Chapter 21: Vanna Lei Filan

83.8K 2.6K 122
                                    

It was one of the boring parties Vanna Lei hated all her life. She almost wanted to pout or raised an eyebrow to anyone approaching them and exchanging greetings. Pero lagi-lagi siyang pinipisil sa braso ng ina kaya napipilitan siya.

Her dad proudly introduced her to everyone who approached their table. And how her blood boils whenever some of the old businessmen explicitly tell their sons to court her. Mas lalo siyang naiinis kapag hayagan naman ang pagkagusto ng mga lalaki.

"Pahalikin ko kaya ang mga 'to ng bala?" bulong niya habang may pekeng ngiti sa mga kausap ng ama niya. How she wanted to end the night right away.

"Ikaw talaga," natatawa namang bulong ng ina niya na narinig pala ang sinabi niya. She lightly pinched her arm.

There are round tables around the social hall but people kept walking around to greet each other. Sila naman ay nakatayo lang sa tabi ng naka-designate na table nila. Ang ibang businessmen ang lumalapit sa kanila. There are buffet tables on the sides but there are waiters serving. May bandang tumutugtog ng malamyos na musika sa pabilog na platform sa gitna.

Annual gathering pala ito ng mga businessmen at bibigyan ng award ang mga outstanding businessmen sa bansa. Her dad is one of the awardees again for the nth time. Kailangan nitong mag-speech mamaya at ipakilala ang maaaring sumunod sa yapak nito. He said she doesn't need to speak. Tatayo lang daw siya kapag tinawag ng ama ang pangalan niya, ngingiti at magwi-wave sa mga nasa paligid. Maliit na bagay pero naiinis pa rin siya, parang ang bigat sa dibdib niyang gawin iyon. If not for her dad's drama, she won't agree with it.

She went to her seat and listened intently when agent Mars spoke on her earpiece. Nakakabit sa hikaw niya ang speaker device kaya hindi halata.

Hindi pa daw umuuwi ang matanda kaya't hindi pa sila nag-uumpisa sa operasyong gagawin. Hindi siya nagsalita pero inilabas niya ang phone mula sa hawak na purse at nagmessage sa kaibigan.

It only took a few seconds before she heard Cristina's laughter on the line. She almost rolled her eyes.

"Na-miss mo na agad si boyfie, bes. Isang araw lang kayong hindi nagkita." Napasimangot siya nang marinig ang panunudyo ng kasamahan.

"Iba talaga ang epekto ng singkit sa 'yo," tatawa-tawa nitong dagdag. Her laughter filled her ears.

Sa inis niya ay nagpaalam siya sa ina na pupunta lang saglit sa restroom para mapagsabihan ang kasamahan na hindi pa rin natitigil sa pangangantiyaw. She's even mentioning Cloud.

Nang makitang walang tao sa hallway na nilikuan ay saka niya pinagsabihan ang kaibigan.

"Concentrate on the operation. Huwag kung anu-ano ang sinasabi mo," inis niyang sambit.

"Sus, ang sensitive mo naman, bes. Dahil ba namimiss mo si baby singkit?" tatawa-tawa pa rin nitong saad. She momentarily closed her eyes.

"Shut up, okay. Basta kapag nakauwi 'yong matanda saka kayo pumasok para hulihin," bilin niya rito.

Tawa lang naman ang isinagot nito sa kanya. Ni hindi man lang sinagot ang tanong niya kanina kung lumabas ba si Clyde o nasa bahay lang maghapon.


"Oh, she's here," she heard her dad muttered as she walked near their table. Busy siya sa pagdutdot ng cellphone kaya hindi niya napansin ang mga kausap ng ama.

"Meet my daughter, Vanna Lei Filan," pahayag ng ama. Nakatalikod mula sa direksyon niya ang dalawang lalaking naka-tuxedo kaya't hindi niya kita ang mga mukha ng mga ito. But looking at the built of the taller man made her feel uneasy.

The Empire Series 5: Vanna Lei ShrewdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon