Pasimpleng sinundan ni Vanna ang sasakyan ni Clyde. Maaga siyang umalis ng apartment para magmanman sa bahay ng mga Lee. Papasok pa lang sana siya sa village nang makasalubong ang sasakyan ng binata kaya't sinundan na lamang niya ito. She wants to fully convince herself that the man is innocent of all her initial suspicions.
"Plese let me do it my way, Klein," she told Cloud before they part ways early morning. She was referring to the Lee's case. Nakatayo siya sa tabi ng kotse nito habang ito naman ay nakadungaw mula sa nakabukas na bintana ng driver's seat. Hindi naman nagsalita ang binata. Tiningnan lang siya nito ng matiim bago pinasibad ang sasakyan. She was left standing there with a heavy feeling.
However, few minutes later, she received a message from Klein saying that he's sending agent Mars to be her partner and two other agents as a backup when she needs one. He also gave her two weeks to finish her mission and wipe all the culprits.
Huminga siya ng malalim. Ibig sabihin no'n ay hindi na siya pakiaalaman sa misyon at hahayaan siyang dumiskarte kasama ni agent Mars.
She continued following Clyde. Tinawagan niya rin si Mars para mag-abang sa isang kalye para ito naman ang susunod sa binata gamit ang motorsiklo. Base sa nangyari kahapon, madali lang matukoy ng binata kung may nakasunod rito kaya't kailangan nilang mag-ingat.
"Go," she muttered on the line when Mars appeared on the road. Lumiko siya at hinayaan na itong sumunod sa binata. Their racking devices are on kaya't alam niya kung saan ang daang tinatahak ng kasamahan.
Lumipat siya sa ibang sasakyan at dumaan sa alternate route para siya ulit ang susunod sa binata pagdating sa road intersection. In that way, hindi nito mapapansin na may sumusunod rito.
Ilang kilometro ang itinakbo niya bago siya sumulpot sa kalyeng tinatahak ni Clyde.
"Ikaw naman," agent Mars announced. Lumiko ito sa pinagmulan niyang eskinita.
Sinundan niya ang sasakyan ng binata. Kumokonti ang kabahayan habang papalayo sila ng papalayo. Matataas rin ang bakod at yung ibang nadadaanan nila ay mukhang mga malalaking pabrika.
She made sure they have enough distance so he won't suspect anything. Nakita niyang tumigil ito sa tapat ng malaking gate na may mataas na pader. Hindi kita ang loob niyon maliban sa bubong na may mga exhausts.
Bumaba si Clyde sa kinalululanan nito at tiningnan ang sasakyan niya. Her car is tinted so she did not worry much. Itinuloy niya ang pagda-drive at nilagpasan ito para hindi mahalatang sinusundan niya ito.
Mars told her on the line that she's on a crossing nearby kaya itinuloy niya ang pagpapatakbo. Pansin niya ang paghabol ng tingin ni Clyde sa minamaneho niyang sasakyan. Hindi niya sigurado kung nagdududa ito o pinalagpas lang siya. Ang minamaneho niya lang kasi ang natatanging sasakyan sa kalye na nagdaraan.
The road looks deserted. Wala man lang katao-tao. Iniisip niya na oras lang siguro ng trabaho sa mga pabrika kaya baka nasa loob lang ang mga tao.
Lumiko siya sa kalsada kung nasaan si Cristina. Nakatayo ito sa tabi ng daan at inaabangan siya. May dalawang malalaking pabrika na may matataas na bakod sa magkabilang side ng kalsada.
"Nasaan 'yong motor mo?" tanong niya pagbaba ng sasakyan. Ngumiti naman ito.
"Nagtatago," natatawa nitong sambit sabay lapit. Her forehead creased but she saw her holding the remote on her hand. Sinundan niya ang direksyon ng mata nito. Mula sa matataas na talahib sa gilid ng mataas na pader ay unti-unting lumitaw ang motor nito.
Napangiti siya nang iabot nito ang remote sa kanya.
"I'll stay nearby," sambit nito bago sumakay sa kotseng minaneho niya at pinasabibad. Nilapitan naman niya ang motor. She pushed the button. Bumaba ulit ang sasakyan kaya naging mas mababa na ito sa mga talahib.

BINABASA MO ANG
The Empire Series 5: Vanna Lei Shrewd
AzioneVanna Lei is shrewd and strong. Nobody can tear her down. Not even love? ***** Vanna Lei is one of the best agents in the International Forces. She was trained to combat even the toughest of underground syndicates. Kaya noong binigyan siya ng misyo...