[19] Admirer

1.2K 30 5
                                    

Mabilis akong bumangon ng makarinig ako ng Kaluskos. Hinawi ko ang kumot na nakabalot sa bewang ko at mabilis na lumabas ng kwarto.

Baka nasa Kusina si Mama sakto nauuhaw na rin ako. Tinignan ko ang relo ko, 2 am pa lang. Baka nga nauhaw din si Mama.

"Oh, Ma." Napatigil si Mama sa pagsubo niya ng kanin at mukhang gulat na gulat ang itsura niya. Napatingin ako sa suot ni Mama, alas dos ng umaga naka Semi-Formal Attire siya? At basa pa ang buhok niya. Papasok siya sa TWV ng ganitong oras?

"Cerine? Bakit gising ka pa?" Lumapit ako sa Ref at sinalinan ang isang baso ng tubig tsaka ako naupo sa tabi ni Mama.

"Nagising lang po ako ngayon. Bakit nakabihis ka ng ganyan ma, papasok ka na ba?" Tumayo si Mama at inayos ang pinagkainan niya.

"May biglaan kasing gagawin sa Office, Alam mo na, malaking company ang napasukan ko." Pangarap ni Mama yon, ang makapasok sa isang malaking kompanya, kaya kahit ilang taon na ako ay pinatuloy niya ang pag-aaral niya noon. Sabi niya pa sakin noon, na buti na lang pinagpatuloy niya ang pag-aaral niya kundi daw ay sa kangkungan kami pupulutin lalo na't iniwan kami ni Papa.

"Tulog ka na Anak, at aalis na din ako." Tinungga ko na yung isang baso ng tubig, inaantok pa rin naman ako. Nagkataon lang na nagising ako sa kaluskos at nauhaw ako bigla.

"Sige po ma. Ingat."

Inabot ko ang phone ko na kanina pa nag-aalarm. 8:35. Bumangon na ako agad at bumaba para kumain ng Almusal.

May Bacon and Egg sa Lamesa. Bumalik pa kaya si Mama dito sa bahay?

Nagkibit balikat na lang ako at sinimulan ko ng kumain. Pagtapos kong kumain ay naligo na rin ako.

9:25 pa lang. Maaga aga ata akong makakarating sa School nito. Pagbukas ko ng pinto, palabas na sana ako ng may nakita akong Chocolate sa lapag.

Biglang nagpuso puso ang mata ko sa nakita ko, Chocolate. Agad ko itong pinulot. Sino naman kaya ang nagbigay nito?

'Good Morning :)'

Napangiti ako sa pagood morning niya, kahit hindi kaaya aya ang sulat. Sino naman kaya ang magbibigay sakin nito? Hindi ko maiwasan na isipin na siya ang nagbigay nito, malay mo na naman. Eto na na naman ako, asang asa.

Nilagay ko sa bag ko ang Ferrero na heart shape pa ang lalagyan, tapos na ang Vday pero pumupuso pa rin si Kuya. Mas okay sana yung square yung lalagyan, mas maraming laman. Arooot!

Pagpasok ko nung Room namin, biglang bumilis o tumigil o ewan yung tibok ng puso ko pagtama pa lang ng mga mata ko sa kanya. Sakto namang napatingin siya sa akin. Napakaganda ng mata niya lalo na ngayon na parang napatigil din siya.

Si Trigger... kumakain siya ng Ferrero. Tumaas yung level ng pagkaasyumera ko. Hindi agad ako nakaalis sa pwesto ko.

Isang akbay ang nagbalik sakin mula sa pagpapantasya ko na baka nga siya ang nagbigay. Mabilis na lumipat ang mga mata ko sa may-ari ng mabigat na braso.

Si Paul... na nakangisi. May Chocolate siya sa ngipin kaya napatingin agad ako sa hawak niya.

Ferrero Rocher

Oh, god! Sana Toblerone na lang kinakain niya, o kaya Kisses. Naguguluhan tuloy ako.

"Good Morning, my Hermione." Napahinga ako ng malalim ng marinig ko ang linyang 'good morning'. Maari kaya na siya ang nagbigay non? O nagkataon lang na binati niya din ako.

"Morning." Nauna na akong naglakad kay Paul at naupo sa tabi ni Kei, sa harap ni Trigger. Matipid na ngiti para kay Trigger ng magtama ang mata namin, at siya, nagtaas lang ng dalawang kilay sakin. So ganon ganon na lang? Pagtapos ng isang linggo na magkasama tayo, biglang wala na, Awkward na.

The Wild ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon