[13] Handouts

1.7K 34 1
                                    

[Chapter 13: Handouts]

"I HAVE a pen, I have an apple."

Napalingon ako sa likod ko na kasalukuyang nagvivideo ng PPAP. Actually kanina pa siya e, ngayon lang ako lumingon kasi naririndi na talaga ako. Ang aga aga kong pumasok pero mas maaga siya, nasa pintuan pa lang ako kanina rinig na rinig ko na yung PPAP na yan niya, tapos halos 20 minutes na ata siya jan hindi pa rin tapos. Iba rin. Mga tao nga naman talaga ngayon.

Nagsuot ako ng Earphones at sinagad ko ang Volume. I mentally rolled my eyes. Makaramdam ka please. Hindi ko na pinansin kung ano yung music, ang mahalaga hindi ko marinig yung paulit-ulit na PPAP.

Maaga pa naman e, lagi namang late yung Prof namin sa Fil, minsan nga di na kami inaattendan. Masipag yun e. Saludo ako sa kanya.

Tinap ko ang Twitter app and start typing, @CAdsuara yung kaklase mong adik sa PPAP 😏 #PenPineappleApplePen

Hindi niya naman siguro mababasa yan, pero pwede na rin para makaramdam siya.

Scroll, Favorite, Retweet. Yaan lang ang mga ginawa ko sa halos sampung minuto kong pagtitwitter.  Well, yaan lang naman ang palagi kong ginagawa. I don't know pero nalilibang ako kahit paulit ulit na yoon lang ang ginagawa ko. Twitter is Life! Hindi kasi ako nagsstatus sa Facebook.

Nilapag ko ang Phone ko sa Armchair at hinayaan lang na magpatuloy ang music, baka hindi pa tapos sa pag-PPAP yung nasa likod ko e. Buti pa yung pagvivideo niya, gusto niyang maperfect, kamusta po yung exams kuya?

Pustahan tayo, magiging Viral yan. Aba'y Perfect na ata niya, sa sobrang dami niyang beses na inulit. Sikat pa siya. Di na ako ako magtataka.

Nilingon ko ang mga kaibigan ko na busyng busy din sa Phone nila. Mga nakaearphone din sila, baka pati katabi ni Paul, sa sobrang nakakairita na siya. Umiling ako para maalis yung iniisip ko at itinuon ang pansin sa tatlo kong kaibigan na may sari-sariling mundo.  Lahat sila NakaLandscape ang phone at kanya kanyang swipe. Itinungkod ko ang kamay ko sa Arm chair ni Saf at sinilip ang nilalaro niya. Nakakacurios kaya. Pareha-parehas sila nang nilalaro tapos ako dito nanunuod lang. Maiinstall nga later.

Para lang din akong hangin dahil sobrang Focus sila sa ginagawa nila, or nilalaro, hindi man lang ako nilingon. Great! Nakakunot pa ang mga noo niyan at paminsan minsan ay mahinang tumatawa o ngumingiti. Anong nakakaenjoy sa paglalaro ng ahas?

"Sht! Yung maliit pa yung nakatalo sakin." Napabalik ako sa Ayos ko ng biglang napahampas si Saf dahil sa inis niya sa Ahas Ahas na nilalaro niya. Okay! NakakaOP, hindi ko alam kung ano yung nilalaro nila. Snake v10? I don't think so, kabaligtaran ang rules nila e.

Kinuha ko ang Phone ko nang magbeep at na-interrupt yung music.

@paPAULprince liked your tweet.

Nanlaki ang mata ko at napalingon ako kay Paul matapos kong makatanggap ng dalawang notif from him. He just smirked at me. Pano niya nabasa yung tweet ko? Di ko naman matandaan na Finollow ko siya, o Finollow niya ako. Baka naman inisstalk na ako nito? Asyumera. Pero okay na rin na nakita niya.

Paul yung kaklase mong college na nadadapa pa. Galeeeng! Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahhaahahahahahaa. @CAdsuara. 😂

Nilingon ko ulit si Paul na ngayon ay nakangiting aso sakin. Inarapan ko lang siya at bumalik na ulit ang tingin ko sa Phone ko. Napakabwisit ng nilalang na to. Mas Bwisit pa siya sa Bwisit. Bagay na bagay silang magkaibigan ni Trigger, mga Bwisit!

Lalo akong nainis nang mabasa ko ulit. Masyado ba siyang masaya at umulan ng haha yung tweet niya o sobrang nakakatawa lang talaga yung pagkadapa ko? Aba't minention pa talaga ako. Nako naman talaga. Kahihiyan na naman to. Di pa nga ako nakakarecover sa mga nabasa ko sa OHU, at tingin ko hindi parin yung mga tao sa paligid. Tapos dadagdagan niya na naman? Aba talaga, Iba rin. Iba pa naman takbo nang mga utak ng mga tao dito.

The Wild ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon