[23] Kontento

915 18 4
                                    

[Chapter 23: Kontento]

Medyo ilap sakin si Kei these past few days. And I think naiintindihan ko siya. Nakita niya na siguro yung mga picture namin ni Trigger na kumakalat. Grabe, hundred yung share, iba't ibang account pa yung nagpost ah. Sobrang dami ring nagmemessage sakin, keri lang di ko naman binabasa pero nagdeactivate na rin naman ako. At buti na nga walang nakakaalam ng pag-alis namin ni Trigger nung madaling araw e. Buti na lang hindi naichichika ni mama kina Louise.

Pagtapos nung gabi o madaling araw na magkasama kami ni Trigger, hindi pa ulit kami masyadong nag-uusap. Well... What do I expect? May sari-sarili kaming circle of friends. At medyo naiilang ako pagtapos nung gabi na magkasama kami.

At buti na lang naisurvive ko yung buong linggo na wala namang nangyayaring masama kundi ang mga tingin lang sakin na matatalim ng nga babae.

Kaya nga lang... si Kei.

Gusto niya si Trigger, tapos makikita niya yung Bestfriend niya na kasama yung gusto niya. I know she's hurting.

And I know she's trying to make me feel the same way too. Gusto niya rin akong masaktan, gusto niya rin akong Magselos. And she's using Kuyang Nurse. I can sense that.

Nakita ko silang naglalakad ng magkasabay, ilang beses na. Alam kong alam niyang nakikita ko sila. Minsan may tumatawag sa kanya, sinasadya nyang iparinig sa akin yon.

Pero wala e. Hindi ko na gusto si Kuyang Nurse. Ni minsan nga hindi ko na ulit siya naisip. Nasasaktan ako para sa kaibigan ko na sinusubukan niya kong pagselosin pero hindi gumagana. At kung malaman niya na hindi ko na gusto si kuyang nurse, malamang iisipin non, na kasi si Trigger na yung gusto ko, at yun ang totoo.

Kailangan ko bang ipakita sa kanya na gusto ko pa si kuyang Nurse? Dapat ko bang sakyan ang plano niya at magkunwaring nasasaktan dahil nagseselos ako?

Hindi ko alam. That's hard. But I think I need to do that to save our friendship. Pero ang pinakaimportante ko sigurong dapat gawin ay ang layuan si Trigger, yun siguro ang pinakatamang paraan para maisalba ang pagkakaibigan namin.

That's also hard. Close na kami e. At masaya ako kapag kasama ko siya. Kontento ako sa buntong hininga at salitang sorry lang, kontento ako sa tahimik lang kami madalas. Kahit bihira lang yung tatawa kami ng malakas. Kontento na ako dun. Kontenta na ako na kahit tahimik lang kami pero pakiramdam ko ang saya saya ko.

Pero susubukan ko parin siyang layuan, mas mahalaga sakin si Kei. Mas mahalaga ang pagkakaibigan namin kesa sa pansariling kaligayahan ko.

NAKATULOG pala ako. Feeling ko sumakit yung katawan ko dahil hindi naging maganda ang posisyon ko sa pagtulog. Nag-inat inat muna ako ng maraming beses bago ako bumangon.

Nanlaki ang mata ko at napapunas agad ako sa gilid ng labi ko– baka may natulo palang laway, nang makita ko si Trigger na nakaupo din sa isang sofa at nakatingin sakin.

Medyo natawa siya ng makita ang pagkabigla ko at baka pati na rin dahil sa itsura ko.

“Why are you here?” kakasabi ko lang susubukan ko siyang layuan, pero pano ko gagawin yon?

“Sorry.” He let out a deep sigh “sorry dahil sinira ko yung gabi nung nakaraan.” Sorry and a sigh na naman.

“Sira ka. Ayos lang yon, yun lang ba ipinunta mo dito? Dapat tinext mo na lang. Baliw ka talaga.” nagkunwari akong okay lang talaga. Pero okay lang naman talaga. Naalala niya yung ex girlfriend niya, and so? Girlfriend o nililigawan niya ba ako? Hindi naman kaya wala akong karapatan.

“Really?” tumango ako sa kanya bilang tugon. “Let's watch a movie then.”

Is he asking me out? Date, ganern?
Echosera, Manuod lang daw ang sabi niya. Wag kang Assumera Cerine. Pwede naman kaming manuod dito lang sa bahay.

The Wild ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon