Multimedia: Lilith Remington
SALUBONG ang kilay ni Lilith habang nakahalukipkip. Pinandilatan niya ng mga mata si Xavier ngunit nanatili itong kalmado. Pinanood lang siya nito habang hinihipan ang mainit na tsaa.
"Ibig sabihin, may ilang mga maharlika pa ang nakakulong sa Zero Zone?" hindi makapaniwalang tanong. "Hibang na talaga si Markeus para ikulong ang mga hindi pumapabor sa bulok na pamamahala niya. Hindi naman niya mapapakinabangan ang mga 'yon kung wala ang kapangyarihan nila. Hindi naman gumagana ang salamangka sa lugar na 'yon."
"Hindi ko alam na may ganyang lugar sa palasyo. Hindi ko rin nalaman kung sino-sino at kung ilan ang bilang mga nasa Zero zone."
Sumalampak siya sa upuan at marahang hinilot ang kanyang sentido. Sa dami ng impormasyong ibinigay ng binata'y hindi niya kinakaya ang kakapalan ng apog ng hari para gawin ang mga bagay-bagay. Kumuha naman ng atensyon niya ang madreng papasok sa kanilang silid. Pagkatapos ng dalawang linggo, ngayon palang sila muling nagkita ng binata sa tagong lugar sa simbahan.
"Kumain ka muna, iha." Saka nito inilapag ang ilang tinapay at isang baso ng mainiit na tsaa.
"Hindi rin ako gaganahang kumain sa mga nalalaman ko. Kailangan na talagang paalisin sa posisyon 'yang Markeus na 'yan."
"Susubukan kong kumukha pa ng impormasyon sa mga kababata mo. Ang alam ko lang ay nakalabas sila sa lugar na 'yon kapalit ng kaligtasan ng pamilya nilang naiwan sa piitan. Kung hindi sila susunod at maninilbihan sa Hari'y papatayin ang kanilang pamilya."
Sarkastiko siyang natawa sa narinig. "Wala rin namang kasiguraduhan na tutupad sa usapan si Markeus. Tatapakan niya ang mga nasa ibaba makakuha lang ng sapat na kapangyarihan. Worst case scenario..." Natigilan siya at tila ba nag-alangan nang panandalian. "He might be using the castle's treasure for his gain."
"Anong ibig mong sabihin?"
Bumuntong hininga siya nang malalim. "Ayon kay Ina, mayroong grimore na nakatago sa palasyo. Tanging hari't reyna lang ang maaring makapasok sa silid at maaring magtanggal o maglagay ng mahika sa paligid nito. Kung hindi naitalaga si Markeus sa palasyo sa tulong ng mga matataas na maharlika't taga sunod ng simbahan, hindi siya mabibigyan ng kapangyarihan para mapuntahan iyon." Saka niya kinuha ang baso ng tsaa sa kanyang harapan. "Blessings are made during the coronation night. At dahil siya ang susunod na tagapagmana ng trono, kontrolado niya lahat. Sikreto lang ito ng palasyo pero dahil sa mga usap-usapang nakakalabas, ito rin ang nagiging dahilan para gustuhin ng taga-labas sakupin ang kaharian. Tulad na lang ng Fiorre."
Hindi pa man niya naiinom ang tsaa sa kanyang harapan, bumaling ang tingin niya sa madreng nasa likuran ni Xavier habang dala-dala ang plato na may lamang tinapay. Kumunot ang kanyang noo bago pa man niya ito taasan ng kilay. Batid niyang napansin din ito ng binata at kaagad din naman lumingon sa likuran nito.
BINABASA MO ANG
Karma Butterfly ✔️
Fantasy[FIN] Ang nais lang ni Lilith Remington ay mamuhay ng normal tulad ng iba. Subalit nang pagtaksilan siya ng taong pinagkakatiwalaan niya, bumaliktad ang lahat sa kanya. Inabandona siya nito, pinagtangkaan ang buhay at pinatalsik sa sariling palasyo...