Prologue

286K 5.6K 390
                                    

"Here's your new assignment, Star."

Inabot ni Vanna Lei ang folder mula sa kanyang immediate head. Agad niya itong binuksan. It's a resume of a man with a picture attachment.

Tiningnan niya ang mukha ng lalaki sa picture. In fairness, guwapo ito. Singkitin ang mga mata. Pino at mapupula ang mga labi. Matangos at pino rin ang ilong. Mas guwapo ito kaysa sa typical na Koreano.

Ipinilig niya ang ulo.

Kailan pa siya naguwapuhan sa isang lalaki?

Sanay na sanay siyang nakakakita ng mga lalaki na sobrang guwapo starting from her dad to her brothers, former classmates and co-workers.

Suyang-suya na nga siya.

"There's a threat on his life. His twin brother was killed two months ago and he might be the next target. They own the biggest gold mining industry in Asia." Salaysay ng Head niya.

"Okay," she nodded. She smirked at the back of her mind. Mayaman nga ito but his wealth is not even close to theirs. 'Di hamak na mas mayaman pa ang pamilya niya.

The V.L.F. Empire makes them the wealthiest family in Asia. Hindi nga lamang masyadong lumalabas sa mga pages ang pinag-isang ari-arian nila.

Her father wants to keep their profile low para maiwasan ang pangyayaring katulad nito. Hiniwa-hiwalay nga nito agad ang businesses nila sa kanilang limang magkakapatid para hindi mahalata kung gaano kalaki ang assets nila.

"You have to get inside their house to make sure that they'll be safe."

Napatango siya sa sinabi ng kanyang immediate Head.

"One more thing, mag-ingat ka sa isang 'yan. Baka kasi 'yan din ang nagpapatay sa sarili nitong kapatid para masolo ang business nila." Paalala ng boss niya.

She figured that out. Hindi naman niya kailangang mag-undercover sa loob ng bahay nito kung safety lang ng lalaki ang pangangalagaan niya. They could send a security team to watch over him if that's the case. Hindi kailangang siya ang pupunta mismo nang hindi nalalaman ng pamilya nito.

"Bigla na lang kasi itong nagkainteres sa business nila samantalang noon ay wala itong pakialam." Dugtong nito. Napatango siya.

"Okay sir, I will." She answered as she got up.

Alam na niya ang gagawin kapag ganitong misyon. Sumaludo siya sa kanyang superior para magpaalam na. He also did the same.

"Tala, mag-ingat ka." Saad nito nang akmang tatalikod na siya.

Napatango siya. The man smiled.

"Pakakasalan pa kita," he said joking. Napatawa siya sa biro nito.

"Shut up, Cloud!" she said rolling her eyes.

"Kailan mo ba ako sasagutin?" natatawang tanong ng lalaki. The atmosphere suddenly became lighter.

"Whatever!" She said laughing and walked out of his office.

Matagal na itong nanliligaw sa kanya pero hindi niya pinapansin. He's handsome all right. His blue eyes matches his fair complexion. His trimmed stubbles and mustache makes him a lot manlier. He has a well-toned body. Hasa kasi ito sa lahat ng klase ng martial arts. Pareho pa sila ng trabaho kaya siguradong maiintindihan siya nito pero ewan niya kung bakit hindi niya ito masagut-sagot...

Is he not her type?

Simula kasi pagkabata ay wala na siyang nagustuhang kahit na sino.

Wala nga ba?

It never even crossed her mind to have any relationship with anyone. Sobrang adept siya sa trabaho at masaya siya sa ginagawa.

"Star, wait!"

Napalingon siya nang humabol ang binata sa hallway. She waited until he stood in front of her.

"May sasabihin pa ba ang ulap?" Taas-kilay niyang tanong sa binata. Tiningala niya ito para matingnan sa mata. Mas matangkad kasi ito sa kanya ng ilang pulgada.

Ngumiti ito sa kanya ng alanganin. Napakamot ito sa kilay. She also smiled. She pretty knew when he's a little tensed. Matagal na silang magkakilala ng binata.

They went to the same college and training facility. Marami na silang nagpagsamahang misyon. They were partners in the international forces. Marami na silang bansang napuntahan para sa misyon nila. But when the head of the agency for Philippines retired, she was asked to replace him. Pero tumanggi siya, mas gusto kasi niya sa field. Agent Cloud was the other choice. Siya ang tumanggap ng promotion. Hindi nga niya alam kung bakit nito tinanggap ang posisyon pareho kasi nila dating gusto ang field work kaysa maburo sa loob ng opisina.

"Can we have dinner dates in between this mission of yours?" Tanong nito sa kanya. Bahagya siyang natawa at napakunot-noo. Cloud never mixes work with pleasure. Saka lamang siya nito niyayayang lumabas kapag pareho silang on-leave.

"Bakit nag-iinit ka na ba masyado, babe?" She joked. Hahawakan pa sana niya ang dibdib nito pero hinuli nito ang kamay niya. Nasanay na siyang biruin ang binata ng gano'n. They've had a lot of missions where they had to act as lovers.

Nakangisi itong tumingin sa CCTV cameras na nakapaligid sa hallway.

"Pahawak na, mang-inggit tayo ng mga agents." She added laughing. Alam kasi niyang may mga nakatutuok lagi sa monitors ng mga iyon.

"You're really crazy." Naiiling nitong saad. Napatawa siya ng mahina.

"Seryoso ako. Puwede ba kitang i-date habang nasa misyon ka?" Tanong ulit nito.

"Why?" She asked puzzled.

Alanganing tumingin ang binata sa kanya. Huminga ito ng malalim bago nagsalita.

"I'm afraid."

"You're afraid I might be dead after this?" Natatawa niyang biro. Mukha kasi itong seryoso. She wants the environment a little lighter.

"No. I'm afraid you might fall in love with that man in the folder." Nahihiya nitong sambit. That earned her a good laugh.

"I never fall into love." She mumbled with a smirk when she regained her momentum.

"Malay natin. Natulala ka sa picture eh." Saad ulit nito.

"Crazy." She said chuckling. Pati talaga iyon napansin nito. Well, he's not her superior over nothing. Mapapansin talaga nito kahit kaliit-liitang pilantik ng mata ng taong kaharap. Napatitig naman talaga siya ng mga ilang segundo. Hindi kasi siya sanay sa mga guwapong Koreano. She always sees Korean men as lady-looking, with all due respect to all Korean men, but the man on her mission is different. Lalaking-lalaki ito tingnan.

"So, yes?" He asked and waited for her reply.

"Yakapin mo muna ako tapos i-kiss." Natatawa niyang biro sa binata.

"The last time I attempted to hug you, I had my arm broken." Natatawa naman nitong saad. She also laughed as she remembered that scene.

She was on a mission for a kidnapping syndicate, then. Naiinis siya dahil na-late ang mga ito ng dalawang minuto sa pagresponde. May nakatakas tuloy na isang suspect. Tapos pagdating ng binata, agad pa itong lumapit at yayakap sa kanya kaya pinilipit niya ang braso nito.

Nalaman niya pagkatapos na naharang pala ang mga ito nang papunta sa lugar kaya hindi agad nakasunod. Three of his team were wounded when they arrived to where she was. Nakonsensiya pa siya noon dahil halos isang lingo itong may arm sling.

"Vanna Lei Filan, what? Can I date you or not?" he asked with an impatient tone.

"Hey, if you really desire me, Mr. Klein Rich De Fiesta. You have to be patient." Taas-kilay niyang saad dito bago mabilis na tinalikuran.

Napapailing siyang naglakad. He could be persistent but at the same time impatient. Anong klase 'yon?

"Sunduin kita after three days." Malakas naman na sambit ni Klein bago siya lumiko sa hallway. She only raised her hand to dismiss what he said and went off. 

The Empire Series 5: Vanna Lei ShrewdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon