Chapter 22: End of Mission?

92.1K 3.2K 574
                                    

Niyaya niya ang ama na umuwi nang halos alas tres na ng madaling araw. She wasn't feeling okay. Nasulyapan na rin niya na wala na ang matanda sa kabilang table. Hindi niya sigurado kung anong oras ito umalis. She was too focused on what happened earlier.

They were inside her father's car when she heard agent Mars reporting on the line. She was at the backseat. Ang mga magulang ay nasa harapan.

Papasok na raw ang mga alagad ng batas sa bahay ng mga Lee. She wanted so much to ask if Clyde was there but she remained silent. Hahabol na lang siya mamaya kapag nakauwi na.

She leaned on the headrest and tried to calm herself. Naaalala na naman kasi niya ang nangyari kanina. How his lips crashed and how she felt. Gahibla na lang yata ay tatanggapin na niya ang halik nitokung hindi ito biglang tumigil.

That thought gave her goosebumps. She can't possibly feel it.

She was about to close her eyes when she saw a familiar figure on the roadside. Susuray-suray ang lakad ng lalaki papunta sa kotse nito. Natumba pa ito sa hood ng sasakyan pero agad ring bumangon.

"Dad, slow down please," pakiusap niya sa ama. Napasulyap pa ang mga magulang sa kanya.

"Dad, stop," sambit niya nang lalagpasan na nila ang lalaki. Mukhang galing ito sa loob ng bar at sa tabi na lang ng kalsada nag-park.

Agad siyang lumabas ng sasakyan nang tumigil. Clyde lazily opened the car door. Mukhang lasing na lasing talaga ito.

"Oh my girlfriend?!" sarkastiko nitong sambit nang makita siyang papalapit. Pumipikit na ang singkit nitong mga mata.

Agad niya itong dinaluhan nang makitang matutumba na naman. She guided his hand to open the backseat of the car. Nagbubukas kasi iyon gamit ang finger print nito.

"Vanna Lei," rinig niyang tawag ng ama nang ipinapasok niya ang langong binata sa sasakyan.

She unlocked the front door before turning to her father.

"It's okay dad, I know him," saad niya sa ama. Her father looked at her skeptically.

Napatikhim din ang ina. "I told you," sambit nito. Sumulyap ang ama niya rito. They seem to have a different conversation again.

"He looks like he can't bring himself home. Ihahatid ko lang siya sa kanila, dad," aniya.

Her father's forehead creased pero hindi na niya ito pinansin bagkus ay binuksan niya ang pintuan sa driver's side. Nagpaalam siya sa mga magulang bago isinarado ang pinto.

Her parents step aside when she started the engine.

She was driving when Cristina told her that they already got hold of the old man. Ang mga bata ay kinuha muna nila pansamantala habang wala pa si Clyde sa bahay.

Sinulyapan niya ang lalaki sa backseat, nakatulog na yata ito sa kalasingan.

"Ikaw muna ang bahala sa mga bata," tugon niya sa kasamahan.

Instead of bringing Clyde home, she took him to a hotel. Baka kasi may mga pulis pa sa bahay ng mga Lee. For sure, they were not able to transport the deadly weapons right away especially the gold bars and bundles of cash.

Kung hindi lang siya sanay sa mabibigat baka nangawit na siya sa pag-alalay sa binata lalo na't naka-high heels pa siya at gown.



"Star," she heard him muttered when she deposited him to the bed. Nakapikit pa rin ito.

Huminga siya ng malalim.

Star? Is it possible that he also found out about her job?

"Ba-kit ka nagsinungaling, Lacy?"

The Empire Series 5: Vanna Lei ShrewdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon