[22] 2am

1K 20 8
                                    

Chapter 22: 2am

It hurts. I feel cheated.

Inisa isa ko yung mga post ng mga nambabash kay Cerine. Nanggigigil ako gusto kong patulan. Nasasaktan ako para kay Cerine, Bestfriend ko yun e. Pero nasasaktan din ako. Nagseselos ako, na buti pa siya nakakasama si Trigger, nakakausap si Trigger, nginingitian ni Trigger at pinupuntahan ni Trigger sa bahay nila.

So, pagkaalis naming tatlo nila Louise, si Trigger na ang kasama niya. Damn, just the thought of Trigger and Cerine getting close to each other kills me.

Nasaktan ako ng nalaman ko na isang linggo na magkasama sina Cerine at Trigger, nang hindi man sinasabi ni Cerine samin agad, bakit kailangan niyang itago?

Alam ni Cerine na dati pa lang, may gusto na ako kay Trigger pero bakit ganito ang ginagawa niya?

Why all of a sudden they became friends, parang dati lang they hated each other.

At kanina magkasama na naman sila. Parang may milyong karayom na nakatusok ngayon sa dibdib ko. Habang tinitignan ko yung mga pictures naiiyak ako. I can't help it.

Nung nasa Cafeteria sila, may picture na nakangiti si Trigger kay Cerine, hindi masyadong kita yung mukha ni Cerine. Merong kumakain si Trigger tapos umiinom ng softdrinks si Cerine.

And...

Yung mga kasunod ay yung nasa ilalim silang dalawa ng lamesa, anong ginagawa nila don? May nalaglag na ano? Bat kailangang dalawa pa silang pumulot?

Sa Oval naman, parehas silang nakaupo sa Damuhan at parang parehas silang seryoso. At yung pinakahuling picture ang nagpatulo na ng tuluyan ng luha ko, Trigger was staring at Cerine while smiling, si Cerine ay nakatingin sa kawalan. Parang inlove si Trigger kay Cerine but that's impossible. Yun lang yung kinalabasan ng picture but ya, it's impossible.

I'll make you stare at me like that Trigger.

My phone beeped. Binasa ko kaagad ang text and I'm right, it's Him. It's sydd. He's very consistent. 6pm. Gantong oras niya lagi ako tinetext at 6am din ng umaga.

Hi. Do u want Icecream?

Ofcourse, I love Icecream. Inaya niya ako nung nakaraan na lumabas and he asked me kung san ko gustong pumunta, Ice cream parlor ang naisagot ko.

Tumayo na ako, at sa huling pagkakataon tinignan ko ulit ang picture ni Trigger at Cerine.

Cerine's

Kumuha ako ng jacket tsaka dumaan sa kwarto ni Mama para sabihing aalis na kami bago kami tuluyang umalis ni Trigger. Hindi ko alam kung pano niya napapayag si Mama. O kung ano ang sinabi niya.

Hindi ko alam kung san kami pupunta o ano ang trip niya. Basta ako nakaupo lang sa tabi niya habang nag-iisip ng pwedeng sabihin para naman hindi masyadong tahimik sa loob ng sobrang mamahalin niyang sasakyan. Hindi ako pamilyar sa mga sasakyan.

"I am so sorry... Again." nilingon ko siya ng sabihin niya yan, nagkatitigan kami bago niya ibinalik yung tingin niya sa daan.

"I already told you, that's not your fault." Tumingin ako sa bintana, medyo malayo narin kami sa subdivision namin. Napabuntong hininga siya.

Bat ganto kaming dalawa, kundi sorry ay buntong hininga ang maririnig.

Hindi ko alam kung saan niya ako dinala, pero sobrang simple lang ng lugar.

May batis at may open na kubo. Rinig na rinig ang huni ng mga ibon.

Pumasok kami sa loob ng kubo, binuksan ni Trigger ang ilaw. Akala ko ay tanging liwanag lang ng buwan ang magiging ilaw namin.

The Wild ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon