CHAPTER 13

120 6 0
                                    

Ally's POV

So ayun,we had our breakfast together,since nasa trabaho na si Daddy ay kaming tatlo na lang ang kakain ng breakfast,inihanda na ni Gabby yung pagkain sa lamesa while ako naman ang naglalagay ng mga plato at kutsara samantalang si Mommy naman ay gumagawa ng Juice or coffee para samin.

Nung nakahanda na ang lahat,lahat kami na ay umupo na sa sahapagkainan at syempre inalalayan kami ni Gabby sa pag-upo ni Mommy which is ikinagulat naman ni Mommy.

"Ang gentleman talaga ng BOYFRIEND ko!"sabi ko sa isip ko.

Nung kukuha na ako ng pagkain ay biglang inagaw ni Gabby sa kamay ko ang sandok sabay sabi"Ako na maglagay ng kanin."sabi niya sakin habang nakangiti.

"Ehem!"sabi naman ni Mommy na nagkukunwaring umubo."Friends nga lang ba talaga kayong dalawa?"nagtatakang tanong ni Mommy while using her sarcastic smile,which is really awkward.

Dahil hindi ko napigilan ang ngiti ko yumuko na lang ako at si Gabby naman ay ibinaba niya ang hawak niya na kanin at umayos sa pag-upo,sinilip ko siya sa gilid ng mata ko at nakita kong yung kamay niya ay biglang hinawakan yung kamay ko na yun naman ang ikinagulat ko,kaya agad akong napalingon sakaniya,pero tinignan lang niya ako na parang sinasabi nita na"tiwala lang"at hinigpitan niya yung hawak niya sa kamay ko.

Huminga na lang ako ng malalim at inihanda ang sarili sa magiging reaction ni Mommy,ayoko na rin magsinungaling kaya baka masmabuti kung sasabihin ko na ngayon kay Mommy ang katotohanan,pero parang hindi pa ako handa na sabihin iyo kay Daddy dahil sigurado hindi niya toh magugustohan.

"Ahmmm,Nay Lana..."sabay huminga siya ng malalim at ako naman ay napatingin sakaniya na halatang-halata na kinakabahan.

"Oh?ano yung dapat niyong sabihin sakin!?"mataray na sabi ni Mommy habang nakataas yung kilay niya saming dalawa at seryoso ang mukha.

Pinisil ko yung kamay ni Gabby para pigilan siya pero yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko ay bigla niyang inakabay sa balikat ko at yung isang kamay naman niya yung ipinalit niya sa pagkahawak sa kamay ko sabay sabi"Nay Lana,kami na po nung anak niyo po."matapang niyang sinabi kay Mommy.

Ako naman ay agad napalingon kay Mommy na natatakot pero yung mataray na mukha ni Mommy ay dahan-dahang nagbabago into ngiti.

"Mom?"nalilito kong tanong tanung sakaniya.

Napabuntong hininga si Mommy at napairap sabay biglang tumayo sa pagkaupo niya,kaya bigla akong kinabahan pero hindi ko inaasahan ang susunod na nangyari dahil bigla niyang niyakap ng mahigpit si Gabby.

"Sabi ko na nga ba eh!na hindi ka lang niya kaibigan!naku!tatago-tago pa kayo eh halatang-halata naman na hindi lang kayo magkaibigan,first time kaya yang nagdala ng lalaki dito at may paghatid pa ng breakfast!"masayang sabi ni Mommy sabay umupo na siya ulit"mabuti naman at sinabi niyo na kaagad sakin ang totoo,hindi naman ako magagalit kung magkakaboyfriend na tong anak ko,That is part of our life na,kahit iwasan man natin mahuhulog at mahuhulog din tayo sa isang tao,magmamahal at magmamahal din tayo kahit anong pilit nating pigilan,hindi masama magkaroon ng girlfriend o boyfriend basta't alam niyo ang iyong mga limitasyon sa buhay."payo ni Mommy saming dalawa habang tuwang-tuwa siya.

"Hindi ka manlang ba magagalit sakin Ma?dahil hindi ko sinabi sainyo kaagad nung nagkaroon kami ng pagkakataon?"nagtataka kong tanong kay Mommy na yun naman ang ikinagulat ni Gabby kaya napalingon siya sakin.

"Alam mo anak,okay lang naman sakin,napagdaanan ko na din yang mga ganiyang bagay at alam ko hindi madali umamin sa magulang mo na may boyfriend ka na at isa pa umamin naman parin kayo!"sabay hinarapa niya si Gabby na nakangiti"masaya nga ako at siya ang naging boyfriend mo eh!"sabi ni Mommy habang nakangiti.

"Ay!salamat po!"nahihiyang sabi ni Gabby.

"Bakit naman Ma?hindi mo pa naman siya ganun kakilala ah!?"nagtataka kong tanong sakaniya.

"Kasi,Bihira lang ako nakakakilala ng mga ganiyang lalaki,yung may lakas ng loob para harapin at umamin sa magulang ng mahal niya mahal niya ang anak nila,kitang-kita ko sa mga mata niya kanina kung gaano ka niya kamahal."sabay hinawakan niya yung kamay ni Gabby sabay sabi"basta palagi mong tandaan,wag na wag mong pabayaan ang anak ko at sasaktan!dahil kapag yang anak ko umuwi ng luhaan!magtago ka na!"galit na sbai ni Mommy kay Gabby.

"Oo naman po!hindi ko po pababayaan at sasaktan ang anak niyo,mahal na mahal ko po siya at gagawin ko ang lahat para iligtas siya sa kahit anong pahamak at pasakit sa buhay!"sabi Gabby kay Mommy na parang natataranta.

Natawa naman si Mommy bigla sabay sabi"joke lang!"sabay tinap ni Mommy yung balikat ni Gabby.

"Okay!it's time to eat our breakfast nagugutom na ko!"sabi ko sakanilang dalawa at nagsimula na akong kumain.

Tumawa na lang sila at nagsimula na kaming kumain..

Pagkatapos naming kumain ay nasa living room naman kami ngayon at nanuod ng mga movie together"Wait lang,kuha lang ako ng makakain natin!"sabi ko sakaniya sabay tumayo nako sapagkaupo ko sa Sofa at pumunta ng kusina,pagkatapos kong kumha ng pagkain ko ay pagkabalik ko sa livingroom ay nakita kong hawak-hawak ni Gabby ang phone ko kaya agad ko siyang tinanong.

"Anong tinitignan mo jan??"nagtataka kong tanong sabay nilagay ko yung pagkain sa maliit na mesa sa harap ng sofa namin.

"Oh!nothing."gulat niyang sabi sakin"someone just texted and called you"sabi niya sakin.

"Who is it!?"nagtataka kong tanong sakaniya.

"I dont know,only letter Z appears on the screen of your phone."sabay inabot niya sakin.

"Holy!sh-!"kinabahan kong sabi sabay kinuha ko kaagad yung phone ko"wait lang tatanungin ko lang bakit siya tumatawag!"sabi ko kay Gabby sabay tumakbo na ako palabas ng bahay para tawagan siya pero walang sumasagot puro ring lang ang naririnig ko kaya bigla akong kinabahan,tinenxt ko na din siya nagtatanong kung ano kailangan niya,pero hindi pa din siya nagrereply kaya huminga na lang ako ng malalim para pakalmahin yung sarili at hindi masyado mag-isip ng kung ano-anong bagay sabay pumasok na ako ulit ng bahay sabay ngumiti kay Gabby.

"Sino yun?"nakangiting tanong ni Gabby sakin.

"Just a friend needed some love advice."pagsisinungaling ko sakaniya.

"Oh!so I assume that madami kang alam about love?dahil hindi ka naman tatanungin nila kung hindi ka magaling dun!"sabi niya sakin na parang nang-aasar.

"Hindi ah!"nahihiya kong sabi sakaniya habang naglalakad ako papalapit sakaniya nung malapit na ako sakaniya ay bigla na lang niya akong hinila.

"Payakap nga sa pinakamaganda at pinakamatalinong girlfriend ko sa buong mundo!"sabi niya sakin na parang batang nang-gigil habang yakap-yakap niya ako ng sobrang higpit.

"Gabby bitawan mo ko!!!"patili kong sabi sakaniya habang sinusubukan kong kumawala sa yakap niya.

"Hoy!!hindi pa ako ready maging lola!!"biglang sabi ni Mommy na nasa kusina naghuhugas.

Dahil sa gulat naman namin sa sinabi ni Mommy ay napatawa na lang kami ng malakas ni Gabby.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Author's Note: Sorry guys kung medyo natagalan yung pagupdate ko!been busy lately daming meetings at project!kaloka nababaliw na ko sa buhay hahaha!sana nagustohan niyo tong chapter na toh.

PS. If you like this story please dont forget to vote a leave a comment in the comment section below!love all love lots! ;*

Granted Heart  (The Photographer's Twin) || BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon