She still remembers the time when the shadows of the moon embraced the sun. Everything went dark, much like her entire life. This phenomenon is beyond everyone's control; it cannot even be manipulated. Some say it's a life-changing situation; others call it a curse. Ancient people believed it to be a kind of portal through which demons pass into the human world. Perhaps it's because darkness is consuming the light? Or maybe it's the moment when darkness meets light?
Whatever it is, she doesn't give a damn anymore. Just like the eclipse that day, her world starts to get dark. All she wanted to do was to return the pain they threw to her.
Tahimik lang siya habang nililinis ni Xavier ang sugat na natamo niya sa kanyang braso. Mataas na ang araw sa sandaling iyon kung kaya't hindi pa sila maaring pumuslit sa tagong lagusan. Maraming maaring makakita sa kanila't makaalam ng kanilang pinagtataguan.
"Do you still remember Avery?" mahinang tanong niya. "Bakit inaalala mo pa ang taong patay na."
"Dead can't talk. Ikaw lang ang nagsasabing wala na siya dahil itinago mo siya sa bago mong pangalan. But I know, she's still there." Inikot nito ang benda sa braso matapos itong malinisan. Pinanood niya lang ito habang abala sa paglapat ng paunang lunas. "I know you have reasons to be like that. Hindi ko iniinvalidate ang nararamdaman mo dahil normal lang naman na maramdaman mo 'yan. Gusto ko lang din malaman kung anong klaseng wakas ang nakikita mo sa huli base sa mga naging desisyon mo? Magiging masaya ka ba? Magiging masaya ka ba kung naging sino ka? Anong mangyayari pagkatapos ng lahat?"
Hind siya nakapagsalita.
Ito rin dahilan kung bakit hindi niya gustong makipag-usap sa binata patungkol sa ganitong mga bagay. Bawat salita na lumalabas sa bibig nito'y hindi niya magawang sagutin. It was the same stare she saw 10 years ago on a cold lonely field while she was still bleeding.
"Markeus! Hindi ko magagawa ang ibinibintang sa akin kahit na pinagplanuhan niyo ang pagpatay sa ama ko!" paghiyaw niya. "Ang kakapal ng pagmumukha nito para ibaling ngayon sa 'kin ang kasalanang hindi ko ginawa!"
Malamig ang tingin ng binata sa kanya. Tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata nang makita ang walang ekspresyon na mukha ng binata. "Markeus..." mahina niyang sambit. Iniwasan siya nito ng tingin at tumalikod papalayo sa kanya. Nanigas siya sa nangyari. Gulong-gulo at halos hindi na makapag-isip ng maayos.
"Hindi ko kayang pumatay! Hindi ko kayang gawin ang ibinibintang niyo sa akin!" hiyaw niya habang patuloy na nagpupumiglas. "Kayo ang dapat na ipatapon sa kulungan dahil sa kasalanan niyo! Binatawan niyo 'ko!"
"Ipatapon niyo 'yan sa kulungan! Ang mga kagaya niyang tao'y kinakailangan hatulan ng kamatayan. Walang utang na loob!"
Desperado ang pagpupumiglas niya sa sandaling iyon ngunit nakatikim siya ng hagupit mula sa mga kawal na minsan na rin nagsilbi sa kanya. Nawindang siya nang lumapat ang palad ng isa sa mga 'to sa kanyang mukha. Tila ba sinampal siya nang katotohanan sa oras na iyon.
BINABASA MO ANG
Karma Butterfly ✔️
Fantasy[FIN] Ang nais lang ni Lilith Remington ay mamuhay ng normal tulad ng iba. Subalit nang pagtaksilan siya ng taong pinagkakatiwalaan niya, bumaliktad ang lahat sa kanya. Inabandona siya nito, pinagtangkaan ang buhay at pinatalsik sa sariling palasyo...