*****"Hindi mo na ako kailangang ihatid," sambit ni Clyde nang sumabay siya palabas ng function hall ng hotel buhat-buhat si Klei Lei Rinna. Katatapos lang ng binyag at first birthday celebration ng baby.
Sumulyap siya sa long table kung saan naiwang nag-iinuman ang mga kapatid niya, ama at si Klein. Sa isa namang table ay ang mommy niya, mga hipag at mga pamangkin kasama ang mga tagapag-alaga ng mga bata. Wala nang natirang bisita maliban kay Clyde. Nagliligpit na rin ang mga waiters sa ibang mga tables sa paligid.
Kumaway ang asawa niya kay Clyde nang sumenyas itong mauuna nang lumabas.
"Samahan na kita hanggang parking. 'Di pa tayo nakakapag-usap ng maayos. Hindi ko pa nakukumusta ang buhay mo sa IF," pilit naman niya. They walked out and headed towards the elevator.
"As if I can tell you about what I do at the agency," natatawang sambit ng binata nang sumara ang elevator. Of course, she understood that part.
"Be vague. Just tell me if it's going rough or smooth," she chuckled.
"I'm okay and happy with my life right now. If that's what you want to know," seryosong sagot ng binata. Napangiti siya. He sounds sincere. That's enough to ease her guilt.
Napakunot ang noo ni Vanna nang makilala ang babaeng naghihintay sa tapat ng kotse ni Clyde paglabas nila ng basement.
"Agent Gab?" she asked. Tiningala niya ang binata. Napatango naman ito. His face is void of emotion.
"Akala ko ba niloko ka niya dati at galit ka sa kanya? Don't tell me-" she eyed him cutting her statement.
"She lured me, yes, but I don't remember saying I was angry with her," depensa nito. Unti-unting napunas ang kunot sa noo niya sa isinagot ng binata.
"Fine. Just don't let her hurt you again," sambit niya.
"I know how to love properly, Vanna. You don't have to remind me," he told her. He stopped walking and stared at her. Tiningnan naman niya ito. His eyes had that glow she saw the first time they met.
"I rest my case," she said inhaling deeply. Ngumiti naman ito.
Clyde smiled. He held Klei Lei's hand and gently kissed it.
"Bye, little beauty," he murmured. She smiled when Klei Lei chuckled softly.
"Hala, ang bata-bata pa kinikilig na," natatawa niyang sambit sa anak. Natawa naman si Clyde.
"Ang guwapo ko raw kasi," Clyde joked. Natawa na lang din siya.
Nagpaalam na rin ito nang makitang parang naiinip na ang dalagang nakasandal sa kotse nito.
She waved at them both before going back to the elevator.
***
"Iuwi n'yo na 'yong mga asawa ninyo, alam n'yo namang hindi titigil si Klein uminom kapag binubuyo ng mga 'yan," wika niya sa mga hipag nang bumalik sa mesa ng mga ito. She handed Klei Lei to her nanny.
Natahimik naman ang ito sa pagkukuwentuhan at nangingiting tiningnan ang isa't-isa.
"Ayaw niyo? Gusto niyo pagbabarilin ko kayo kasama ng mga itlog na 'yon?" biro niya nang walang gumalaw sa mga ito.
"Vanna, watch your language," saway ng mommy niya. Natawa naman siya sa seryosong reaksyon ng ina.
"Dali na, pagod ako. Gusto ko nang mahiga," she said instead of taking her mom seriously.

BINABASA MO ANG
The Empire Series 5: Vanna Lei Shrewd
ActionVanna Lei is shrewd and strong. Nobody can tear her down. Not even love? ***** Vanna Lei is one of the best agents in the International Forces. She was trained to combat even the toughest of underground syndicates. Kaya noong binigyan siya ng misyo...