Chapter 11: Who's on the Rescue?

105K 3.3K 403
                                    

She was busy sweeping the floor when she heard soft knocks. Inilagay na muna niya ang walis at dustpan sa tabi ng plastic bag na may mga laman nang rose petals. Agad niyang inabot ang phone sa table.

Her forehead creased when she saw Clyde at the screen of her phone. He's standing infront of her door. May inilagay kasi siyang hidden camera sa compound ng apartment na nakadirekta sa cellphone niya.

Ayaw sana niyang buksan ang pinto at palabasin na lang na tulog na siya pero alam niyang kita sa labas na nakabukas pa ang ilaw sa loob.

"Clyde?" sambit niya nang buksan ng kaunti ang pintuan.

"Ah, I saw your ex walking out from the gate," nag-aalangan nitong hayag. Itinuro pa ang direksyon ng gate. Hindi agad siya nakasagot. She knew he was referring to Cloud.

"I came in to check if you're okay," dagdag nito at bahagya pang sumilip sa loob ng apartment niya. Pasimple naman siyang humarang para hindi nito makita kung ano ang nasa loob.

Ngumiti siya ng tipid bago lumabas at agad na isinarado ang pinto. She saw how his shoulder slumped. Ngumiti pa ito ng mapait at nailing.

Itatanong niya sana kung para saan ang ganoong reaksyon nito nang muli itong magsalita.

"Kaya pala nasa basurahan 'yong binigay kong bulaklak, wala na pa lang space diyan sa loob ng apartment mo," sambit nito. Sinundan niya ang direksyon ng mga mata nito. His eyes were glued on the waste bin beside the gate. Nakausli pa kasi ang palumpon ng bulaklak.

Pakiramdam niya ay nagpuyos ang damdamin niya. She wants to get angry at Cloud but she just can't. Para kasing lumalabas na nagpapanggap lang talaga siyang okay sa harap ni Clyde dahil ibinasura niya ang bulaklak. In that case, her disguise might be jeopardized.

"Sinalubong kasi ako kanina tapos bigla na lang niyang itinapon yung hawak ko," mahina niyang saad.

Clyde's forehead creased. Hindi siya nagsalita. She hoped he would believe it. Iyon din naman kasi ang totoo.

"Does he have any mental or emotional problem?" tanong nito. Umiling naman siya.

"Ganoon lang talaga siya minsan kapag naba-badtrip," she reasoned out.

"Do you want me to take care of him?" he asked. Napatitig siya sa binata.

"I mean help you get rid of him," wika nito.

Her heart raced at his remark.

Sh!t.

Baka paimbestigahan pa nito si Cloud. Though Cloud has some legit businesses as his façade but she's not sure where Clyde's influence extends. Kaya hindi niya sigurado kung hanggang saan ang kaya nitong malaman.

"He's harmless. Huwag mo na siyang alalahanin," sambit niya.

"But he could just go in and out of your compound. That's dangerous," he told her.

Nangiti siya at napailing sa sinabi nito.

"Ikaw din naman," natatawa niyang biro.

Clyde stared at her for a moment. Then he chuckled softly.

"Iba naman ako." He smiled.

"Future boyfriend, remember?" nakangisi nitong dagdag. Her heart almost fluttered when he extended his arm and reach for her shoulder. Maliban sa pamilya at si Klein, wala pang lalaking nangahas na akbayan siya. What's surprising is that she couldn't feel any resistance in her entire being. Tiningala niya ito.

The Empire Series 5: Vanna Lei ShrewdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon