. Ibaltog kaya kita jan.” Louise retorted.

Umayos ako ng upo at nilapag ko sa Lap ko ang Laptop at sumandal sa headboard, “Ang Lambot ng Kamay niya Kei.” Nilaro ko pa ang palad ko at pinisil pisil.

Napasabunot si Kei, “Pisti. Ako dapat yon. Kainis!” Impit ang boses niya sa pagkakasabi non. Bakas na bakas ang frustration sa boses niya.

“Ang bango niya pa. Grabe. Kasarap ipasak sa ilong.” Suminghot pa ako at ngumiti. Natatawa na lang kaming tatlo sa reaksyon ni Kei.

“Mabango din naman si Trigger.” bakit nasali na naman yung mokong na yon sa usapan nato?

“Mas gwapo pa siya.” She Added.

“Masama naman ang ugali.” I retorted. Nagkasalubong na naman kami. Galit talaga siya sa akin. May kasalanan nga talaga ako. Kung ano man yon, bahala siya sa buhay niya. Wala akong pakielam sa kanya!

“Tulog na ako.” Paalam ni Saf. Tumango si Louise at Kei. Nakatulala pa rin ako. Grabeng Konsensya naman ang meron ako, napakatakaw, kinakain na naman ako.

“Ako din pala. MaoOp lang ako sa usapang Trigger at Cliff.” Louise chuckled. Uspang Cliff lang naman kasi to kanina. Bakit ba nasama yung Trigger na yon.

“Ako din.” Walang gana kong sagot. Bukod sa 11 na. Magbabasa pa ako ng Paborito kong Libro dahil nakatulugan ko siya kahapon.

TAKBO Cerine! Takbo! Late na ko ng 11 minutes. Math pa naman namin ngayon. Ayaw na ayaw ni Sir ang nalalate. Bakit kasi napakaagang umalis ni Mama?

Hindi naman ako pwedeng magdahilan na nalate ako ng gising dahil una, hindi yun tama at pangalawa 10 ang pasok namin. 10 am ang pasok namin pero nalate parin ako ng gising. Ayos.

Sino ba kasi nagsabing magbasa ako ng Libro hanggang Alas Dos?

Nakalimutan ko pa magAlarm. Ayos talaga.

Napahinto ako at napahawak sa tuhod. Hingal na hingal na ako. Masakit pa ang ulo ko. Bakit ba kasi nasa dulo yung Room namin ngayon?

Pagtapos ng Sampung segundo kong pagpapahinga, pinatuloy ko na ulit ang pagtakbo ko.

At sa Wakas nasa CAS building na ako, kung saan nakalocate ang Room namin.

Napabuntong hininga ako dahil kailangan ko pang umakyat ng hagdan. Nasa 2nd floor pa kasi.

Mas binilisan ko ang takbo ng lagpasan ko ang Squad nila Trigger na chillax lang sa mga buhay nila, at nagtatawanan pa. 10:17 na.

Pagod na pagod na ako. Jusme. Umpisa pa lang ng araw sobrang haggard ko na.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang kaklase kong lalaki na chill na kumakain ng saging at papasok pa lang din.

Yes! May kasabay ako. Ang hirap mapagalitan ng mag-isa mo. Sobrang nakakahiya.

The Wild ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon