Chapter 23: Clouded

92.7K 2.6K 219
                                    

The silence was deafening during the car ride. Wala ni isa sa kanila ang nangahas magsalita.

Vanna isn't use to Cloud's silence but she didn't want to question him. Gusto sana niyang itanong kung saan ito nagpunta o kung galit pa ba sa kanya pero nakaramdam siya ng hiya. Nahiya pa talaga siya?

Ni hindi nga tumingin ang binata nang itigil nito ang sasakyan sa tapat ng gate sa bahay nila. Maliwanag na ang kapaligiran dahil mag-uumaga na rin.

"Ipinakuha ko na 'yong mga gamit mo sa apartment," saad nito nang hindi siya agad bumaba ng sasakyan. Nakatingin pa rin ito sa kalsada.

She inhaled deeply. That's not what she wanted to hear but at least he finally broke his silence.

"Do you want to get inside for a cup of coffee? I'll instruct the guards to open the gate," diretso niyang pahayag bago pa mawalan ng lakas ng loob.

Sumulyap ito sa direksyon niya pero agad ding binawi ang tingin. She saw him shaking his head with a bitter smile.

"Since when was I allowed to enter your house for a cup of coffee?" he asked with a tinge of sarcasm.

She felt like her face flushed. They've been so close since time immemorial but she never asked him for a friendly drink inside their house. Saka lang ito nakapapasok kapag may okasyon at sa bahay nila ang venue.

She suddenly felt guilty about it.

"Ayaw mo ba?" balik-tanong niya rito. For the first time in years, she felt uneasy talking to Klein Rich.

Umiling ang binata.

"Magpahinga ka na. Report at the agency, ten hundred hours tomorrow," Klein said blandly.

Huminga siya ng malalim.

"Okay," she nodded before slowly moving out of the car. Mabibigat ang paa niyang bumaba ng sasakyan.

Hahakbang na sana siya papunta sa gate nang magbago ang isip. She turned around and knock at the window car.

She waited until it slowly opened.

Cloud's questioning eyes met her gaze. Hindi niya maintindihan kung bakit nangapa siya ng sasabihin.

"What?" Cloud asked. He wasn't smiling.

"Ahm," she lost for words. Cloud impatiently waited for her to speak. Her heart beats a little faster than the usual. Bakit ba siya biglang kinabahan?

"I-iyong sinabi mo dati, pag-iisipan ko," sambit niya. Cloud's forehead creased.

"Which one?" he asked. His tone was still cold.

"That one year," she said as she swallowed hard. She's actually been thinking about it. Naantala lang dahil sa kasong hinawakan niya.

Huminga siya ng malalim.

Cloud looked in front of him as if thinking hard. He later inhaled deeply and glanced at her.

"Forget it," he said before turning the car's engine on.

Naiwan siyang nakatunganga sa tabi ng kalsada.



*******

She was preoccupied the whole day. Dapat natutulog siya dahil wala pa siyang tulog magdamag pero hindi siya dalawin ng antok.

She isn't used to Klein's silent treatment. Kahit gaano pa ito kagalit sa kanya, hindi nito hinahayaan na magkahiwalay sila nang may dinaramdam sa isa't-isa.

The Empire Series 5: Vanna Lei ShrewdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon