[25] Imbestigador

791 21 2
                                    

[Chapter 25: Imbestigador]

Medyo natagalan kami ni Sydd na mamili ng ireregalo niya, may gusto daw kasi siyang ligawan, hindi naman daw si Louise, pero sobrang kilala ko daw. Si Kei kaya? Saf? O si Ate Ara?

Pagdating ko sa bahay, wala pa si mama. Dali dali akong umakyat sa kwarto ko, at sumandal sa pintuan.

At katulad ng ipinangako ko sa sarili ko, lahat ng natitira kong lakas ay ibinigay ko para sa tili ko.

“Kinabahan ako kanina e, kala ko manliligaw mo”

“Aahhhhhhhh!” tiling kinikilig. Tiling ngayon lang kinilig ng ganito. Jusko, sinong di kikiligin.

Napahinto ako sa mahaba kong tili ng bumukas ang pintuan ng CR ko.

“Kei?” nakatwalya pa siya, at mukhang minadali niyang lumabas dahil may sabon sabon pa ang braso niya.

“Anong ginagawa mo dito?” okay lang naman sakin na nandito siya, nakakahiya lang, narinig niya yung tili ko.

“Surprise!” napakamot na lang ako sa ulo ko at napangiti habang siya ay ngising ngisi.

“Kinabahan ako sa'yo, bat ka ba sumisigaw?” “Kinabahan ako kanina e, kala ko manliligaw mo”

Pinigilan kong mapangiti nang maalala ko na naman yung sinabi ni Trigger. Okay, kalma. May dapat kang lusutan na tanong ni Kei.

“Hoy, baliw ka na ba? Bat ka nga sumisigaw?” tanong niya ulit. Nakangiti siya ng nakakaloko.

“Kinikilig ka?” Ang hirap ideny, tiling kinikilig naman kasi talaga yung nagawa ko e.

“Kay Sydd?” dagdag niyang tanong. Si Sydd nga pala ang alam niyang kasama ko.

“Baliw. Dito ka matutulog?” imbis na sagutin, ay iniwasan ko na lang ang tanong niya, masasaktan lang siya kapag sinabi ko ang totoo.

“Ayaw mo?” umiling agad ako. Sabagay, ngayon lang kami nagkausap ulit ng maayos. Medyo matagal niya din akong iniwasan e.

“Sira. Pasok na ulit sa CR.” sinunod niya naman ang sinabi ko. Huminga ako ng malalim, muntik na ako jusko. Grabe kabang kaba talaga ako.

Nilapag ko yung sling bag ko at nilabas lahat ng gamit ko don. Teka,nasan yung panyo ko? Naiwan ko kaya sa Bon Chon, o nailapag ko kung saan nung magkasama kami ni Sydd? Buti na lang hindi magandang panyo yung nadala ko.

Kinuha ko yung phone ko para itext si Yves, dito daw siya matutulog ngayon e.

Yves, wru?

(where are you?) nilapag ko yung phone ko at humarap na sa closet ko, para maglabas ng pajama. Nakatingin lang ako sa phone ko habang hinihintay ko ang reply ni Yves at habang hinihintay ko na matapos si Kei sa pagshoshower.

Ilang minuto ay nagreply na si Yves.

Pauwi na ako Ate. Pakihintay naman ako sa labas, nahihiya ako kay Tita e.

Mabilis naman akong nagreply, na wala si Mama sa bahay. At mag-ingat siya pauwi.

“sino yang katext mo?” napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat, bigla bigla na lang kasing sumusulpot si Kei.

“si Yves.” matipid kong sagot, “ay girl, kapag nagtext si Yves na nasa labas na siya, pakisundo na lang, shower lang ako.” tsaka ko inabot sa kanya ang phone ko.

“oki.” ngumiti siya sa akin. Kaya pumasok na ko sa CR. Grabe nakakapagod tong araw nato. Ilang oras akong nasa mall. Nakakapagod maghanap ng ibibigay ni Sydd sa liligawan niya.

The Wild ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon